#11: Confuse

5.6K 157 5
                                    

Ika-labing Isang Kabanata: She’s confused and become more confuse.

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Yes, I do have a girlfriend. I’ve been in a relationship with her. And I love her so much.”

Patuloy na nagflaflashback sa utak ko yung linyang yan ni Jared sa interview niya. He didn’t mention my name pero alam na siguro ng mga tao that he’s referring to me. I remember our reaction when we watched it, nalaglag yung panga ko pati na rin ng mga magulang ko. At yung mga katulong namin ay sobrang nagtititili sa bahay namin. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko that time.

“Shet! So totoo ngang sila na ni Jared no? Ang swerte niya! Grabe! Nakakainggit grabe!”

“Congrats Gail!”

“Grabe, three years single yun, tas si Gail lang pala yung girlfriend niya! Shet ang swerte talaga!”

“Legend yun ng Wiesel eh!”

“Grabe?! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sila na! Parang sobrang imposible talaga eh!”

Napapatingin ako sa mga kablockmates ko na nakatingin sa akin at parang hindi makapaniwalang nakikita nila ako. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila at ininda yung mga naririnig kong bulungan ng nila.

“At least sulit naman yung ginawang pambabakod ni Master sa kanya! Ilang taon din yun eh!”

“Oo nga, hahaha. Tngna angas talaga niya!”

Natigilan ako sa isang statement na narinig ko, nilingon ko yun at nakita ko yung isa kong blockmate na varsity player din sa University, kausap na niya ngayon yung isa pa niyang kaibigan.

“Oy Saerin Gail Dela Cruz! Bruhilda kang babae ka! Bakit hindi mo sinasabi samin na boyfriend mo pala si Jared Montello?!”

Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang sumigaw si Pinky sa gilid ko, tinignan ko siya at napakagat na lang ako ng labi. Hindi ko alam yung sasabihin ko!

“Uhm, ano kasi—“ bumuntong hininga ako “Kasi di ba, ano…”

“ANO?!” sigaw nung mga kablock kong babae, lumapit na sila sa akin at halatang interesado silang makarinig ng details tungkol samin.

“Ehem, masyado niyo atang iniintriga tong best friend ko ah?” napatingin kaming lahat kay Asha na kakapasok lang ng classroom.

“Aba siyempre! Si Jared yun eh!” sabi nung isa kong classmate

“Napanood niyo naman siguro yung interview sa kanya nung isang araw di ba?” Asha said while looking at me, with a big smile on her face “Si Jared Montello yung intrigahin natin guys! Kinilig ako nun seryoso!” napanganga ako sa biglang sinabi niya. Grabe kilig na kilig siya at dahil dun nagsikiligan na rin yung iba ko pang classmates.

Parang sa pagkakaalala ko eh siya pa ang nagtulak sakin na maglayas para hindi mapakasal sa kung sinumang gustong ipakasal sa akin ng mga magulang ko ah? Anong nangyari?

“Yun ang mga lalaking pinapakasalan! Shet malapit na siya sa salitang perfect!” dagdag niya pa at dahil dun lumabas na naman yung maraming komento, telling me how lucky am I.

Napakamot na lang ako ng ulo at umupo sa upuan ko. Nawala ako sa mood tuloy, feeling ko maiintriga lang ako buong araw. Kailangan ko pa man ding habulin yung mga lesson, activities, quizzes at iba na namiss ko. Sana pala di na lang ako lumayas, pareho lang pala yung mangyayari.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon