Chapter 42

24.7K 685 45
                                    




The day before

"Mauna na kami Jade ikaw na bahala dito," Sambit ni Alliana habang sinusuot ang rubber shoes sa harap ng pinto, habang hinintay siya ni Lana sa labas.

Bukas pa ako papasok sa trabaho dahil iyon ang paalam ko kay Sienna, ngayong maglilinis naman ako ng kwarto ko. Total ito lang naman ang pinagkakaabalahan ko sa bahay.

First I started washing the dishes, dahil ako na ang nagprisinta na hugasan ang mga pinagkainan namin para hindi sila malate sa trabaho. Habang naghuhugas pinilit ko ang sarili kong magisip ng ibang bagay upang maiwasang magdrama muli.

At pagkatapos kong maghugas tumuloy na ako sa aking kwarto upang magsimulang maglinis. Inayos ko ang aking kama at ang mag bagay na nakalagay sa side table. Pagkatapos naman ay ang banyo sa kwarto kiniskis ko ang mag pader hanggang sa kumintab ito at tuluyan nang magmukhang bago.

Matagal na rin kasi simula ng naglinis ako ng kwarto ko, madalas itong magulo noong wala pa si Alliana pero ng dumating siya at napagalitan ako wala akong ibang ginawa kundi panatilihing malinis ito kahit papano.

Ngayon tunay na itong malinis, fresh and clean pagkatapos ko sa banyo ay sa buong kwarto naman ako, "Ay!!" I utter when I saw many things under my bed.

Pinagkukuha ko ang mga ito at tinignan, "Ito pala ang hinahanap kong laro nong nakaraan nandito ka lang pala, oh pati lip tint na ito akala ko nahulog kita sa bar hay nako," I was mumbling and check all the stuff under my bed until I found a piece of card.

It was a calling card, nang basahin ko ito pangalan agad ni Madam Lizeth ang naalala ko. She offered me a job in New York. Bigla akong napaisip ng isang bagay, dumako ang aking mata sa numerong nakasulat sa card.

Hindi ko alam pero dahan-dahan kong kinuha ang phone ko mula saking bulsa at binuksan ito, dumiretso ako agad sa dial. At walang sabi-sabing dinaial ang number na nakasulat dito.

Buti nalang ay naka landline ako kaya pwede akong tumawag sa ibang bansa, I nakakailang ring palang ito ay agad nang may sumagot.

"Good evening, Noelle Essence Company speaking" bungang mula sa kabilang linya.

It took me a seconds bago ako nagsalita dahil bigla akong kinabahan, "A-ah can I talk to Madam Lizeth?"

"Do you have an appointment with the Madam?" propesyonal na tanong ng nasa kabilang linya.

"Ahm...No, I don't, I just want to ask her something. She said this is her personal number," I said.

Then I hear some chuckled on the other line kaya kumunot ang aking noo, "I'm kidding, yeah, it's me Madam Lizeth speaking so how are you Miss. Callereese?" nanlaki ang aking mata ng makilala ang boses ni Madam.

Siya pala ang kausap ko kanina pa, akala koi bang tao dahil ang bata ng boses. "Hello Madam, I'm fine po kayo po ba?" I said and try to loosen up the nervousness I suddenly feel.

"I'm always fine, so why did you call? Are you accepting my offer this time?" bakas sa boses ni Madam na alam niya kung bakit ako tumawag kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na mahiya pa.

"Is the offer still open Madam?" I ask.

"It's always available darling; I mean the position is meant for you though, so when are you going to process your papers? Want me to help you. I'll send my regards to Cadmus so he would personally approve your resignation letter. We can do it as soon as possible it can be darling" napalunok ako sa sinabi ni Madam.

"Madam sorry but I can still think about it first?" nahihiya kong sambit.

"Oh yes darling, take your time, I'll call later ok," and with that, the phone call ends up and I lay down on my bed to think.

Habang nakatitig ako sa ceiling biglang tumunog ang phone ko at isa itong tawag mula sa ibang bansa muli, kila mama.

I answered, "Hello ma?"

"Aberry, anak kamusta ka na?" tanong ni mama kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa kama. "Ok lang naman ako ma ikaw kamusta kana d'yan?" I ask.

"Ok naman anak nandito parin ako sa tita mo... ahm Aberry anak ang pap------," I cut her off immediately. "Ma ayaw kong pag-usapan si Papa iniwan ka niya para sa ibang babae at ganun na din ang ginawa niya sakin ." sambit ko.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni mama sa kabilang linya, "Anak pumunta kasi ang papa mo dito kahapon humihingi ng tawad at sinabing nakipaghiwalay na siya sa Manage------," hindi ko ulit siya pinatapos dahil nagsisimula akong makaramdam ng galit sa aking dibdib.

"Ano 'yon Ma, kung kailan sira na doon niya lang gagawin iyon, ano! hinihintay pa niya na malaman mo bago siya makipaghiwalay sa babaeng iyon? Ano testing lang kung masasaktan ka ganon? Ano 'yon Ma ganon lang yon?!!?" hindi ko alam pero parang lahat ng galit at sakit nararamdaman ko sa ginawa ni papa ay ngayon lang lumalabas.

Hindi ko mapigilan ang aking mga sinasabi. "Hindi ako papayag na ganun nalang Ma, bakit ang tingin ba ni Papa sa ginawa niya joke lang? na paginayawan niya na kakalimutan nalang? Ma nangbabae si Papa, kinasama niya ang babaeng iyon kesa sayo bakit kung makapagsalita ka parang gusto mo nang patawarin si Papa agad?!" hindi makapaniwala kong sambit.

"Hindi naman sa ganon anak, oo alam ko naman na isang malaking kasalanan ang ginawa niya pero anak Papa mo parin siya, hindi ba dapat bigyan natin siya ng seco-----"

"Second chance ulit na gagawin niya sayo yon Ma, pwede ba ma wag na nating pag usapan si Papa ngayon." Napabuga ako ng malalim na paghinga dahil sa inis.

"Pero anak matanda na ako at ang Papa mo kaming dalawa lang ang magkasama dito, sinong mag aalaga sa kanya?" malumanay na sambit ni Mama.

"Edi yung babae niya ma!! kung nag aalala ka na mag isa ka dyan wag kang mag alala ma pupunta ako ng New York doon na ako magtatrabaho ako ang mag aalaga sayo don hindi mo kailangan si Papa!!!" with that I ended the call and lay on my bed as I cover my eyes using my palm.

Tears fell from my eyes, at ang sakit na matagal ko nang tinatakasan ay muling bumalik, and this time doble ito dahil hindi nalang sila Mama ang inaalala ko pati siya.

I cry for a minute and rest on my bed, I tried thinking until my phone rings, and it's Madam Lizeth. Tumuyo ako at huminga ng malalim para sagutin ito. "Hello po," I said.

"Hello, Darling so how was it??" bungad ni Madam Lizeth sa'kin.

"Madam tatanggapin ko na oh ang offer niyo" I firmly said, kung ito ang pipiliin mong daan mas malalapit ako sa magulang ko at malalayo sa lalaking mahal ko.

Dahil alam kong sa sarili ko na baka mabaliw ako pag nasaksihan ko ang araw ng kasal nila.pinakawalan ko siya pero hindi ako makakaligtas sa sakit na makita siyang ikakasal sa iba kaya mas pipiliin ko nalang lumayo at makalimot.

Mas kailangan ako ni Mama ngayon. "Great darling first thing in the morning I'll talk to Cadmus and you should prepare your papers already I'll also book your flight on Friday ok, thank you for choosing us I'll promise you the best thing that Noelle can offer" masiglang sambit ni Madam sa kabilang linya.

Nagpatuloy siya pag paginstruct sakin kung ano ang aking mga dapat gawin upang mapabilis ang paglipad ko sa Friday.

Tamang tama meron akong isang linggo upang maayos ang mga papeles ko. I stand up and go to my PC to make a resignation letter. Sabi ni madam ibigay ko nalang daw ito kay Cadmus at siya na ang bahala dito.

I think this is the new start that I'll be facing...

Without you, "Kaya ko ba?" I ask myself.

And nodded too, "Oo naman Aberry, nabuhay ka ng Dalawang puttatlong taon ng walang Oliver sa buhay mo, kakayanin mo ulit mamuhay ng marami pang taon na wala siya." I tried to cheer myself up.

And ended up, "I guess I'll live a new life without a heart because he already owns mine, I had nothing left but myself."

Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now