Chapter 22

22.3K 671 50
                                    


"Ay shet, umiyak oh! Alliana tingnan mo umiyak siya oh!!" bungad ni Lana sakin pagkaupo ko sa harap niya sa dining table.

Agad lumingon si Ali sakin kahit na busy siya sa pagluluto ng almusal, "Oh talaga oh ito sayo" sagot ko kay Lana ay sinubo sa kanya na tinapay na nakahain sa lamesa.

"Ay gaga, talaga!!" she said and removes the bread from her mouth.

Lumapit si Alliana dala ang niluto niyang tusino at itlog, umupo siya sa tabi ni Lana at tinignan ako. "Ok kana ba? Papasok ka ba ngayon?" she asks.

"Oo naman bakit naman ako hindi papasok anong dahilan?" defensive kong sambit, oo aminado naman ako.

"Siguro kasi ayaw mo munang makita si Beltran dahil nainlove ka sa kanya pero may girlfriend na pala siya kaya humopia ka" pang-aasar ni Lana sakin.

"Oo na kasalanan mo dahil hindi mo agad sinabi sakin na my jowa yong tao!" nanlalaking matang sambit ko sa kanya.

Natigilan siya at napaubo ng peke at umupo ng maayos, "Sorry na, tara na nga kumain na tayo nagugutom na ako" Lana said and start eating at ganon din ang ginawa ni Alliana.

Pagkatapos naming kumain at agad naring kaming nag ayos para sa pagpasok sa opisina. I just wear a simple sky-blue fairy off shoulder top and white denim pants. Sinuot ko rin ang black na suecomma bonnie 2-inch sandals ko. Hindi na ako naglagay pa ng make up dahil wala akong gana mag ayos ngayon. Kinuha ko na lang ang may makapal kong specs para hindi masyadong mahalata na namamaga ng konti ang aking mata.

Hinayaan ko lang din nakalugay ang aking buhok at dinala ang sling bag ko, sabay sabay na kaming pumasok sa opisina at agad akong dumiretso sa office at agad ginawa ang mag trabaho ko. Wala akong ibang ginawa kundi magpatuloy sa pagagawa ng mga marketing plan para sa new issues of perfume with new formulas.

Pinag aralan ko ito ng mabuti at umisip na rin ng magandang branding at possible advertising strategy para masabi ko na sa advertising team.

Madalas kasi silang kumukunsulta sa team namin dahil kailangan ng ideas namin dahil kami ang gumagawa ng branding ng new products.

"Yes, ito yong bagong design ng branding galing sa media team right" kasalukuyan akong kinakausap ng isang advertisement team when Oliver walks at her back and glance at me which I quickly avoided and pull the advertising team girl inside our office.

"Dito na lang tayo mag-usap sa loob ang init sa labas eh" pagpapalusot ko nang tignan niya ako ng may pagtataka sa kanyang mukha.

"So, I was saying kailangan natin ng strong personalities to endorse this new scent dahil sophisticated ang type ng branding na prinipose namin. Sa tingin ko maganda kung si Miss Chantel Delavine na lang ang kunin n'yo total andito naman na siya right" pagbibigay ideya ko sa kanya. Nagpatuloy kami sa discussion ng possible ideas for the advertising.

At inabot kami ng lunch sa paguusap, "Mauna na ako Ms. Callereese thank you for the patience of making me understand the whole idea for this" I smile at her.

"Naku, wala 'yon, trabaho ko ito sige na kumain ka na ng lunch" I said and she wave at me before leaving the office.

Paglingon ko sa table ni Sienna wala na siya dito, naalala ko sumenyas pala siya sakin kanina na lalabas. Hindi pa pala siya nakakabalik o baka kumain na iyon sa labas.

Kinuha ko ang bag ko dahil plano ko na lang bumuli ng pagkain sa baba at bumalik agad dito. Naglalakad ako sa hallway ng makita kong makakasalubong ko si Oliver.

Agad kong kinuha ang phone ko at umakto na may tumatawag. "Ah yes pababa na ako hintayin mo ako dyan ok" I said and walk pass-through him and avoided this gaze.

Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad sa likod ko at nilingon ako kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko at sumakay sa elevator. I saw him getting his phone from his pocket when the elevator door was about to close. Nakita ko na sinagot niya ang tawag mula doon hanggang sa tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator. I breathe heavily after that.

Pagbaba ko sa lobby agad akong dumiretso sa cafeteria ng kumpanya at bumili na lang ng pasta at tinake out ito, agad din akong umalis doon at dumiretso sa elevator.

Pinindot ko ang up button ng elevator, I waited until it opens. Pagbukas nito huli na bago pa ako makapagisip ng paraan umiwas.

"Aberry!!" excited na sambit ni Zoey habang nakakapit sa braso ni Oliver.

I stiffed and don't know what to do next, "H-hi" I said and wave slowly.

"You're just in time tara sumabay ka nang mag lunch samin ni babe." Susubukan ko pa lang sumagot ay agad na akong hinila ni Zoey palabas ng kumpanya at pinakasay ako sa sasakyan niya.

I seated on the back seat with Oliver habang si Zoey naman ay umupo sa passenger seat katabi ng driver niya dahil siya daw ang magtuturo ng daan. Halos magkapalit na kami ng katawan nitong pinto ng sasakyan ni Zoey dahil sa sobrang siksik ko dito para lang umiwas kay Oliver.

Habang siya ay kalmado lang na nakatanaw sa bintana, at parang walang pakielam sa mga sinasabi ni Zoey sa kanya.

Halos pasalamatan ko ang lahat ng santo ng tumigil na ang sasakyan sa isang eleganteng restaurant at agad akong nakababa at nakalayo kay Oliver.

Zoey grab my arms and pull me inside the restaurant habang nakasunod sa likod namin si Oliver na tahimik lang nakikinig.

"Let's seat na" Zoey said nang makarating kami sa table na pinareserve niya.

"Good thing they quickly find a table for three right, I will order for you guys leave it to me, ok," Zoey said.

"Zoe-----"she cut me out when I was about to disagree and quickly order a lot of expensive dishes.

Napansin ko ang pagismid ni Oliver sa ginawa ni Zoey pero mas pinili ko na lang ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. I need to avoid him. I don't have feelings for him na!!

"Aberry your so pretty pa rin, what you dress right now makes me remember your looks when were in high school nothing changes still babyface, I wish I can be like you too" tumawa lang ako sa sinabi niya, at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Do you know ba na super daming times nang tinanggihan ni babe ang offer ni dad, I mean like sino bang aayaw na maging director agad ng isang malaking kumpanya right. Everybody wants that." Napasulyap ako kay Oliver ng sabihin iyon ni Zoey at nakita ko ang pag igting nag panga nito at nagpatuloy lang sa pagkain na parang hindi siya ang tinutukoy ni Zoey.

"Haha baka gusto niya magsikap para maabot 'yon" I said.

"I don't know to him, dad is willing to give him the company naman in the future and he always hates the thought of giving he always said na gusto niya na galing sa blood and sweat niya yong salary niya but I still convincing him, right you will agree naman in the future you can't refuse that big opportunity right babe" She look at Oli but Oli acted like he didn't hear anything she said, so Zoey hide it on her laughter and change the topic.

"Do you want to know ba on how I meet him, well actually it started when dad was offered to be one of the speakers on the grand gathering of perfume business, which is Delavine's are invited too and dad communicate with the owner Mrs. Delavine and they talk about investment and dad said he wants a great presentation for him to approve the investments and you know what Delavine's send him on our company and he delivers the presentation so good to the point that dad immediately offers him a high position in our company but his so loyal to Delavine's and dad set him a date on me kapalit ng pag agree niya sa contract and we fell in love with each other after that so sweet right" kinikilig na pagkwekwento ni Zoey.

Ngumiti ako at tumango-tango na lamang sa kanya, and I saw Oliver stare at me so I avoided it and focused on eating.

"By the way, my birthday is coming this Friday I want you to attend it's a private party will be hold on one of my aunties resorts It will take three days pumunta ka ah!! Papasundo kita kay Oliver." Halos mabulunan ako sa sinabi niya kaya agad akong napainom ng tubig.

"Bring Alliana and that girl name Milana with you ok, I don't accept no as an answer Aberry you know that so you're coming right"

Kung minamalas ka nga naman oh!

"Oo naman pupunta kami hehe..." 

Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now