Chapter 41

25.1K 610 53
                                    


Nakatulala akong naglalakad pauwi sa unit, tila tumigil na ang aking luha sa pagtulo kasabay ng pagtila ng ulan. Naglalakad at basang basa parin ako dahil nabasa ako ng ulan, hindi kona alam kung anong dapat kong maramdaman tila namamanhid na lang ang buo kong katawan.

Tanging panlalamig na lang ng buong katawan ang aking nararamdaman, nanginginig at nangungulubot na ang aking mga kamay at daliri.

"Aberry!!!!" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Alliana sa kung saan.

Dahan-dahan ko siyang hinanap at lumingon sa paligid, and there she is standing 10 steps away from me, natigilan ako ng nagtama ang aming mga mata. Bakas ang pagkagulat at awa sa kanyang mukha ng makita niya ako. Kaya hindi ko na napigilang maglakad ng dahan-dahan papunta sa kanya hanggang sa naging takbo ito at agad ko siyang niyakap.

I hugged her so tight and didn't bother that I'm soaking wet. "Jade" she whispered my name and I felt her arms around my waist.

Hindi ko magawang umiyak kahit sobrang naninikip na ang aking dibdib kaya hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya.

"Anong nangyari?" she asks like, she knows that something bad happens.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay mas niyakap ko lang siya lalo at sumiksik sa kanyang balikat. "Ali nahihirapan akong huminga, ang bigat ng pakiramdam ko" bulong ko sa kanya.

She rub her hands on my back and she sigh, "Sabihin mo sa'kin Aberry, anong nangyari?" tanong niya sakin.

Huminga ako ng malalim bago lumayo sa kanya at hinarap siya ng maayos, she held my shoulders and look at me with a serious expression. I urge a bitter laugh and smile at her. "Sabi niya mahal daw namin ang isa't-isa pero hindi kami para sa isa't-isa" I said and shook my head.

Humigpit ang pagkakahawak niya sakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin, I bitterly laugh and this time suddenly my tears fell.

My shoulder started to shaken and my hands trembled with pain, "Hindi ko maintindihan Ali... haha naiba yung plano niya, sabi niya mahal niya ako, paulit-ulit niya pa ngang sinabi iyon kanina sakin tapos biglang nag propose siya kay Zoey... Ali nag propose siya kay Zoey.... Nag proposes siya, ako yong mahal pero hindi ako ang papakasalan...." I laugh harder.

"Ano to' joke.... Kasi....kasi sana joke nalang... Ali sana joke nalang kasi ang sakit sakit" I break down and kneel, seated on the floor and cry harder.

"Ang sakit sakit!!!" Alliana kneels too and hugs me, letting me cry in her arms.

"Iiyak mo lang ang lahat ng ito Jade nandito lang ako" she whispers and let me cry more.

Alliana let me cry until I got tired of it and just stopped. She guided me home at hindi nagsalita ng kung ano man, she just let me drink water and fix the clothes that I would wear before I sleep.

"Alam kong alam mo ang dapat mong gawin Jade, magpahinga kana" she said before leaving my room. humiga na ako sa tabi ni Lana at tumagilid patalikod sakanya at nagsimula nanamang tumulo ang luha ko, paulit-ulit na bumabalik sakin ang masayang itsura ni Zoey, kung gano siya natuwang sagutin ang proposal ni Oliver.

"Ang pag ibig ay hindi maituturing na pag-ibig kung hindi ito kumplikado" natigilan ako ng marinig si Lana nagsalita, agad ko siyang nilingon at nakitang nakatalikod din siya sakin.

"Tama si Alliana alam mo na dapat ang dapat mong gawin, dahil alam mo namang sa umpisa palang ay talo kana ngayong nasaktan kana tanggapin mo nalang at magsimula ng panibago, alam kong mahirap at walang pwedeng magdikta sayo kung anong dapat mong gawin kaya hindi na kami magsasalita pa ni Alliana hahayaan ka naming magdesisyon kung ano ang gusto mo, basta ang masasabi ko lang sa buhay dapat matuto kang magparaya" she said and go back to sleep. Hindi na ako nagsalita pa' at bumalik sa aking pwesto.

Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now