Chapter 21

22.6K 733 56
                                    


Kasalukuyan ako tumayo sa likod ng pinto, pagkatapos ko itong isara. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kung anong uunahin ko magagalit ba ako dahil hindi niya sinabi sakin? Masasaktan ba ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi? Iiyak ba ako dahil pakiramdam ko ay nawalan na ako ng tyansa sa lalakeng gusto ko?

Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung anong uunahin. "Aghhh!!!" ginulo ko ang aking buhok at sumandal sa pinto. I bite my nails and try to think right, but my brain seems like not functioning right now.

"Ay!!" napasigaw ako ng biglang bumukas ang pinto at sa pangalawang pagkakataon ay natumba muli ako sa sahig.

"Anong ginagawa mo dyan?!" Tanong ni Lana at Alliana sakin pagpasok nila sa loob ng Unit.

I roll my eyes on what they ask, "Ah, wala nagprapractise kasi akong maging serena kaya ganito!" pilosopo kong sambit na agad sinakyan ni Lana.

"Dapat sa dagat gurl wag dito!" she said and control her laughter.

Inirapan ko nalang siya at hinimas ang aking balakang, "Ano na naman ba kasing ginagawa mo sa likod ng pinto," Kalmadong sambit ni Ali at inabot ang aking braso upang tulungan akong tumayo.

Sabay kaming naglakad papuntang sala at umupo, pabalibag kong hinubad ang tote bag ko at hinagis sa trash can ang tapper wear na may lamang macaroni. Hindi ko na ito binalak pang iabot sakanya, wala naman ng dahilan para ibigay 'yon.

"Tinapon mo may laman pa?" Alliana asks while standing beside me and tying her hair up.

"Hindi ba 'yon yung ibibigay mo kay Beltran?" nagtatakang tanong ni Lana habang nakaupo sa harap ko.

Agad akong sumimangot at suminghal, pinagkrus ko ang aking braso at pinatong ito saking tyan. Nakita ko ang pang iling ni Alliana at ang pagupo niya sa arm rest ng upuan na inuupuan ngayon ni Lana. She rested her arms on Lana's shoulder and look at me.

"May girlfriend pala si Oliver" sambit ni Alliana.

"Oh shit!! Yes, nakalimutan 'kong sabihin sayo 'yun!! Alam kong may girlfriend si Beltran!" malakas na pagsasalita ni Lana na ikinagulat ko, nakatanggap naman siya ng hampas kay Ali.

"Aray!" she hazes, "Bakit ngayon mo lang sinabi sa kanya!!!" Ali said.

"Oo nga hindi ba sinabi ko sayo ang plano kong pag-amin kay Oli kaninang umaga!" hindi makapaniwala kong tanong.

"No, wala pa kasi ako sa tamang katinuan kanina, you know, medyo lutang pa ako nung sinabi mo 'yon nakalimutan kong may Gf siya, tyaka sinubukan ko nang sabihin sayo 'yon dati, remember yong nakatayo tayo sa tapat ng convenience store, tapos may sasabihin sana ako kaso dumating si Alliana," Pagpapaliwanag nito.

Napatapik ako ng aking noo at ginulo ang aking buhok, bakit kasi ngayon ko lang nalalaman lahat ng ito, Sila Nyril at Tita Olivia hindi man lang din nabanggit ito sakin.

I feel a little pain in my chest knowing that they know it but know tries to inform me, it's already too late because I have already fallen for him.

"Bakit ngayon ko lang nalaman ito!!!!" bulong ko habang nakatulala.

"Sorry nakalimutan ko" bakas sa boses ni Lana ang konsensya, kaya tinanguan ko siya agad at sinabi, "Wala kang kasalanan, tyaka walang may gusto nito" I said.

Alliana sigh and speak, "Anong balak mo ngayong nalaman mo nang hindi na pala pwedi si Oliver, hindi ba't gusto mo na siya?" seryoso niyang tanong sakin.

I stare back at her and think, "Mabuti nating kaibigan si Zoey nong high school tayo Ali, alam mo 'yan tyaka isa pa sobrang dami niyang natulong satin noon hindi ko kayang sirain at saktan siya at sasabihin ko na hinalikan ko ang boyfriend niya" nag-aalala kong sambit. Zoey is a good friend of mine.

"Shit Kiss?! Truly?!!!" gulat na sambit ni Lana. Pero tinakpan na ni Alliana ang bibig nito at hinayaan akong magsalita muli.

"Bago pa lang naman itong nararamdaman ko kay Oliver, mababaw pa lang kaya pang agapan at tigilan hindi ba, lalayuan at didistansya na lang ako. Hindi rin naman magandang magpatuloy ang normal naming pakakaibigan kung umabot na kami sa point ng nangyari kagabi. Feeling ko hindi ko rin kayang lunukin na aakto akong parang walang nangyari, lalo na't alam kong kaibigan ko ang girlfriend ng lalakeng hinalikan ko." I feel pain on my chest but I choose to erase it and look at the better side of my idea.

Hindi ko masasaktan o masisira man ang relasyon nila kung lalayuan ko si Oliver. "Tama yan gurl ikaw na ang lumayo sa gulo kung ayaw mong maging kabit" Panloloko ni Lana, pero bakit pakiramdam ko tinamaan ako sa sinabi niya.

"Basta hangga't kaya mo iwasan at tigilan mo na ang nararamdaman mo sa lalakeng iyon, dahil ayon ang tama Jade" Seryosong sambit ni Ali.

Tinignan ko siya at tumango-tango, kumain kami ng hapunan pagkatapos non' at nagkwentuhan lang ng kung ano-ano pero sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Lana dahil lumilipad parin ang isipan ko.

Oliver keep buging my mind even I try hard to be mad at him, nagflaflash sa utak ko ang haplos ng kanyang labi sa aking labi na tila'y ito na ang pinakamatamis na bagay na nalas----- Ano ba! Tigilan na ang pagiisip sa lalakeng iyon.

"Goodnight," I said as I enter my room and close the door. Naiwan sa sala si Ali at Lana dahil may ginagawa pa silang trabaho.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong nakita nag malaking unicorn stuff toy na binigay ni Oliver sakin. I remember how he cheers me up that time. Sobrang bait niya at sinong hindi mahuhulog sa mga simpleng ginagawa niya. Mali! Tigilan mona nag kakaisip sa kanya Aberry ano ba!

Mabilis akong humakbang papalapit sa kama at hinila si Wowo, "Ikaw sinungaling ang pinanggalingan mo!!! Pinainlove niya ako sa kanya tapos biglang malalaman kong may girlfriend na pala siya!!! Humopia ako don alam moba 'yon, galit na galit ako ngayon!!!!" I finch it's hands.

Pinanggigilan ko ito at hinagis sa kama, I jump at dinaganan ito pinagsasapak at sinabunutan. "Yan ang nababagay sayo pafall ka nakakainis ka!!!" nanggigigil kong sambit at patuloy ang pananakit kay Wowo.

"Ang sarap mong hali---sapakin, oo sapakin! Sasapakin kita ng ganito oh!!!" pinagsasapak ko si Wowo.

"Yan ang dapat sayo!!" I kick him out of the bed and lay on the bed.

Napatingin ako sa ceiling at hinihingal na hinawakan ang aking dibdib, "Wala pa nga akong first move, busted na agad!!" I whisper and one tears fell from my eyes.

"Nakakainis ka naman eh" I whisper and burst out of crying. Umupo at gumapang ako sa kama upang abutin muli si Wowo mula sa sahig.

I lay back on the bed and hug it tightly, I snob and keep crying silently, close my eyes. "Wowoooo," I said.

"Lalayuan ko na siya" umiiyak kong sambit. The thought of avoiding him starting tomorrow pains me.

"I hate you for not telling me and letting me fall for nothing."


Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now