Chapter 16

25.3K 805 53
                                    



Ilang linggo na simula nang malaman kong maghihiwalay na ang mga magulang ko, sinubukan kong iwasan at intindihin ang side ng bawat isa sa dalawang linggong iyon. Mas pinili kong manahimik at hayaan silang magdesisyon para sa kanilang sarili daw, alam ko naman na kahit anong gawin ko ay sila pa rin ang masusunod.

In those days I choose to avoid communicating with them and let them do what they want, I focused on my work during those days and keep on streaming, I spend my free time with Lana and Alliana lalo na paglunch sa opisina, pero pag-uwi sa unit I often meet with Oli para makipaglaro sa kanya at kay Nyril.

Alliana started to get busy on her job and do overtime so I was tasked to make dinner for us and I give Oli some of it.

Oliver keeps me busy to some sort of things, simula nong birthday ni Nyril madalas niya nang dinadala ang kapatid niya sakin para turuan itong maglaro at minsan ay tulungan sa mga assignment nito.

Minsan ay dumadalaw din si Tita Olivia at nagpapaturo gumawa ng kung ano-anong desserts, nang matuto siya ay nagsimula siyang magtinda-tinda sa lugar nila at extra income nila iyon.

Oliver and I get closer and closer, and now I feel too much comfortable with him around.

I prefer being with him than playing, pero mas masaya kung naglalaro kami ng sabay gaya nito.

"Oli sa left side meron" I said while seeking another enemy on the screen.

"Kuya sa baba!" Nyril shouted while kicking her brother back and pointing at the enemy that didn't seem to flash in Oliver's sight.

Agad kong pinuntahan kung saang lugar siya sa laro at ako na mismo ang pumatay sa tinutukoy ni Nyril. Pero hindi ko napansin na may back up pala ang mga ito kaya napatay kaming dalawa ni Oli.

"Yan kasi ! kuya patalo talaga!!!" iritang sigaw ni Nyril sa kanyang kuya, but Oliver just smiles at her and teasing her more.

"Bawi nalang tayo Nyril" singit ko sa bangayan nilang magkapatid.

"Wag ka nang sumali kuya kami na lang, magluto ka nalang don kay mama oh," Nyril pointed Oliver's kitchen kung saan nakatayo si Tita habang tumatawang pinapanuod ang bangayan ng dalawa.

"Oliver dito ka na lang hayaan mo na sila dyan, tulungan mo ako dito" natatawang sambit ni Tita, Oli sigh and glance at me before going to the kitchen.

Nyril and I start playing again and I think that Nyril was right; Oli was the black sheep on the game.

"See kuya nakapanalo kami ng ilang games nung umalis ka!" pagmamayabang ni Nyril pagbalik ni Oli sa pwesto namin.

"Talaga? Edi wow," Oli said and start eating what Tita Olivia prepared.

Nagkwentuhan lang kami nang kung ano-ano, tawanan at kung ano-ano pang ganap, hanggang sa nakatulog na si Nyril at nagsimula nang magligpit si Tita, dito sila ngayon tumuloy sa unit ni Oli dahil walang pasok si Nyril ng dalawang araw.

"Tita mauna na po ako, maraming salamat sa pagkain po," nakangiti kong pagpapasalamat kay tita at tinignan si Oli na kasalukuyang tumayo para ihatid ako sa unti ko.


"Hatid na kita," he said, I laugh and say, "Dyan lang sa kabila ang bahay ko hahatid pang nalalaman," I joked.

"Gusto ko," seryoso niyang sambit kaya tumawa nalang ako at nagsimulang maglakad palabas.

Pagtapat namin sa harap ng unit ko, I acted like I was tired and wiping sweat around my forehead. "Hoo, nakakapagod pinagpawisan ako sa sobrang layo ng bahay ko sa bahay mo ah grabe" I joked, he just smirk.

Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now