Chapter 48: Courting

175 10 0
                                    

(A/n; Enjoy reading.)
---

Aryana's POV


MAKALIPAS ang dalawang taon ay nakagraduate na kami ng highschool. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon habang nag kukwentohan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din magbabago si Jofel, maingay pa din.

Sa DLU na na rin pala nag transfer si Dwayne para sa college, nagsasawa na daw kasi siya sa mga chix doon sa Golden State. Tss Babaero talaga.

Hanap ay chix, hindi naman nagkakajowa. Psh.

Tsaka isa pa, simulan noong nagka issue si Mr. Hermes ay kakaunti nalang ang nagpatuloy ng pagpasok doon. Siguro ay dahil natrauma na sila sa nangyari noon.

Basta kami ay masaya lang sa Dela Fuego University. Nakakamiss ang mga panahon na nagagawa ko pang magloko, ngayon kasi ay hindi na maaaring gawin iyon. Kumbaga bawal ang papetiks petiks sa college. Kailangan talaga ay maging matino na.

Maging sa pagpili ng kurso ay nahirapan din ako. Hindi ko pa rin kasi talaga alam noon kung ano ang gusto ko maging. Marami akong naging choices pero agad din akong pinanghihinaan ng loob dahil baka hindi ako makapasa sa standards nito.

Pero sa huli naman ay naging buo na ang desisyon ko na kuhanin ang kursong abogado. Masyadong mataas pero kakayanin. Sinabi ko na rin sa mga magulang ko na gusto ko maging isang abogado. Naging masaya naman sila sa akin lalo na si kuya Aris na ngayo'y nagpapatakbo na ng aming kumpanya. Tinanong niya ako noon na bakit hindi nalang daw ako kumpanya magtrabaho. Sinabi ko nalang na gusto ko munang maging isang ganap na abogado nang sa ganon maipagmamalaki din ako nina Mommy and Daddy.

Civil engineer ang kinuha nina Felix and Jofel, sadyang maging sa pagpili ng kursong ay hindi sila mapaghihiwalay. Psh.

Si Dwayne at Kenshin naman ay kapareho ko ng kurso pero hindi ko sila naging kakaklase dahil mas matanda sila sa akin ng isang taon. Si Kaito ay nakahiwalay din gaya ko, 'yon nga lang HRM ang kinuha niya.
Gusto niya daw kasing palaguin pa nag restaurant nila. Sabagay, bagay din naman din sa kanya ang kursong iyon dahil masarap nga naman ito magluto at may potential talaga.

"HAHAHA"

Napatingin ako sa mga ito nang bigla silang tumawa, nakitawa na lang din ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan ang kinukwento niya.

"Alam niyo ba?"ani Jofel kaya napatingin kami dito.

"Ang ano?"

"Na nakuha ni Sir. Grunt ang phone ni Felix? WHAHAHA"- napahawak pa ito sa kanyang tiyan. Napailing nalang kaming apat dito.

"Bakit naman?" Si Kenshin ang sumagot habang nakakunot ang noo.

"Sana all daw kasi may kaharutan habang nagkaklase kaya ayon." Tuloy na pagkukuwento nito bago muling humagalpak ng tawa.

So may kaharutan siya? Tsk

"Hindi kaharutan ang tawag doon."- pagtatanggol ni Felix sa kanyang sarili. "Saka kasalanan mo din naman kung bakit ako nahuli eh." -iling iling na anito, agad ko namang sinamaan ng tingin si Jofel.

"Bakit ako?" Natatawang anito bago nagpalipat lipat sa aming dalawa ang paningin.

"Kung hindi ka lang sana nagchat ay hindi sana makukuha ang cellphone ko." -Anito na halatang nainis dahil sa ginawa ni Jofel.

"Tapusin niyo muna ang pag kain bago kayo magkwentohan okay?" Sabat ko kaya agad naman naningkit ang kanilang mata. Tss mukhang alam ko na ang sunod na mangyayari.

"Kwentohan mo naman kami Ayan." Sabi ko na nga ba. "Ano na ba status niyo ni Felix?" Tanong ni Dwayne kaya saglit akong napatingin kay Felix, ngumisi lang naman ito bago kinagat ang ibabang labi. Tss kinikilig na naman ang loko.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now