Chapter 21: Aristotle

192 19 0
                                    


Continuation.

Dumiretso na ako sa classroom matapos makisali sa gulo nina Kenshin. Halos lahat ng estudyanteng nadadaan ko ay nakatingin sa kanilang mga cellphone habang nanonood nang kung ano.

Bahagya akong naglakad palapit sa mga iyon at nakinood. Napangisi ako nang makitang sina Kenshin ang kanilang pinapanood.

So naka-live pala sina Kenshin kanina pa? Ibigsabihin ay nakita din ako sa video na yon? Tss.

Bakit kasi hindi ka muna nag i-isip bago kumilos, Aryana!

 

Nasa tapat na ako ng room namin nang may tumawag sa akin. Dahan-dahan ko naman itong nilingon.

“Akhira, right?” tanong ni Sir Gregor. kaya tumango naman kaagad ako.

“Yes po, why?” takang tanong ko. Tumikhim lang ito bago napatingin sa paligid. “Gusto lang sana kitang pasalamat dahil sa ginawa mo—”

“Wala ho iyon, Sir. Ginawa ko lang ho ang dapat kong gawin.” putol ko sa sasabihin nito.

Kaagad ko namang mapansin na may nakatingin sa akin kaya hinanap ko agad kung sino iyon. Nang magtama ang mata namin ay ito ang unang umiwas.

Felix.

TUMUNOG ang bell hudyat na lunch na. Inayos ko agad ang aking gamit bago bumaba. Pagpasok ko pa lamang sa cafeteria ay bulungan ng mga kapwa estudyante ko ang sumalubong sa akin.

Siya ‘yon di‘ba?

Ay, oo! Siya nga!

Omy! Malandi pala ‘yan? Infairness hindi halata.

Nakita n,‘yo ba kung sino nag hatid sa kanya kanina?

‘Sino?’

‘Walang iba kun‘di si Aris ng GSU.’

You mean si Aristotle Xavien Hawthorne? OMG, seryoso?!

Dire-diretso ko lang nilampasan ang mga ito at hindi na nag aksaya pang tapunan ng tingin. Aksayado lang sa oras. Tss

Matapos kong um-order ay naghanap ako ng pwedeng pwestohan. Nakakita naman kaagad ako sa ‘di kalayuan kaya lumapit ako dito at nilapag ang plato ko. Kahit hindi ko sila tapunan ng tingin ay kita sa gilid ng mata ko na minamasdan nila ang bawat galaw ko. Napairap na lang ako at minadali ang pagkain. Nahagip ng mata ko ang pwesto ni Kaito pero nagtaka ako nang hindi ko ito nakita. These past few days ay hindi nagkakatagpo ang landas namin. Nasaan kaya s‘ya?

Napalingon ako sa mga babaeng nag kukwentuhan malapit sa akin. Pinag u-usapan kasi ng mga ito si Kaito kaya agad naagaw ang atensyon ko.

Hindi pa ba bumabalik si Fumiya?” tanong no‘ng babaeng kulot.

“Hindi pa nga, huhu. Miss ko na siya.” nakangusong ani no‘ng may dimple.

Sana hindi siya nambababae sa Japan, ‘no? HAHAHA” natatawang ani no‘ng babaeng kulay brown ang buhok.

Teka... J-Japan?

Ibig sabihin bumalik s‘ya sa Japan nang hindi ‘man lang sinasabi sa akin?
Tss.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon