Chapter 30: Kidnapping

216 15 4
                                    

Continuation.

"She's Karylle Arian Hawthorne, your sister."

"W-What?! P-Paano nangyari iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa mga ito. Damn! Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya kanina. Dahil ba magka-dugo kaming dalawa?

"Maging kami ay wala pa ring sagot sa katanungan na iyan." ani ni Aryana bago tinapik ang balikat ko. "Babalitaan ka na lang namin kapag may may alam na kami. Sa ngayon ay umuwi ka na muna." dagdag pa nito.

Umiling-iling lang ako. "Ayoko."

"E, anong plano mo ngayon?" takang tanong ni Dwayne. "Saan ka titira ngayon, ha? Sa mga kaibigan mo ba?"

"Hindi pwedeng sa kanila ako tumigil. Alam ni Dad ang address nila." napailing-iling lang ang mga ito sa sagot ko. "Kaya sa bahay mo muna ako titigil." Ani ko kay Aryana.

"Sige." napangiti ako sa sagot nito. Nagulat naman kaagad ako nang umangal ang dalawa. "No! Hindi pwede 'yon!"

"Why?" takang tanong ko. Ano bang masama doon? “We're siblings." nakangusong ani ko.

"Correction, FAKE siblings." napatampal na lang ako sa aking noo.
Oo nga pala. Tsk. "Kung gano'n, saan ako matutulog?" napangisi ang mga ito bago tumingin sa akin.

"Dito." sabay-sabay nilang sagot. S-Seryoso ba sila?

"B-Bakit dito?" nagtatakang ani ko bago inilibot ang aking paningin sa paligid. May maliit na sala kung saan kami naroroon ngayon, may maliit na kusina, walang TV, walang kama, walang fridge at ang mas malala pa ay nasa gitna ito ng kagubatan. What if may mga sindikatong lumusob dito?

"Don't tell me, naduduwag ka?" nakangising asar ni Dwayne.

Tumikhim ako bago sumagot. "I'm not. Tss." natawa lang ang mga ito kaha napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Gano'n naman pala, e, so nag kakaintindihan na tayo, ah."
tinanguan ko lang ito.

"Mauna na kami, ikaw na bahala dito." paalam ni Fumiya bago itinuro ang kabuoan ng lugar. Tinanguan ko lang ito.

"Kung nagugutom ka naman ay may mga cup noodles d'yan sa maliit na cabinet." pahabol ni Dwayne. Hindi ba nila alam na hindi ako kumakain ng gano'n? Psh.

"I hate cup noodles." inis na ani ko.

"Wala ka nang magagawa, bro.
Nakikitira ka na nga lang, magrereklamo ka pa?" natatawang saad ni Dwayne, sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Call me if you need something." napatingin ako kay Aryana dahil sa sinabi nito. Buti pa ito mabait. Psh. Nakangiting tinanguan ko lang ito.



***


Third person POV

Nasa daan si Karylle pauwi nang may humablot ng kanyang braso. Tinakpan din ng mga ito ang kanyang bibig para ito hindi makagawa pa ng ingay. Nang magising si ito ay nakatali na ang buong katawan nito sa isang upuan at hindi na rin ito makagalaw ng maayos. Nasasaktan ito ngunit hindi s'ya makasigaw sapagkat may tape ang bibig nito. Inilibot nito ang kanyang paningin sa paligid habang nagtataka pa rin sa nangyayari.. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.

Nakaramdam kaagad s'ya ng kaba nang makakita ng iba't ibang gamit na naroroon. Mayroong lubid, kadena at mga maging dos pordos ay nakakalat sa gilid. Kaagad ring nagtaasan ang mga balahibo nito.

Maya-maya lamang ay kumalabog ang pintuan kaya't takot na napatingin s'ya doon.

"Oy mga pare, gising na pala si Miss Arian." ani ng isang lalaking nakatali ang buhok. Inirapan lang ito ni Karylle bago iniiwas ang kanyang paningin. Nagtaka naman kaagad ito kung bakit s'ya tinawag na Miss Arian ng mga lalaking naroroon. Isa-isang pumasok ang mga kasamahan noong lalaking may tali ang buhok. Muntik na s'yang matawa nang makita ang kulay ng mga buhok ng mga iyon.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon