Chapter 41: Hospital

196 12 3
                                    

Continuation

Hindi muna ako dumiretso sa aking bahay dahil naalala kong may usapan kami ni Jofel na magkikita sa Santinos park.

Nang makarating ako doon ay iginarahe ko sa gilid ang aking sasakyan bago bumaba. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at naghanap ng bakanteng upuan. Nang may nakita ako ay nilapitan ko iyon at naupo.

Hindi ma-tao ang lugar na ito kaya ito ang napili ko. Bukod doon ay napaka presko din ng hangin. Nagawi ang paningin ko sa isang pamilya na masayang nakukuwentuhan sa gilid. Kaagad naman akong nakaramdam ng inggit.

Sana lahat buo ang pamilya. Sana lahat masaya kagaya nila.

Iniwas ko ang aking paningin nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para mag online. Para naman malibang ako. Pero wala pang sampong minuto ay nag sawa na ako. Itinago ko na ulit ito sa aking bulsa bago napatingin sa aking relo.

Mag a-alas tres na pala ng hapon. Ibig sabihin, mahigit tatlong-pung minuto na pala akong naririto?

Bakit ba ang tagal ng isang iyon?

Nagawi ang paningin ko sa sasakyang bagong dating. Pamilyar ang sasakyan na iyon kaya sigurado akong kay Jofel iyon. Hindi nga ako nagkamali nang bumaba ito.

Okay? He's here.

Nilibot nito ang kanyang paningin. Mukhang ako ang hinanap nito kaya itinaas ko ang aking kamay para maagaw ng atensyon nito. Tumango lang ito nang makita ako bago naglakad papunta sa direksyon ko.

"Have a sit." utos ko nang makalapit ito sa akin. Umupo naman kaagad ito sa tabi ng upuan na kinauupuan ko.

Napatingin ako dito dahil napansin ko ang pagka-balisa nito. Marahil ay sobra itong nag a-alala sa kalagayan ng kaibigan.

Iniwas ko ang paningin dito bago nagtanong. "How is he?"

"Still unconscious." tipid na ngiting sagot nito. Napatango lang ako.

"I see."

"Thanks for saving him." sinserong ani nito. "Kung hindi mo ginawa iyon baka may nangyaring hindi maganda dito. Hindi namin kakayanin kung sakaling nangyari iyon. Ayokong mawalan na naman ng kaibigan. " napatango-tango lang ako.

"Even Tita Dalyx wants to meet you. Gusto ka n'yang pasalamatan." dagdag pa nito.

Tipid na ngumiti lang ako.
"Don't worry, I will talk to her na lang kapag maayos na ang lahat." huminga ito ng malalim bago humarap sa akin.

"I know we're in not good terms-

"Nah, it's okay. Don't mind it." pagputol ko sa nais sabihin nito.

Aaminin ko, nagkamali rin ako. Masyado akong naging mapanghusga. Hindi ko agad inaalam ng maayos ang katotohanan kaya ganoon ang aking naging reaksyon.

Ngayong alam ko na buhay ang mga magulang ko, wala nang dahilan para magalit pa ako sa kanya. I'm not mad anymore. I'm just disappointed.

"Ah, Jofel."

"Hmm?"

"Maaari ko bang itanong kung anong nangyari kay Felix nitong mga nakaraang araw?" tanong ko. Hindi ko kasi maiwasang

"Naging gano'n lang s'ya simula no'ng nalaman n'ya ang ginawa ni Tito sa mga magulang mo. Actually, nag layas rin ito sa kanila at nanatili sa condo ko. I know he need fresh air that's why I let him stay. Pero hindi ko alam na ganito na pala ang gagawin niya sa buhay. Halos sirain na n'ya ang buhay n'ya dahil sa pangyayaring iyon." napahilamos ito sa kanyang mukha matapos sabihin iyon.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now