Chapter 1: Who are you

1.4K 72 98
                                    

Felix Simoun POV
 
NAGISING AKO nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ilalim ng aking unan. Mabilis kong kinuha iyon at tiningnan.

Napailing-iling na lang ako ng makitang tumatawag ang bugok.
Napairap ako sa kawalan bago tiningnan ang oras. 2:30 pa lang ng umaga.

Inis na bumangon ako bago sinagot ang tawag ni Ashtan. “What?”
“Grabe, Pre! Wala ‘man lang bang good morning diyan?” Natatawang usal ni Ashtan mula sa kabilang linya. Good morning your face.

“Bakit ka napatawag? At sa ganitong oras pa talaga, ah?”

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at itinanong kung bakit s‘ya napatawag. Masyado pang maaga para magbanat ng buto kaya sigurado ako na may ibang dahilan ito kung bakit tumawag nang ganito kaaga.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, e. Ang ganda-ganda ng tulog ko tapos magigising lang dahil sa isang tawag? Langya.


Narinig kong bumuntong hininga ito bago sagutin ang tanong ko.
“Naaalala mo ba no‘ng nakaraan? ‘Di ba pinapa-kidnap ni Mr. Hermes ang kanyang anak sa atin? Good news, Bro. May nakakita na raw doon sa babae.” Napabuntong hininga lang ako bago sumilip sa veranda.

“Anong gusto mong gawin ko/natin? Puntahan kung nasaan ang babae? At talaga bang sa ganitong oras pa? Are you insane?!” Inis na tanong ko. Muling natawa ang nasa kabilang linya.

“Oo, Bro. Hindi ko alam na magaling ka pa lang manghula. Sige na, Bro. Magkita na lang tayo sa Santinos road. Isasama ko na nga rin pala si Jofel.” Paalam nito bago pinatay ang tawag.

“Hoy—”


Inis na ibinato ko sa kama ang phone ko bago dumiretso sa banyo para maligo. Habang nag sha-shower ay bigla kong naalala ang favor na hinihingi ni Mr. Hermes sa aming magkakaibigan.


*Flashback*


Nasa mansion kami ng mga Hermes ngayon. Naimbitahan kaming tatlo dahil birthday ni Mr. Hermes. Gustuhin ko ‘mang tumanggi ay hindi ko magawa. Si Mr. Hermes siya, e. Maraming tao ang pinapangarap na makita at makasama siya sa personal. Kaya sayang naman ang isang araw kung hindi ko s‘ya makikita, hindi ba?

Balita ko kasi linggo-linggo umaalis si Mr. Hermes para asikasuhin ang ibang business nila sa ibang bansa. Gano‘n siya kayaman at ka-busy na tao.

Nagulat ako nang makitang naglalakad ito papalapit sa amin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaba.

“Hi.” Bati nito sa amin nang makalapit. Simpleng bati lang iyon pero nagtaasan kaagad ang aking balahibo. Napansin ko din ang bahagyang pag-atras ni Jofel.

Nilakasan ko ang aking loob at nakangiting binati ito. “Hello po, Mr Hermes.” Napangiti lang ito bago tinapik ang balikat naming tatlo.

Maupo kayo.” Kaagad naming sinunod ang utos nito. Naupo rin si Mr. Hermes sa harap ng kinauupuan namin bago inilagay ang kamay sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri nito. “Dahil anak naman kayo ng mga kaibigan ko, gusto ko sanang humiling ng isang pabor sa inyo.” Nagulat ako sa sinabi nito. Napaka-straight forward niya kung magsalita. Ang inaasahan ko pa naman ay may magaganap na interview dito ngayon.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now