Epilogue

435 18 0
                                    

MAAGA akong nagising dahil may naalala nga pala akong gagawin. Nang bumaba ako aming kusina ay naabutan ko doon si Kuya AX na nagtitimpla ng gatas niya. Bakit kaya ang aga niya?

"Oh, ang aga mo yata ah?" takang tanong nito habang naglalagay ng gatas sa kanyang cereals. Kumuha din ako nang para sa akin at pinalagyan din dito. Tumayo ako pagkatapos at lumipat sa kabilang upuan bago ko ito sinagot. "May pupuntahan kasi ako, e. Ikaw ba? Bakit ang aga mo ngayon?"

"May business meeting kasi later. At dahil ako ang CEO doon ay kinakailangan kong maging maaga para maayos ang mga dapat ayusin." anito kaya napatango na lang ako. Sabagay, tama naman s'ya.

"Don't stressed yourself too much, Kuys. Sige ka, baka hindi ka na magkajowa." natatawang biro ko.

"Sus, ikaw talaga . Sa gwapo kong 'to? Grabe ka, ah."

"Biro lang, Kuys. Syempre magkakaroon ka din ng jowa. Not now, but not sure. Hehe." natatawang dagdag ko. Napailing-iling lang ito. "Kailan mo ba ipapakilala sa amin
ang nagugustuhan mo, Kuys?" pag u-usisa ko.

"Kapag mayroon na akong nagugustuhan." seryosong sagot nito.

"Pfft. Grabe naman, Kuys. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin? Ang hina mo naman." Natatawang aniko. Napailing-iling lang ito. "Straight ka naman siguro, right?" dagdag ko pang tanong.

"Yes, I am. Alam mo naman na wala akong oras para sa ganoong bagay. At hangga't maaari gusto ko munang mag-focus sa trabaho." napatango-tango na lang ako. "Tsaka 23 years old pa lang naman ako. Makakahanap pa ako ng babaeng mamahalin ko."

"Alright, Kuys. Hindi na ako makapaghintay na makilala ang babaeng magugustuhan mo. Kahit sino pa iyan, Kuys, susuportahan rin kita kagaya ng pagsuporta mo sa amin ni Felix." tipid na ngumiti lang ito bago ginulo ang buhok ko, agad ko namang inayos iyon.

"Thanks, Ayan." tipid na nginitian ko lang ito. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa mga ito. Paglabas ko ay dumiretso agad ako aa garahe para kuhanin ang sasakyan ko.
Sumakay ako bago binuhay ang makina.

Habang nasa daan ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Ito kasi ang unang beses na dadalawin ko siya matapos ang dalawang taon. Pinakalma ko ang akong sarili at mag focus sa pagmamaneho.

Pumikit ako para kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad akong napapreno.

Damn it.

Muntik na 'yon, ah?

May isang kotse kasi na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nakaramdam ako ng kakaiba. Para kasing may humahabol dito sa sobrang bilis. Napatingin ako sa side mirror ng makitang may tatlong kotseng itim ang nasa likod namin. Mukhang tama ako, ah.

Napansin kong gusto nito akong overtikan kaya napangisi na lang ako bago binilisan ang pagpapatakbo. Bawat liko nito ay hinaharangan ko para hindi ako malampasan.

Mukhang nairita naman kaagad ang mga driver ng mga sasakyan na iyon dahil bumisina ito nang sunod-sunod.

Nagulat ako ng lumiko ang sasakyan na nasa unahan ko. Ano bang plano nito?

Sinundan ko lang kung saan ito papunta. Itinigil ko rin kaagad ang aking sasakyan nang mapansin kong bumaba ang driver nito.

Sa eskinita kami naroroon at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ba sumunod pa dito.

Pabalik na sana ako ng dumaan sa harapan ko ang tatlong sasakyan na kanina lamang ay sumusunod sa kotseng nasa unahan ko. Napataas ang isang kilay ko ng bumaba rin ang mga driver nito na may dalang baril. What the hell is going on?

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now