Chapter 37: Aryana's Day

205 16 2
                                    

Aryana's POV

MAAGA akong umalis sa bahay para pumunta sa headquarter. Aayain ko sana sina Dwayne na sumama sa akin na kumain sa labas. Ganoon kasi ang kaniraniwang ginagawa ko tuwing kaarawan ko. Pupuntahan ko sila para may makasama ako ngayong kaarawan ko. Pero bago ‘yon ay dumaan muna ako sa Goldilocks para bumili ng chocolate cake. Hindi dapat ito mawawala sa isang okasyon.

Binayaran ko na agad ito sa kahera at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Nang makapasok ako sa loob ng headquarters ay inilibot ko agad ang aking paningin sa paligid. Bakit walang katao-tao? Where are they?

Umupo ako sa sofa at sinimulang magtipa-tipa sa aking phone, Isa isa ko itong tinawagan pero ni isa sa kanila walang sumagot. Tsk! Ano bang trip nila ngayon? Kung kailan birthday ko saka naman sila hindi ma-contact.

Napatingin ako sa buong sala at kapansin-pansin kung gaano ito kalinis. Halatang nilinis nila ito bago sila umalis. Tsk! Hindi man lang nila ako niyaya. 

Sinarado ko na ang gate ng makalabas ako. Wala din naman pala akong mapapala, bakit ba kasi nagpunta pa ako dito? Psh.

Sumakay na ako sa aking kotse at mabilis na pinatakbo iyon papunta sa lugar kung saan may makakasama ako.

I know nagtataka kayo kung saan ko kinuha ang perang pinambili nitong Porche 911 ko. I used my black card. That's all. Ngayong nasa kulungan na si Mr. Hermes ay malaya ko nang gamitin ang pera na ito. It's mine after all.

Mabilis kong narating sa aking pupuntahan. Lumabas ako sa sasakyan at napapikit para langhapin ang sariwang hangin. I miss this place.

Isinuot ko ang aking sunglasses dahil maiinit at masakit sa mata ang init ng araw. Naglakad ako papunta sa isang bundok. Mabuti na lang pala at nag rubber shoes ako dahil kung hindi ay baka nadulas na ako. Matarik kasi ang daraanan dito kaya dapat ay may hahawakan ka talaga para hindi ka madisgrasya.

Nag unat-unat kaagad ako nang makarating ako sa tuktok. Ang ganda ng tanawin mula dito. Kung pwede lang sana ako pumunta araw-araw dito ay gagawin ko, kaso hindi maaari. Limitadong oras lang pwede pumunta dito. Ewan ko kung bakit, gano‘n rules nila e.

Inilapag ko sa gilid ang aking cake na binili kanina bago ako nag Indian sit sa damuhan. Feel better.

“How are you, Mom and Dad?” mapait kong tanong habang nakatingin sa kanilang lapida. “Pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw. Kamakailan ko lang din po kasi nalaman ang katotohanan. K-Katotohanan na... na wala na k-kayo.” pinahid ko ang ilang butil ng  luhang naglandas sa aking pisngi.

Mapait akong napangiti.
“Minsan napapaisip din ako, e. Paano kaya kung buhay pa kayo? Siguradong kasama ko ngayon habang sini-celebrate ang kaarawan ko.” napangiti ako nang biglang humangin. Nakikinig siguro sila sa akin ngayon.

“I missed you both.”

Napatingin sa langit bago kinuha ang cake na nakalapag sa damuhan. Inalis ko ang box nito at sinidihan ang maliit na kandila.

Pumikit ako at taimtim na humiling bago hinipan ang kandila.

Mga ilang minuto pa akong tumigil sa tabi nila bago ko naisipang mag paalam sa na.

“Aalis na po ako. Bibisita po ulit ako. Pangako.” nakangiting kumaway ako bago tumalikod.

Gusto ko pa sanang nanatili doon kaso sobrang taas na ang araw.

Pabalik na ako sa aking sasakyan nang may mabunggo akong isang babae. Kaagad itong inaalalayan ng kasama para hindi tuluyang ma-out balance. Bakit kasi ang liit ng daan dito! Tsk. Nakakahiya tuloy.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now