Chapter 45: Reunite

206 8 0
                                    

Felix's POV

MAAGA akong nagising dahil ito na araw na pinakahihintay ko. Makakalabas na din ako sa wakas. Masyado na kasi akong nababagot dito, e. Tsaka isa pa, nakakamiss ring gumala sa labas.

Nagawi ang paningin ko sa bintana para sana silipin ang araw na bagong sikat lang, pero nagulat ako ng may nagsalita doon. Agad akong napairap at iniiwas ang paningin dito.

"Felix, excited ka na bang umuwi?" nakangiting tanong ni Ate. Bakit ba nandito pa rin siya?

Gusto ko ng umuwi pero makikita ko lang s'ya sa bahay. What should I do? Do I need to stay here or not?

Sa tagal naming hindi nagkita ay nabaguhan na ako. Parang ibang tao na ngayon ang kasama ko. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. Mula sa buhok nito na noon ay kulay itim na ngayon ay naging brown, halos hindi ko din agad ito nakilala dahil nag matured na ang mukha nito. Sabagay nasa 26 years old na rin naman siya kaya ganoon. Mabilis kong iniiwas ang paningin sa kanya ng mapansin kong nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin.

Nasabi ng doctor na maayos na raw ang lagay ko pero hindi pa daw ako pwedeng gumawa ng mabibigat na gawain. Kaya hindi ko matulungan si Jofel sa pagbubuhat ng mga gamit dito.

"Bro, mauna ka na sa labas. Doon mo na lang kami hintayin." tinanguan ko lang ito bago lumabas. Sobrang pasasalamat ko kay Jofel dahil hindi niya talaga ako pinabayaan. Mula unang araw ko sa hospital ay siya ang aasikaso sa akin bukod. Si Dad naman ay isang beses lang nakadalaw sa akin. Hindi ko din naman siya naabutan dahil hindi pa ako nagigising no'ng mga araw na iyon. Tanging si Jofel lamang ang nakapagkwento sa akin.

Pagdating ko sa parking lot ay nakasalubong ko sina Fumiya kasama si Kenshin at ang isang lalaki.

It's him. The one who left us in Hawthorne Restaurant.

Las Vegas.

"Felix, sorry kung hindi ka 'man lang namin nadalaw nitong nakaraan. Madami kasi kaming inasikaso, e." napakamot sa kanyang batok si Fumiya matapos sabihin iyon.

"Nah, it's okay. Mas gusto ko pa nga na sa bahay n'yo na lang ako bisitahin kaysa hospital, e" sagot ko dito bag9
ibinaling ang paningin sa isang lalaki na kasama ng mga ito.

"Las Vegas right"

Nakangiting tumango ito. "Naalala mo pa pala ako? Tama ka, ako nga ito." anito bago inilahad ang kanyang kanang kamay. "Dwayne Las Vegas." tinanggap ko rin naman agad iyon. Hindi na din ako nagpakilala pa dahil mukhang kilala na rin naman nito ako.

"How's your feeling, Bro?" napatingin ako kay Kenshin nang magtanong ito. Pilit na ngiti ang iginawad ko bago ito sinagot. "Naninibago." kumunot lang ang noo nilang tatlo kaya mahinang napatawa ako.

"Saan?" singit ni Dwayne.

"Naninibago sa pag trato niyo sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi tayo ganitong ka-close. Maging si Aryana ay hindi ko inaasahan na magiging mabait na rin sa akin."

Tinapik lang ni Fumiya ang balikat ko.
"Masanay ka na ngayon, Pre." ani ni Fumiya. Kahit naguguluhan ay hindi na ako nagtanong pa.

Matapos hakutin nina manong at Jofel ang gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanilang tatlo. "Salamat sa pagdalaw. Pwede rin kayong sumunod sa bahay para makapagkwentuhan pa tayo." nakangiting ani ko. Tumango lang ang mga ito.

"Next time na lang siguro. Madami pa kasi kaming a-asikasuhin, e. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan." anito bago binuksan ang kanyang bag. Inilabas nito ang isang folder na itim, base sa istilo nito ay isa itong invitation card. Iniabot naman kaagad sa akin ni Dwayne ang isa at ang para kay Jofel "Here. Pinapabigay ni Aryana. Punta kayo, ah." anito bago tinapik ang balikat ko.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora