PART TWO

4 2 1
                                    

LIMAMPUNG TASA NG KAPE
#LTNK2
[2]

Lutang akong bumyahe mula cafe hanggang opisina. Hindi maalis sa utak ko yung nangyari kanina.

Nakakahiya ba yung ginawa ko ? Mukha ba kong kaawa-awa ? Nagtanong lang naman ako ng pinakamura ah.

Oo, nandun na ko sa parteng nagpapasalamat ako sa concern ng lalaki dahil nag-effort syang bilhan ako ng 'pinakamahal na kape'. Pero parang biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko kahit ininom ko naman yung kape. Oo, may kataasan din ang pride ko, hiyang-hiya nga akong humingi ng pabor sa iba, mamalimos pa kaya ng kape ?

Sabagay, kusa nya naman 'yung ibinigay, wala akong kasalanan at nagmamagandang loob lang siya. Sa ngayon, dapat ko munang burahin sa isip ko ang bagay na 'yun at baka kape ang maisagot ko sa interview.

"Miss Kyla Mariella Trinidad"

Bigla akong natauhan nang tawagin ng secretary ang pangalan ko. Tumayo ako, humingang malalim, at taimtim na nagdasal bago pumasok sa loob.

"What's your expected salary?"

Ang walang kamatayang tanong sa tatlong job interview na pinagdaanan ko ngayong araw. Sabi nila dapat pa-humble lang, huwag mong sasabihin ang totoong halaga ng perang kailangan mo para matanggap ka ng kumpanya. Para san pa ? Sa tingin ba nila hindi nagsisinungaling ang mga tao ? Eh, kaya nga kami naghahanap ng trabaho para kumita, maging worth it ang pagkilos namin, mapakain ang pamilya, at makapag-ipon.

Nakakatawang isipin kung gaano kalawak ang ngiti ko nung college graduation. Halos halikan ko nga lahat ng taong makakasalubong ko sa sobrang tuwa. Kasi sa wakas tapos na ! Natapos na rin ang ilang taong paghihirap ko.

Mali pala, sandaling kaligayahan, pagkatapos lalaban ka na naman. Mas mahirap, mas nakakaiyak, mas nakakapagod.

---

Nakakalas na sa pagkakatali ang buhok ko, lumalaglag na rin sa aking mukha ang ilang mga hibla nito dahil wala ng epekto ang hair spray na kaninang umaga ko pa inilagay.

Nakasabit sa braso ko ang shoulder bag na wala namang ibang laman kundi mga papeles at sapatos kong naka-plastic.

Hindi na maayos ang pagka- tucked in ng puting-puti kong blouse, napunit pa ang laylayan ng pencil cut kong palda pagbaba ko ng jeep, hiniram ko lang pa naman 'to sa kapitbahay. Buti na lang at nagbaon ako ng tsinelas kundi gagapang na talaga ko pauwi. Pagod na pagod na ang mga paa ko, gusto ko na matulog.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Claire.

"Oh, bakit ? Pauwi na ko, naghihintay na lang ako ng jeep," dire-diretsong sagot ko sa nakababata kong kapatid.

"Ate, mag-uwi ka ulam, hindi pa kami kumakain"

Napatingin ako sa wrist watch ko, maga-alas nuwebe na ng gabi hindi pa rin sila naghahapunan ?

Napakunot ako ng noo.

"Bakit ? Nasan si tatay ?"

"Napunta sa pambayad ng utang lahat ng kinita, nagsisigaw ba naman kanina dito si Aling Berna"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Sige, mag-uuwi na lang ako, magsaing ka na"

Tumawid ako ng kabilang kalsada nang makita ang bagong bukas na tindahan ng lechon. Mahaba ang pila dahil may nakapaskil na 'buy one, take one'.

Mga negosyo nga naman, sa umpisa lang magaling, sa umpisa lang masarap. Pupusta ko ng limang piso sa susunod na buwan hindi na 'to pipilahan dahil pakaunti na nang pakauti ang servings.

Isang customer na lang at ako na ang susunod sa pila. Naiinis na ko dahil kanina pa ko dukot nang dukot sa bag ko, hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko.

At ayun na nga, ako na nga ang susunod.

"Isang order"

Sambit ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa bag.

"Okay po ma'am"

Naubos na ang pasensya ko kaya inilabas ko lahat ng laman ng bag ko. Mga papeles, limang folder, pulbo, lipstick, pampusod, hair clips...ayun! Nandyan ka lang pala!

Isinilid kong muli sa bag lahat ng gamit na inilabas ko, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin.

Pakialam ba nila ? Eh, sa hindi ko mahanap yung hinahanap ko e, gusto nila sila na magbayad.

Inilapag na sa harapan ko ang manok. Nakakatakam ang amoy, parang gusto ko nang kainin sa byahe.

Hinugot ko mula sa puting sobre ang isang libong piso. Bigay pa 'to sa akin ng mayor nung graduation, for emergency purposes lang talaga 'to.

Iniabot ko sa tinderong nakasuot ng pulang apron ang bayad at agad naman akong sinuklian.

Kukunin ko na sana ang pera nang maramdamang parang ayaw niya itong ibigay. Problema nito ?

Inangat ko ang tingin at sumilay ang mapang-akit nyang ngiti, pawisan ito at marumi na rin ang suot na apron, senyales na kanina pa ito nagtatrabaho.

"Nasarapan ka ba sa pinakamahal na kape ?"

Kinindatan niya ako bago tumalikod at asikasuhin ang iba pang customer.
Natulala ako at hindi nakaalis sa kinatatayuan.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong kaso parang may pumipilipit sa tiyan ko. Ito ba yung sinasabi nilang "butterflies in my stomach" ?

Magkano ba ang pinakamahal na kape na 'yun at mabayaran ko na sana para matigil na rin ang sarili ko sa pag-iisip.

Kaso para akong baldado. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, takot o hiya basta't naramdaman ko na lang na wala na akong ganang makipag-usap. Tinitigan ko s'ya sa huling pagkakataon habang abala pa rin sa pagtatrabaho.

Ano ? Siya si Mr. Pinakamahal Na Kape ?
Isang karaniwang taong nagtatrabaho lang sa tindahan ng lechon ? San s'ya kumuha ng pambili ?

Ang gulo, pero ngayong gabi isa lang ang pinangako ko sa sarili.

Babalikan ko s'ya.

-cejayrie 💛

THANK YOU FOR READING
VOTE AND COMMENT !

Limampung Tasa ng Kape Where stories live. Discover now