PART FOUR

4 1 0
                                    

LIMAMPUNG TASA NG KAPE
#LTNK4
[4]

Isang linggo na ang nakalipas at wala pa rin akong natatanggap na tawag. Nararamdaman kong malabo na. Noong job interview katabi ko 'yung isang babaeng sa malayo pa lang mukhang matalino na. At dahil chismosa ako, at katabi ko s'ya, nakita ko ang wallpaper niya sa cellphone, graduation pic kasama ang pamilya na may nakasabit na medalya sa kanyang leeg. Siguro natanggap 'yun. Baka first day na nga niya sa trabaho ngayon.

Hindi ako bobo, hindi ako matalino. Simpleng estudyante lang na nakakapasa at nakakasagot kapag tinatanong ng teacher, maaasahang ka-grupo sa research. Tahimik lang ako palagi, kaya hindi ako napapansin. Kapag nga umabsent ako at hindi nag-check ng attendance ang teacher hindi mamamalayan na wala pala ako sa klase.

Karaniwang tao lang ako, walang espesyal na katangian, walang maipagmamalaking talento, walang matayog na pangarap,  pero may tiwala ako sa sarili kong maiaahon ko sa hirap ang pamilya ko. Naniniwala akong kakayanin ko.

Ubos na ang naitatabi kong pera dahil sa pamamasahe sa mga in-apply-an kong hindi naman ako natanggap. Plano kong maghanap muna ng part time job kahit sa tabi-tabi lang, kahit hindi ganoon kalaki ang sahod, pang-raos lang sa araw-araw.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pakiramdam ko mababaliw lang ako sa bahay kaiisip kung anong mangyayari sa buhay ko. Ilang kalapit na barangay na ang naikot ko, wala pa rin. Puno na ang mga fast food chain ng mga working students. Ang iba naman, ang sabi hindi sila hiring ngayon.

Saan ako pupulutin nito ?

Ang bilis ng takbo ng oras at hindi ko namalayang ginabi na naman ako sa daan.

Tulad nung isang linggo, lantang gulay na naman akong naghihintay ng jeep sa tapat ng tindahan ng lechon.

Natutuwa akong makita na hanggang ngayon marami pa rin ang bumibili rito kahit wala ng nakapaskil na 'buy 1 take 1'.
May mga estudyanteng naka-uniporme pa at mga kagagaling lang sa trabaho na tinatamad na sigurong magluto.

Nakita ko ang matangakad na lalaking abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga customer, siya lang kasi ang nag-iisang tindero. Kawawang bata.

Tumawid ako ng kalsada kahit hindi naman ako bibili at wala akong pera. Gusto ko lang namang titigan ang lalaking nagbigay sa akin ng 'pinakamahal na kape' tutal, wala pa rin namang jeep na nagdaraan.

Para siyang robot na de-baterya sa bilis ng kilos, ako tuloy ang napapagod sa ginagawa niya kahit siya ngiting-ngiti pa. May dalawang babae pa na nagpa-picture sa kanya, mukhang mga high school students, sabay sabi ng - 'ang pogi n'yo po kuya'.

Hay naku, mga kabataan nga naman. Sayang ang effort at pangbobola, hindi rin naman sila binigyan ng discount.

Napansin ko ang bond paper na nakadikit sa salamin.

WANTED: STAFF

Parang nabuhayan ako ng loob, tumabi ako sa gilid ng kalsada at inayos ang buhok. Nag- pulbo at lipstick at inayos ang damit. Ngumiti ako sa salamin bago tunguhing muli ang harapan ng tindahan.

Walang patid ang pagdating ng mga customer kaya wala ring tigil sa pagkilos ang lalaki. Lakas-loob akong pumunta sa harapan niya at ipinakita ang pinaka- promising smile ko.

Limang segundo akong nakangiti ngunit hindi pa rin niya ako napapansin dahil abala siya sa pag- chop ng manok.

Napansin ko ang name plate niya.

CARL.

Huminga ako nang malalim at tiningnan siya sa mata. Sa wakas ! Naramdaman din niya ang presensya ko at napahinto sa ginagawa.

"Mr. Carl, willing po akong mag-apply bilang staff, hiring pa po ba kayo?"

Nginitian ko siya nang malawak at taimtim na nagdasal.

Sana. Sana naman Lord please, kahit ito lang, ibigay niyo na po sa akin.

Sinuklian niya ako ng ngiti at ibinaling ang tingin sa mga nag-aabang na customer.

"Bumalik ka na lang bukas miss, hindi kita maaasikaso"

"Willing po akong maghintay"

Magalang kong sagot.

"Matagal pa ko matatapos dito Miss, gagabihin ka"

Nginitian niya muli ako bago tumalikod.
Basa na ang kanyang likuran at dumidikit na ang puting polo shirt sa kanyang balat.

Matyaga akong naghintay sa gilid. Ayaw kong umuwi at baka bukas bigla na lang niyang sabihin na may nakuha na silang staff. Pagkakataon na 'to, para naman may kabuluhan ang maghapon kong paghahanap.

Sinilip ko ang cellphone ko.
9:45 na pala ng gabi, ang tagal ko nang nakatayo rito, nangangalay na ang mga paa ko. Nag-text ako kay Claire na late ako makakauwi at huwag na nila kong hintayin.

Nakakainip, nakakaantok. Wala na akong ginawa rito kundi titigan siyang magtrabaho, kumilos, ngumiti, makipag-usap sa mga customer.

Tagaktak na ang pawis niyang hindi niya magawang punasan. Pwede bang mag-volunteer ? Caring lang naman akong tao.

Hindi ko na natiis at pinasok ang loob ng tindahan, hindi para punasan ang pawis niya, gusto ko lang namang tumulong. Kung mapapabilis ang trabaho, mas maaga niya kong mai-interview, mas maaga akong makakauwi.

Kumunot ang kanyang noo nang makita akong nagsusuot ng apron at hairnet.

"Tulungan na kita, i-interview-hin mo pa 'ko mamaya"

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti tsaka ko kinindatan. Isa sa mga natutunan ko sa buhay, dapat maging nice ka sa mga taong nasa paligid mo,  kahit minsan ka-plastic-an lang, smile ka pa rin. Malaki ang naitutulong ng ngiti sa kapwa.

Ako ang nag- volunteer na magtanong ng order sa mga customer. Kahit tahimik akong tao, marunong din naman akong makipag-usap nang maayos.

Ako rin ang kumukuha ng bayad at nagsusukli. Dahil sa dami ng customer, sunod-sunod na order at mabilisang kilos hindi namin maiwasang magkabanggaan sa loob.

Sa wakas. Tatlong tao na lang ang natirang nakapila. Sakto sa tatlong manok na naiwan sa lutuan.

Tiningnan ko ang oras sa nakasabit na wall clock.

11:30 na pala !

Sabay naming hinubad ang apron. Nagpaalam siya sa king magpapalit lang sandali at pumasok sa maliit na kwarto.

Itinapat ko naman ang electric fan sa aking mukha. Ibinukas ko ang dalawang butones ng suot kong blouse dahil sa sobrang init - isasara ko rin naman mamaya.

Muli akong nag-retouch at ipinaligo ang pabangong huling pisik na.

Humarap ako sa pintuan ng maliit na kwarto at sakto naman ang paglabas ni Carl.

Fresh na fresh na ang dating niya ngayon. Mukha ulit siyang mayaman.

Inaya niya akong pumasok sa maliit na kwarto para roon mag-usap.

Malinis ang paligid ng maliit na opisina. May maiit na mesa at tatlong monoblock na upuan.

Inilabas ko sa bag ang resume at ibinigay sa kanya with matching my-promising-smile.

Habang binabasa niya ito bumubulong ako sa isipan ko, na sana tanggapin niya ko dahil pinagod niya ko ngayong gabi.

Isa siyang taong walang utang na loob kung hindi niya ako hahayaang dito magtrabaho, malulugi negosyo niya, sinasabi ko sa kanya.

Muli akong ngumiti nang mag-angat siya ng tingin.

"Ms. Kyla Mariella Trinidad, you're hired"

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa.
Finally, thank you Lord !

-cejayrie 💛

THANK YOU FOR READING
VOTE AND LEAVE A COMMENT !

Limampung Tasa ng Kape Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ