PART FIFTEEN

1 0 0
                                    

LIMAMPUNG TASA NG KAPE
#LTNK15

[15]

Lahat ng tao kahit gaano pa kalakas ang loob, kahit gaano katalino at ka-talented may kahinaan. Lahat ng tao umiiyak, nasasaktan, nanghihinayang dahil kahit gaano ka pa kasama o kabuti, lahat naman tayo ay may pusong marunong makiramdam.

Isa ako sa mga saksi kung gaano kasipag si Carl sa trabaho, halos hindi na nga kami magkita dahil iyon ang priority niya simula pa lang. Alam kong magiging successful siya balang-araw, masusuklian din lahat ng paghihirap niya.

"Nawalan ng pera si boss, alam ng lahat na kami ang laging magkasama sa trabaho kaya ako ang una nilang tinanong nang malamang may nawawalang pera."

Huminto muna siya. Hindi makapagsalita nang maayos dahil sa paghikbi.

"Pagbukas nila ng bag ko, nakita nila sa loob 'yung fifty thousand na nawawala. Hindi ko alam kung paano 'yun napunta sa loob. Ang alam ko lang iniwan ko 'yun sa loob ng opisina dahil may binili lang ako sa labas."

Kahit wala pa kaming isang taong magkakilala ni Carl may tiwala na ako sa kanya. Hindi naman siya mahirap pakisamahan, mabait, pursigido.

"Diniin ako ni Mark kay boss na nakita niya raw akong tinago ang pera. Anong gagawin ko dun ? Mangutang nga nahihiya akong gawin, magnakaw pa ?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Carl. Tama ba ang narinig ko ? Si Mark ? Mukha naman s'yang mabait, siya pa nga iyong sumalo dati sa shift ko kaya paano niya 'yun magagawa ?

"Bakit si Mark ? Paano niya - "

"Matagal nang gustong maging manager ni Mark. Sabay lang kasi kaming pumasok sa trabaho pero laging sa akin nagbibilin ng gawain si boss."

"Nung nalaman niyang malapit na akong ma-promote ramdam ko 'yung galit niya at pag-iwas sa akin pero binalewala ko na lang."

Iyon ba ang nagagawa ng inggit ? Ang mandamay ng ibang tao para sa sariling kapakanan ? Lahat naman tayo may pangangailangan pero kailangan mong tahakin ang tamang daan. Walang short cut sa pag-abot ng pangarap. Kaya bakit mo kailangang manghatak ng iba ?

Hindi naman karera ang buhay. May kanya-kanya tayong pagkakataon at habang hinihintay 'yun kailangan mong magsikap, hindi makakatulong kung nagmamadali ka.

"Maawa ka na lang sa kanila, dahil mas pinaniwalaan nila 'yung mali. Masipag ka Carl, alam kong makakahanap ka agad ng trabaho. Iyong mas better, baka doon walang taong hahatak sa'yo pababa."

Nginitian ko siya at tsaka hinawakan ang kamay na kanina pa nakakuyom dahil sa galit.

Sa wakas tumigil na rin sa pag-agos ang kanyang mga luha ngunit halata pa rin ang pagod sa kanyang mga mata.

"Sorry kung - "

"No need to say sorry, naiintindihan kita," pagputol ko sa kanya.

"I can do everything to make you feel safe and happy. I'm willing to spend every minute with you, to make you feel better and loved, I love you... Carl."

"I love you too Kai, happy first."

Iyon ang gabing kauna-unahang nagpalitan kami ng tatlong salita. Hindi ko iyon basta-basta sinasabi sa iba, hindi ko rin pinlanong sabhin iyon sa kanya. Kusa na lang itong lumabas, parang ang tibok ng puso ko'y umabot na sa aking dila.

Kasalukyang naghahanap ngayon ng panibagong trabaho si Carl kaya hindi pa kami nagkakausap.

Habang ako ay sa wakas nakatanggap na rin ng tawag mula sa isang kumpanya. Nag-apply ako bilang sekretarya. Kaso nga lang sa ibang branch ako ia-assign.
Masyadong malayo mula sa bahay. Pakiramdam ko mamamatay ako sa byahe, sobrang traffic pa naman sa Pilipinas.

Kinuwenta ko rin ang magiging pamasahe ko papunta't pauwi maging ang gastos ko sa pagkain. Kung susumahin kalahati na lang ng sweldo ko ang maaari kong iuwi.

Ayaw ko namang mag-dorm. Kami-kami na nga lang nina Claire at tatay ang magkakasama hindi ako mapapalagay na hindi sila makikita bago matulog.

Alam kong parte ng buhay ang paghihintay kaso sa tuwing magbubukas ako ng social media accounts hindi ko maiwasang mainggit sa mga batch mates ko. Pakiramdam ko napag-iiwanan ako, sila ang dami-dami ng naabot sa buhay tapos ako pinulot sa kangkungan - este lechunan pala.

Tumunog ang alarm ng cellphone ko.

It's your special day !

Napangiwi ako sa nakita. Birthday ko na pala ? Ang bilis ng panahon 25 years old na ako. Noong 16 years old ako sabi ko sa sarili ko pagkatapos kong mag-aral makakapagpatayo na ako ng bahay, makakabili na ako ng kotse, hindi pala ganun kadali 'yun.

Ganoon ba talaga kapag tumatanda ? Hindi ka na excited kapag nadadagdagan ang edad mo, pakiramdam ko kasi bagong pagsubok na naman, hindi naman 'yun pwedeng takasan, kailangan mong harapin, dahil wala kang pagpipilian.

Bumangon ako sa kinahihigaan at kumuha ng malamig na tubig. Saan naman kaya nagpunta sina Claire at tatay ? Araw ng Linggo ngayon, aayain ko pa naman sana silang magsimba.

Di bale na babalik naman siguro 'yun mamaya-maya. Papasok na sana ako ng banyo nang maramdamang bumukas ang pinto sa sala.

Iniluwa nito si tatay na may hawak ng isang bilaong pancit, si Calire na may hawak na cake, si Carl at si Jenny.

Sabay-sabay silang sumigaw ng...

" Happy birthday Kai ! "

Dahan-dahan nila akong nilalapitan habang pumapalakpak at kumakanta ng happy birthday. Habang ako hindi makaalis sa kinatatayuan dahil sa hiya.

Nakasuot pa ko ng pantulog, walang hilamos at gulo-gulo ang buhok. Baka mamaya may muta at tulo laway pa ako.

"Make a wish!" sambit ni Claire bago ko hipan ang dalawang kandilang hugis two at five.

Sinuotan ako ng party hat ni Jenn at sash ni Carl na may nakalagay na "Birthday Girl" .

Habang isinusuot niya sa akin ang sash ay may ibinulong siya.

"Labas tayo bukas. Happy birthday my love."

Nakiliti ako sa mainit niyang hininga. Mabango ito at amoy mint. Sa lapit niya akala ko hahalikan niya ako sa cheeks pero hindi naman.

Masakit man na umasa, mabuti nang nalaman kong nirerespeto niya ko. At ano nga ulit 'yun ? Tinawag niya ba akong my love ?

#

-cejayrie 💛

THANK YOU FOR READING!
VOTE AND LEAVE A COMMENT!

Limampung Tasa ng Kape Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin