PART EIGHT

1 0 0
                                    

LIMAMPUNG TASA NG KAPE
#LTNK8
[8]

Simula noong gabing iyon hindi na siya naalis sa isip ko. Ang mga ngiti niya, bawat galaw, mga salita at pagkanta kabisadong-kabisado ko. Parang eksena sa pelikulang paulit-ulit na nagp-play sa utak ko. Minsan nga bigla-bigla na lang akong mapapangiti at babalik sa reyalidad ng buhay kapag binatukan na ako ni Claire at tiningnan nang masama.

Ramdam ko na nagdududa na ang kapatid ko sa mga kinikilos ko. Todo ikot ang mga mata niya tuwing umuuwi ako ng bahay. Ganyan talaga ang ugali ng kapatid ko, matampuhin, hindi na raw kasi ako nagkukwento sa kanya. Hindi na rin kasi kami nakakapag-usap dahil night shift ako. Alam kong marami syang kuwento sa 'kin pero lagi kaming busy. Uuwi ako ng bahay tulog na siya, pagkatapos naman ng klase niya, papasok ako. At kapag weekend busy siya sa school works, ako naman busy pa ring maghanap ng stable na trabaho.

Tatlong buwan na akong nagtatrabaho sa tindahan ng lechon. Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon. Ang luwag sa pakiramdam na napaliligiran ako ng mga  mabubuting tao pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin naaabot ang pangarap kong makapagtrabaho sa malalaking kumpanya. Graduate ako ng AB Mass Communication, at hindi ko hahayaang masayang na lang 'yun.

"Ate may naghihintay sa'yo sa labas 'yung lagi mong kasama sa trabaho, 'yung lalaking matangkad."

Walang prenong pagsasalita ni Claire habang dire-diretsong nagtungo sa kusina at inilagay sa pinggan ang biniling palabok. Iisang order lang ang binili niya, matindi talaga topak ng babaeng 'to, bilis magtampo.

"Hindi mo pa kasi sinasabi sa akin ang pangalan kaya lalaking matangkad na lang sinasabi ko," umikot na naman ang mata niya habang ngumunguya.

"Si Carl 'yun ! Oh, ayan alam mo na pangalan."

Binuksan ko ang kabinet at naghanap ng pwedeng suotin. Puro t-shirt lang naman ang nakikita ko, kung hindi puti puro itim naman ang kulay. Gusto ko kasi 'yun, dati para hindi na mag-iisip mabuti kung ano ang susuotin. Ngayon lang talaga ko naging ganito.

Lumipat ako sa kabilang bahagi ng kabinet kung nasaan ang mga damit ni Claire. Nakakita ako ng off shoulder blouse na hanggang siko ang haba ng manggas. Kulay itim ito na may ruffles sa itaas.

"Pahiram ako nito."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinakbo na ang banyo para makapagbihis.

Humarap ako sa salamin at umikot-ikot.

"Bagay ba ?"

"Kailan ka pa nahilig sa off shoulders ? Sabi mo dati ayaw na ayaw mo n'yan dahil pakiramdam mo nakahubad ka ?"

Kunot-noong tugon niya na parang gulong-gulo sa ginagawa ko. Totoo naman dahil mismong sarili ko hindi ko na rin maintindihan. Parang gusto ko laging presentable ang dating, kahit na noon wala naman akong pakialam sa magiging itsura ko.

Sa tuwing kasama ko si Carl pakiramdam ko mukha akong basahan. Pang-model kasi ang katawan nito kaya kahit anong damit binabagayan.

"Suportahan mo 'ko, ngayon pa lang ako nagdadalaga."

Hinalungkat ko pa ang kabinet ni Claire at dinampot ang isang pouch na naglalaman ng make-ups.

"Late bloomer ? Twenty-four ka na ate hindi ka na eighteen !"

Natatawa man binuksan ko ang pressed powder na durog na, pero nagagamit pa rin. Parang wala naman akong halos pinagbago. Nagmukha lang fresh at natakpan ang eyebags. Sunod kong kinuha ang pink blush on, pero...

"Claire, pano 'to ilagay ?"

Tanong ko sa kaniya habang nakangiting nangungumbinsi. Baka kasi magmukha akong clown.

Limampung Tasa ng Kape Where stories live. Discover now