PART FIVE

3 1 0
                                    

LIMAMPUNG TASA NG KAPE
#LTNK5
[5]

7:30 PM na nang umalis ako ng bahay. First day ko ngayon sa trabaho - bilang tindera ng lechon. Blessing pa rin 'to, at hindi pa naman huli ang lahat. Ang importante may pinagkakakitaan ako kahit papaano.

Pagsampa ko ng jeep, agad kong napansin ang babaeng naka-pink na uniporme, may bitbit itong naka-rolyong tarpulin, naka-bun ang buhok at may suot na salamin.

Hindi ako pwedeng magkamali, ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay kaklase ko noong high school. Siya iyong muntik pang hindi maka-graduate dahil kasama siya sa mga nahuling nag-iinuman sa likod ng school. Hindi ko alam kung totoo 'yun o nasangkot lang siya.

Siya yung tipo ng taong "Happy-go-lucky", parang walang pangarap at balak lang i-enjoy ang bawat minuto ng buhay. Pero heto na siya ngayon, napaka-pormal tingnan.

Huling sumakay ang isang estudyanteng lalaki, tayo-tayo pa ang mahabang buhok nito na kulay blonde.

"Good evening po ma'am"

Tumabi ito sa kanya at kinuha ang hawak na tarpulin ng guro.

"Salamat. Ikaw ha Rey, sinabi ko na sa'yong magpagupit ka na ng buhok, ako na naman ang mapapagalitan niyan," wika ng guro habang dumudukot ng pamasahe sa kanyang pitaka. Puno na ng pasahero kaya't nag-umpisa nang umandar ang jeep.

"Opo ma'am, promise, bukas po, clean cut na po ako !"

Masiglang sabi ng lalaki habang hinahawi ang kanyang buhok.

"Kulayan mo 'yan ng itim, pangit tingnan ang estudyanteng may ibang kulay ang buhok."

"Opo ma'am, mas pogi po pala ako kapag itim lang ang kulay ng buhok ko!"

Nahihiya man ang estudyante, ibinayad na siya ng pamasahe ng guro. Buti na lang at kahit papaano may sapat na kikitain si manong drayber. Sa itsura kasi ng estudyante mukha siyang expert sa 123 teknik.

Sa huling pagkakataon tinitigan ko ang dati kong kaklase. Maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan, magaling magmake-up at magdala ng damit. Halos wala naman siyang pinagbago sa panlabas na anyo, mukha pa rin siyang high school student.

Lahat naman ng tao may pagkakamali, minsan nga lang natatagalan bago nila ito mapansin at baguhin. Siguro noong mga panahong iyon may dinadala siyang problema kaya't iyon ang naisipan niyang gawin, pwedeng ring dahil sa barkada. Baka sa edad niyang iyon hindi pa niya lubusang nakikilala ang sarili, hindi niya pa alam kung saan siya magaling at wala pa siyang pinapangarap.

Ngayon, isa na siyang inspirasyon ng mga kabataan, iginagalang, nirerespeto, iniidolo. Dumating na ang panahong siya naman ang may kapangyarihang makapagpabago, gabayan at tulungan kung sino man ang naliligaw sa maling daan.

Pumara na ako nang makita ang tindahan ng lechon. Nakita ko ang isang lalaking katamtaman lang ang taas, moreno at may kalakihan ang mata.

Huminto siya sa paglilinis nang maramdaman ang aking presensya.

"Magandang gabi. Ikaw ba si Kyla ?"

"Oo, first day ko ngayon."

"Ikaw pala ang papalit kay Carlito"

Ano ? Carlito pala ang buong pangalan niya, bakit ang tanda ng dating. At, tama ba ang narinig ko ? Papalit ? Akala ko ba naman siya ang makakasama ko sa trabaho. Napakasakit nga namang umasa.

Magaan na kasi ang loob ko sa kanya kaya sa tingin ko hindi ako mahihirapang magtrabaho kung siya ang kasama. Pero ganun talaga, lagi namang hindi umaayon sa akin ang tadhana.

Iniabot sa akin ng lalaking Mark pala ang pangalan ang pulang apron, hairnet, at name plate na ang nakalagay ay Kyla. Agad ko naman itong isinuot.

"Susunod dito si Carlito para turuan kayo ng mga gagawin, hintayin mo lang baka parating na rin 'yun."

"Kami ?"

Nagtatakang tanong ko, umaasang sasabhin niya ang pangalan ng makakasama ko sa shift.

"Ay, oo nga pala, yung makakasama mo bagong empleyado rin, mukhang magkakasundo naman kayo nung babae."

Itinabi ni Mark ang mop at timba sa gilid nang matapos linisin ang paligid. Hinubad ang apron at hairnet tsaka kinuha ang bag sa loob ng maliit na opisina.

"Sige, mauuna na ko, hintayin mo na lang silang dumating."

Paalam niya at agad ko naman siyang kinawayan habang nakangiti.

Inulit ko ang pagsusuot ng hairnet para makasigurong walang buhok na lalaglag, nilagyan ko na rin ito ng hair clip para walang kawala.

Habang nag-aayos ako naramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa akin.

Nilingon ko siya at tumambad sa aking harapan ang isang babaeng naka-bun ang buhok. Gaya ko ay naka-puting polo shirt din siya at jeans. Malawak ang kanyang ngiti sa akin at kapansin-pansin ang natural blush ng mataba niyang pisngi. 

"Hi, ako si Jenny, ang magiging ka-trabaho mo simula ngayon. Nice to see you again."

Inilahad niya ang kamay at agad ko naman itong tinanggap.

Bakit dito pa napiling magtrabaho ng cashier sa cafe na 'yun ? Hindi na ko magtataka kung bakit niya pa ako naaalala.

Sino ba namang makakalimot sa customer na nagtanong ng pinakamurang kape at humingi na lang ng malamig na tubig dahil unavailable na ito.

"Nice to meet you rin Jenny."

Naputol ang pagpapalitan namin ng ngiti nang may pumaradang motor sa harapan ng tindahan. Hinubad nito ang suot na helmet at leather jacket.

Nandito na si Carlito.

-cejayrie 💛

THANK YOU FOR READING
VOTE AND LEAVE A COMMENT !

----

Belated happy birthday to my friend Jennyyybiiii na walang sawang naghihintay at sumusuporta sa mga sinusulat ko at inspiration ko sa pagbuo ng character ni Jenny ng LTNK. I love you and miss you so much 💛💛💛

Limampung Tasa ng Kape Where stories live. Discover now