KABANATA 4

34 7 0
                                    

I woke up early and fixed myself to get ready. Inihanda ko na lahat para hindi hassle. Nagsuot ako ng denim jacket, white tube top, black jeans and a pair of white shoes.


Kinuha ko shoulder bag ko at paper bag kung saan nakalagay ang books na dala ko. Hinintay ko sina Worth, Ally, at Sharise sa may waiting shed. We'll be attending a book signing event.


I am a certified reader, hindi man karamihan books ko at least meron. Nang huminto ang sasakyan sa harap ko ay naupo ako sa backseat kasama si Sharise kasi nasa unahan si Ally.


"Ilan books niyong dala?" tanong ni Ally.


"2 lang akin," sagot ni Sharise.


"Just 4, hindi pa ako nakakabili ng iba tsaka wala pa ulit akong balak."


Tipid-tipid muna now...


"Sana all na lang sa baklang ito, halos nabili niya lahat ng books ng author na aattend. Sarap ipa-ambush tapos kunin yung libro."


I heard him chuckled.


"Ipon-ipon lang, Neng."


"Mayaman ka kasi," nakangusong sabi ni Ally. "Baka dumugin ka ng mga kakilala mo, lalayo muna kami sayo."


Natrauma si Ally ng umaattend silang isang book signing event. Nagkandatapak-tapakan daw paa ni Ally dahil sa iilang fans ni Worth na dumadami na ngayon.


Nang makapasok kami sa hall ay agad kami dumiretso sa venue ng apat na author na dahilan ng event. Nakakakapit si Ally sa braso ko samantalang ako naman ay kay Sharise.


"Lumayo ka na sa amin, Worth."


"Parang may nakakahawa akong sakit amp! Oo na... Aishe kita na lang tayo mamaya." Tumango lang ako bagi siya tuluyang makaalis.


"Ano yun?? Nakakasana all naman, Neng."


Ito na naman tayo sa walang katapusang tuksuhan.

"Doon tayo!" Turo ni Ally sa isang side na kaunti lang ang tao.


May lumapit sa amin na iilang kakilala, I mean internet friend. Kahit kasi papano active naman kami sa mga kanya-kanyang spazzer account namin.

"Ate, diba close kayo ni kuya Worth? Ba't wala siya dito?" tanong kay Ally ng isang kakilala namin.


"Kasi madaming hayok doon," sagot ni Ally.

"Sa sahig lang kami aabutin kapag iyon pinagkaguluhan na naman ng mga babae," dagdag naman ni Sharise.


"E, ikaw ate Aishe... ano na real score niyo ni kuya? Pansin ko kasi ang sweet lagi sayo ni kuya eh, lalo na sa mga post at sa comment section."

"Wala," tanging sabi ko.


"Wala pa," humahalakhak na sabi ni Ally.


Nang matapos ang maiksing introduction ay nagsimula na nga ang event. Medyo natagalan ako dahil sa haba ng pila kaya nauna matapos magpapirma si Sharise sumunod ako then si Ally.


"Isang author na lang talaga ang gustong-gusto ko makita. Si Tatang Makata, napakaanonymous kasi. Super excited na ako na magreveal siya."


Si Tatang Makata ay kilala sa pen name niyang @TatangMakata, he's an anonymous author until now. Matagal na namin siyang iniidolo ni Ally. Halos lahat ng book na napapublish na ay pinag-iiponan talaga namin para makabili kaagad. Ang alam lang namin sa kan'ya ay lalaki siya at he's not into a relationship chuchu... kasi nga raw may anak na siya. At yung anak niya ay dalawang lalaki, na isa sa gusto rin naming mameet.


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now