PROLOGUE

138 10 10
                                    

Prologue


Hindi ko ineexpect kung ano ako ngayon. Sa tuwing inaalala ko ang mga pangyayari noon ay natatawa na lang ako. Tuwing naalala ko na hindi man lang sumagi sa isip ko ang pinaggagagawa ko ngayon. There's a lot of unexpected happened in my life.

"Aishe! Damn! Aishe!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa lalaking ito na hindi ako tinitigilan. Napalunok na lang ako at napamasahe sa sentido ko bago ako humarap sa kanya. Ilang ulit ko bang kailangan sabihin na ayaw ko muna siyang makita. Wala siyang mapapala sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa niya.

"Thank God, you stopped!"

"Please, stop this shit!" I saw how his eyes change into sadness. "Pagod ako, tigilan mo muna! Ano sabi ko hah?"

It was a tiring day tapos dadagdag pa siya. Ayoko na kasi muna talaga, aba nagpupumilit. Bakit ngayon pa?

I found myself inside my unit. Sapat lang ito para sa akin. Minabuti ko na lang mag-isa kaysa makisama sa iba't-ibang parte ng mga kamag-anak ko. May sariling pamilya na rin ang mga kapatid ko.

Kaya ko pa ba?

Yan parati ang nasa isip ko noon pero still kinakaya ko hanggang ngayon.

Ilang ulit na siyang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Ito lang ang alam ko, kinakaya ko pa.

"Hello, Ma?" sagot ko ng tumawag si mama mula sa Canada. Nandito lang naman ako sa k'warto ko habang nakahilata.

[Kamusta ka na d'yan?] casual niyang tanong.

"Okay lang. Pagod syempre, araw-araw naman eh. Bakit ka napatawag?" tanong ko.

[May pera akong pinadala. Sabihan mo na lang ako kapag natanggap mo na.]

"Sige po, sasabihan na lang kita."

May trabaho na ako, pero patuloy pa rin siya sa pagpapadala. Iniipon ko na lang para kapag umuwi na siya ibabalik ko sa kanya lahat. Sabi ko umuwi na siya pero ang kulit niya.

[Sige, may trabaho pa ako. Ingat ka d'yan.]

Pinatay ko na kaagad ang tawag, hindi na ako nagpaalam pa. Nasa ibang bansa siya para magtrabaho, isa siyang nurse noon pero sa tagal niya sa Canada ay may green card na siya kaya nakapagstay ako sa kaniya. Nang umuwi ako ay naiwan na talaga ako sa Pilipinas, actually kahit noon pa. Si papa nagstay na sa Pinas at nagsusulat na lang. Naiinis ako kasi hindi pa sumama sa akin pauwi si mama.


"Aishe!" Agad na tumakbo papalapit sa akin akin si Ally na pinsan ko. "Namiss kita... kainis ka kasi. Ba't ba ang daya mo?"

"Talaga ba?" Naupo muna kami sa upuan. Napagdesisyonan kasi naming magkita dito sa isang restaurant.

"Syempre, after mo makabalik galing Canada hindi na tayo nagkita pa," nakanguso niyang sabi. "Samahan mo pala ako bukas."

"Pass. Ayoko gumala," sagot ko sa kan'ya.

"Dati sinasamahan natin ang isa't-isa, nakakatampo ka na."

"Ally naman eh." Ayoko sana pero naalala ko na hindi na nga pala talaga kami nagkakasama. "Fine, oo na."

"Yes!" Kita ko ang saya sa mga mata niya dahil sa pagpayag ko.

The next day, I woke up early and cook my breakfast. Tinatamad man ako kaso alam ko na hindi niya ako titigilan. Kanina pa rin siya text ng text ng kung anu-ano at kung ano na ang ginagawa niya.

Pupunta lang ako naman ako dahil kay Ally. Nagsuot lang ako ng black denim pants at gray loose shirts that I tucked in the left side part, partnered with a white shoes. Wala ako sa mood magsuot ng kung anu-ano.

I put some powder and tint para hindi ako magmukhang patay. Nagcommute lang ako kung saan kami pupunta at magkikita. Buti na lang hindi ako ginambala ng lalaking yun.

"Aishe!" Nang makita ko si Ally sa entrance ay lumapit na kaagad ako. "Ang tagal mo."

Libre lang ako na nakapasok dahil kay Ally, siya na raw bahala eh.

Halos manlaki ang mata naming dalawa sa nakita namin na mga author na aattend. At nakita ko talaga siya, dito at ngayon pa. Gustuhin ko man hilahin si Ally ay wala naman akong magawa. Hindi ko na nga matandaan kung kailan pa kami huling nagkita eh.

"Hala!" Gulat kaming nagkatinginan ni Ally. "Hindi ko alam, baka siya yung author na hindi sinabing darating. Sorry hindi ko sinasadya, Aishe."

"A-ayos lang."

Successful writer and aspiring published author na pala talaga siya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi pa nalalaos ang gago.

"Labas na tayo. Aishe, tara na."

"No, we'll stay. Huwag mo ako isipin, ilang author ba pipilahan mo?"tanong ko rito.

"Dalawa lang."

"Sige na, ako na kukuha ng picture."

Nakasunod lang ako sa kan'ya, alam kung hindi rin siya mapakale dahil sa presensya ng lalaking iyon.

"Aishe..."

"Ally naman, ulit-ulit?"

Nginitian ko siya para makampate siya. Alam kung hindi niya rin alam to dahil natigil din ang communication nilang dalawa ng mapagod si Worth.

Kalapit lang ang table niya sa pinipilahan ni Ally. Hawak-hawak ko ang phone para makuhanan siya ng litrato habang nagpapa-sign ng libro
niya.

Nang nasa pila na siya at malapit na sa table ay bahagyang napatingin sa kan'ya si Worth. Ngumiti si Ally sa kan'ya at medyo kumaway. Nakita ko na nagpa-excuse si Worth at lumapit kay Ally at niyakap niya ito at ginulo ang buhok. Nang may sinabi ata si Ally sa kanya ay napatingin sila sa akin. Bahagya siyang ngumiti at kumaway kaya ngumiti na lang ako pabalik.

Parang dati lang, wala pa rin nagbago sa kanila pero sa amin mayroon na. Pati friendship hindi ko na siya napagbigyan pa.

Nang bumalik na siya sa upuan niya ay bumalik ang lahat sa dating galawan.

He was wearing a maroon v-neck shirts na may nakaprint sa unahan na @mahalaga may nakapatong na denim jacket. Nakangiti siya sa bawat reader niya na lumalapit at nagpapa-sign ng libro at nagpapapicture sa kanya.

Ginawa ko kung ano ang dapat kung gawin hanggang sa matapos si Ally sa pagpapapirma ng libro. Sa tagal ni Ally nagcocollect pa rin siya ng libro ng mga paborito na nga lang niyang manunulat.

"Restroom lang ako," pagpapaalam ko ng makalabas kami ng hall.

Gustong-gusto ko ng umuwi.

Nakita ko si Ally na kausap si Worth ng balikan ko siya. Buti pa siya nabibigyan ng oras sa ganitong sitwasyon.

Ayos naman na talaga ako. Siguro hindi ko lang alam paano ulit siya kausapin ng casual.

He continued what they were saying, when our eyes met, I looked away. Then Ally met mine before she bid a goodbye to Worth.

"Sorry, nichika niya ako eh."

"Okay lang. Tara na?"

"Tara."

Masaya na siya. Successful na. Dapat ganoon din ako, sana all talaga.

Damn you! Nakaka-sana all ka. Muntikan mo na siraan ang lahat pero kayo ayos na.

Akala ko hindi na maibabalik ang lahat, yung tayo lang pala ang hindi na talaga.

Pero totoong masaya na ako, masaya na ako sa mayroon sa ngayon.

Nagbago na ang lahat, wala na yung dating tayo pero nagawa mong ayusin yung kayo.

Saet talaga.

Pero yung totoo, ayos na ako. Sadyang siguro may parte sa akin na sana... sana maging maayos na kami at walang samaan ng loob para wala na rin yung pader sa aming dalawa.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now