KABANATA 35

19 2 0
                                    

Lagi bumibisita sa bahay si Perdix. Hindi ko siya pinakilaman basta alam na nila kuya na pomoporma siya sa akin. He persued his study into law kasi bet niya raw talaga. Bet niya like how he liked me, ayaw niya raw sukuan.


Naipailala naman na ako ni Perdix sa family niya. Wala rin namang naging problema, at masaya sila na ako raw ang nililigawan ni Perdix. Close rin kami ni Peachy na nakababatang kapatid niya.

Sinundo ako ni kuya sa unit ko dahil sa may pupuntahan daw kami. Hindi rin naging madali sa akin ang course buti na lang kinakaya ko buti support naman ang mga kapatid ko. Isang taon na lang din at matatapos na ako, buti pa sina kuya tapos na.

Sa kanila ako nagstay kasi nakipag-usap sa amin si mama at papa through video call. After dinner ay inihatid ulit ako ni kuya Ace sa unit ko. Inayos ko lang ang iilang books ko. Na kina kuya talaga ang imbakan ko ng libro wala dito sa unit ko. Iilan lang  ang nasa unit ko.

Ilang araw ng hindi nagpapakita sa akin si Perdix. Busy siya sa manuscript niya, parang biglang bumabalik sa alala ko si kuya. Busy sa manuscript pero sa iba pala busy. Pinilit ko na lang matulog ng maaga dahil sa inis.


Bigla akong nagising dahil sa isang panaginip. Nasaksak daw si Perdix. Hindi ko alam bakit ganoon ang panaginip ko. Nang dahil daw sa akin kaya siya nasaksak. Pagtingin ko sa orasan ay 11 pm pa lang. Nang dahil sa hindi ako mapakali kaagad ako lumabas ng unit ko at nag-antay ng taxi para puntahan si Perdix.

"Ano ba naman yan, bebs? Makayakap ka naman akala mo naman hindi na tayo magkikita."

Hindi ko alam kung bakit pinuntahan ko siya ng ganitong oras. Natatakot ako, natatakot ako. Akala ko wala na siya.

"Bebs, may problema ba?" tanong niya. Halata na naistorbo ko siya. "Sa loob tayo. May nangyari ba?" Nanatili akong walang kibo.

Nang pagkapasok namin ay inabotan niya ako ng tubig. Naupo siya sa center table habang nasa couch ako kaya magkaharap kami. Nakatingin lang ako sa basong may lamang tubig na hawak ko.


Kinuha niya sa kamay ko ang baso saka iyon inilagay sa tabi niya. "Tell me what happened." Bahagya pa siyang tumingin sa shorts ko kaya tinakpan niya iyon ng unan. "Nakapangtulog ka pa, Aishe. What happened?"


Kagat-kagat ko ang labi ko at bahagyang bumuntong-hininga. "Wala, akala ko busy ka sa manuscript mo. Or ano."

"Or ano?" Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na ata matagalan ang titig niya. "Or busy ako maghabol sa iba?" Napabalik ako ng tingin sa kaniya. "Wala akong ibang hinahabol kundi mga due date, bebs. Ikaw lang, maliban sa dami kong paperworks. Manuscript ko talaga inaayos ko at paperworks."


He chuckled.

"Nanaginip kasi ako, na napahamak ka daw dahil sa akin. Akala ko iiwan mo rin ako." I looked down because I feel like I am bothered to much. "Ayos ka naman. Uuwi na ako." Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Dito ka na matulog. May isang k'warto pa diyan," he said while grinning. "You're making my heart fluttered." My eyes narrowed on him because of what he said.


"Don't even think about anyting, Dix."

"Yeah, yeah whatever, bebs. Tulog ka na."

Inihatid niya ako sa isang k'warto. Kumukha rin siya ng kumot. Naupo ako sa kama habang nag-aayos siya sa cabinet.


"Let's start being in a relationship, Dix." Nahinto siya sa ginagawa niya at dahan-dahang humarap sa akin. "Ayoko ko na sa ligaw-ligaw, Dix. Ano?" tanong ako.

"Seryoso ka na diyan. Naku,Aishe. Matulog ka na nga diyan. Baka nabagok lang ulo mo."

Diri-diretso siyang lumabas sa k'warto ko kaya sumunod ako. Isasara na sana niya ang pinto ng iniharang ko ang kamay ko.

"I'm serious, Dix. Why, ayaw mo na ba?" tanong ko. Ibinuka niya ang pinto saka siya sumandal sa gilid ng pinto habang nakatingin sa akin. "Ano?"

He smirked.

"I love you," he mouthed before he smiled. "What? I love you. I love you." Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa baba.

Ako na talaga ang pinakamarupok pa sa marupok.

"Hay. Dito ka  na matulog sa k'warto ko." Kaagad ako nag-anggat ng tingin at nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Doon na lang ako sa kabila, bebs."


Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya niya ako sa kama niya. Nang makahiga na ako ay naupo siya sa kama, sa tabi ko.


"I love you. Kahit tayo na, araw-araw naman kita liligawan. Can't wait to published more books along with yours, bebs. Darating ang panahon na magbook signing ng magkasama sa harap ng madla. Sleep tight, Love."

"Alam mo ba kung sino una kong sinuportahan sa inyo ni Worth?"

"Malamang yung ex mo." Umiling ako. "Huh?"

"I am silently supporting you. Nagpapakafangirl na ako pero hindi kita type." Natawa siya sa sinabi ko habang napapailing. "Si Worth nga hindi ko naman type, naging marupok lang ako kaya minahal ko. Kaya ito na naman ako ngayon, nagpapakamarupok na naman. Baka isipin nila ang hilig ko sa published author."

"Totoo naman."

"Gusto ko na matulog," sabi ko sabay tagilid kaya nakatalikod na ako sa kaniya. "Good night."

Hindi naging pamilyar ang amoy sa akin kaya unti-unti ko idinilat ang mata ko. Saka ko lang naalala na nasa k'warto ako ni Perdix. Pagtingin ko sa side table ang may damit doon at toothbrush. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush bago ako nagpalit ng damit saka lumabas.


Paglabas ko ay may binabasa si Perdix, mukhang cases na naman. Nang maupo ako ay nag-anggat siya ng tingin saka ngumiti.

"Good morning," bati ko.

"Good morning. Breakfast is ready. May pasok ka pa ng 9, ihahatid kita sa unit mo."

"Sana all memorized ang schedule. Bibilisan ko na baka malate ka pa." Ngumiti siya kasi siguro akala niya hindi ko memorized ang schedule ng klase niya. "Tama na ang ngiti. Kumain ka na rin."

I decided to give him a chance. Natatakot man ako sa maaring mangyari pero wala eh, si Perdix ito ang lalaking kahit kailan hindi ako pinabayaan. Yung minamahal ako habang may mahal akong iba. Yung lalaking ayaw maging panyo sa buhay ko kasi pansamantala lang daw ang panyo kaya ayaw niyang maging ganoon.

I love him. Sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi ayoko noon, natatakot ako na baka sa bandang huli, hindi pala ako ang priority.

Ayoko na maranasan kung ano man naranasan ko kay Worth. Ayaw ko ng maging choice kasi wala ng choice o talagang iniiwasan kung ano man ang  tamang sagot.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon