KABANATA 14

18 3 0
                                    

Nabaliktad nga ang nangyari, si kuya ang idiniin ng matanda. Buti na lang at pera na lang ang hiningi ng matanda para raw sa pang-gamot niya. Hindi rin mawala sa isip ko na baka sinadya niya iyon dahil bakit parang nag-alinlangan pa siyang unang umalis. Hindi rin kami pwede magsalita dahil may mali at mali silang makikita. Si kuya Gael lang ang lalong maiipit kapag nagkataon.


"Nahihiya talaga ako sa inyo ni tita," saad ni Ally.


"Don't be. Ipinaliwanag ko naman na ang nangyari sa kaniya."


Napagdesisyonan namin na tumambay sa park habang hindi pa time. Kasama lang namin si ate Ecka at Chessca dahil sa iba naman ang schedule ng iba.



"Nangyari na yun, huwag mo ng alalahanin pa. Magmove on na lang kayo," sabat ni ate Ecka.


Nang mapansin ko na tutok na tutok si Chessca sa phone niya ay napangiti ako. "Super busy ka diyan, Neng. May jowa ka na naman ba?" I asked.



"Wala, puro scroll nga lang ako oh."



Maniwala!



Nagkatinginan na lang kaming tatlo at nagkibit-balikat. Isa ito sa palasikreto ng lovelife sa amin.


"Ang g'wapo nong Persues, Chess. Jowa mo ba yun?" tanong ni Ally.



"Hindi," maikling sagot ni Chessca.



"Malapit na mag-December. Simbang gabi tayo?" tanong ni ate Ecka.



November 29 na, ang bilis talaga. Dahil wala naman magbabawal sa akin ay gora talaga ako.


"Game ako," sagot ko kaagad.


"Ako rin. Kina Aishe na lang ako matutulog or kay kuya ako sasama," sabi naman ni Ally na tila excited na rin.



"Sana all hindi malamig ang pasko." Nagulat kami sa pagsabat ni ate Jelayza sa usapan.


"May jowa ka, Neng. Magjacket ka na lang pag ramdam mo na ang lamig, literal naman na malamig kapag December. Ay naku," sabi ni ate Ecka na parang pasan niya ang mundo.



May point naman kasi si ate malamig talaga kapag December, maarte lang talaga ang tao.



After ng usapan ay sabay-saby na kami pumunta sa school. Late raw si Worth, tinext niya ako. Hindi naman na bagi ang pagiging late ng isang istudyante.


Medyo maaga kami natapos sa last subject namin. Humihikab na si ate Jelayza habang naglalakad kami sa hallway ng school.



"Sasabay ako kay kuya now. Maunna na ako sainyo, girls." Pagpapaalam ni Ally.


"Ingat."


Halos lahat ng seniors ay pang-evening class kaya nagkikita-kita pa rin kami kahit papano. Minsan nga lang talaga.


"Mauna na rin ako, Neng. Antok na talaga ako eh." Pagpapaalam din ni ate.



"Sige lang. Ingat ka. Baka makalampas ka sa bababaan mo, huwag kang matulog." Pagpapaalala ko rito dahil one time ng makatulog siya sa biyahe nakalampas siya sa bababaan niya kaya pinuntahan siya ni Worth saka iniuwi.



"Opo. Hihintayin mo sina Worth?"


I nodded.



"My usapan kasi kami."


"Ah. Sige na alis na ako."


Naghintay na lang ako hanggang sa dumating si Worth kasama si ate Ecka.


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now