Kabanata 1

86 8 0
                                    


We're standing near the tree here in the park. Para kaming nanonood ng romantic scene, ang pagkakaiba nga lang gusto ng sumugod nitong kasama ko. Ako, hinahayaan ko lang ang nakikita ko. Hindi ko naman bet nakipag-basag-ulo. I mean madawit pa sa gulo.

"Pigilan mo ako! Masasabunotan ko talaga yang lalaking yan." Halos malukot ang hawak niyang plastic bottle.

"Walang pumipigil sayo, Ally. Go on, basta hindi tayo ang magiging katatawanan."

Bahagya akong nagulat ng sumugod nga si Ally sa kinaroroonan ng dalawa kaya sumunod na ako. Hindi ko mawari kung saan ba nakuha ni Ally ang panay na lang sugod ng sugod. Saan nga ba sita nagmana ng ganitong pag-uugali?

"Hi, Eris." Nasa likod nila ako kaya hindi alam ni Eris nasa likod ako. Pumunta kasi sa harap nila si Ally kaya napaalis ang pagkaka-akbay ni Eris sa babaeng kasama niya. "G'wapo ka, boy?" tanong pa ulit ni Ally kaya nagpipigil ako ng tawa.

"Look, nagkakamali ka."

Tanggi pa boy.

"Talaga?" Ally chuckled. "Alam ko naman na lahat nagkakamali, tanggap ko yun kasi tao lang din naman ako. Pero yung pagkakamali mo hindi katanggap-tanggap, tarantadong 'to!"

"Hey! What are you talking about? You see, you're disturbing us." Nalipat ang paningin ni Ally sa babae.

"Kawawa ka naman, alam mo ang mga ganitong lalaki ay hindi dapat pinagkakatiwalaan."

"Will you stop!"

Tapang ni girl. Wrong move, maling-mali.

"Break na raw kayo ni Aishe. Ako na magdedesisyon... gago!"

"Ally, let's go. Nakaka-isturbo na tayo." Lahat sila ay napatingin sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Eris at pagkalito sa babae niya.

"Ay sorry!" Ally exclaimed bago lumapit sa akin. "Sorry sa istorbo," dagdag niya pa.

"Aishe..."

"Narinig mo naman siguro ng mabuti sinabi ni Ally diba? Yun na rin kasi desisyon ko, pakisunog yung tulang inalay ko sayo. Nakakasuka kasi." Nakangisi ko siyang tiningnan. "Bakit ko kaya yun ginawa?" tanong ko kay Ally pero umakto lang siya na tila sukang-suka.

Nakakadiri.

Halos takbuhin na namin ni Ally ang bawat hagdan na dinadaanan namin papunta sa room namin. Malalate na kasi kami kapag hindi namin tinakbo. Ito ang napapala ng mga taong kung anu-ano ang inaatupag.

"Aishe, wala akong assignment! Hindi na ako papasok, terror pa naman yon. Dapat kasi gagawa ako kaso yun ang napagdiskitahan ko."

"Gumawa na ako, ginawan na kita."

"Talaga?" gulat na gulat na tanong nito.

"Oo nga, kulit mo!"

"Tara takbo na ulit tayo. Nagka-lakas na ulit ako."

Nakarating kami sa room na hingal na hingal. Buti wala pa prof namin kaya nakapag-pahinga pa kami. Si Ally todo k'wento kay ate Jelayza ng nangyari, parang hindi galing sa pagtakbo. Si Ate Jelayza ang isa sa kaclose namin sa classmates namin at kaibigan talaga namin siya ni Ally.

"Grabe, huwag ka ng papatol sa ganoon ulit. My gosh, stress na ako."

"Paanong hindi ka maiistress parang ikaw ang naloko," sabi sa kan'ya ni ate Jelayza. "Hindi mo naman problema pinoproblema mo. Dapat sinuntok mo para bawing-bawi."

"Truth! Ako yung naloko pero ikaw yung todo rants," sabat ko naman. "Kakarmahin na lang iyon."

"Hindi ka kasi nagsasalita. Labas mo kaya yan, girl."

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now