KABANATA 15

17 3 0
                                    

Napag-usapan na ng lahat ang plano. Buti na lang at pinayagan naman na ang lahat. After the party ay doon kami uuwi then tuloy na kami sa simbahan kasi unang araw ng simbang gabi.

Dahil sa Christmas party ay nakakuha ako ng gift. Normal lang naman ang Christmas party namin. Nagpaalam lang kami kaagad na aalis na kami after ng kainan at exchange gift.

Kasabay ko si Ally at ate Jelayza palabas na school. I already chatted that we're now outside the school. Dito na kami mag-aantay. Nang mahagip namin sasakyan ni Worth ay agad na kaming nagsilapitan.

"Balikan ko na lang yung tatlo, kayo muna ihahatid ko," sabi ni Worth.

Sumakay na ang dalawa sa backseat kung nasaan nandoon si ate Eurika. Sa front seat ako naupo at inayos ang mga dala ko.

"Usog doon, Neng." Napalingon ako ng hindi pa sila ayos.

"Wala ng space, Neng." Natatawa na talaga ako sa kanila.

"Naiipit na ako, ate Jelayza!"

"Sorry na, Neng oh... Sorry na."

"Ingay niyo, huwag niyo kasi paupuin bags niyo. Diskarte mga Ineng, susme," sabat ni Worth na napatampal pa sa kanyang noo.

"Gora na, baks."

Nang makarating kami ay manghang-mangha ang tatlo kaya nagsilabasan na kaagad ang mga ito. Nakalimutan na ata nilang may mga gamit silang dala.

I heard Worth chuckled.

"Kayo na bahala rito. Ito susi sa resthouse " Iniabot niya sa akin ang susi. "Hayst! Ang mga gamit."

"Huwag ka na lumabas, ako na maglalabas ng mga gamit."

"You sure?" tanong niya habang nakatingin sa akin at nakasandal ang siko niya sa manibela.

"Yeah."

Isa-isa kong inilabas gamit na dala ng tatlo. Halos lahat naman ay paper bags.

"Okay na. Ingat ka sa pagdadrive."

"Thanks, wife." Inirapan ko na lang siya kaya tinawanan niya lang ako. "Susunduin ko lang yung iba! Huwag kayong manira ng gamit diyan!" sigaw niya sa tatlo.

"Gago ka, Worth!" sigaw pabalik ni ate Jelayza sa kanya.

Tinulungan na ako ng tatlo sa mga gamit upang maipasok na kaagad. May mga pagkain kasi kami na dala plus bihisan namin oara mamaya.

Agad na lumabas ang tatlo at nagpicture-picture. May papag o higaan sa labas kaya inilapat na lang namin ang sapin doon. Hindi ko alam na may papag pala dito kasi noong last time sa damuhan kami naglatag ni Worth nong dala naming sapin.

Nang tuluyan ng ngang dumilim ay nagsihigaan na nga kami. Ang tagal kasi bumalik nila Worth, napagod na rin itong tatlong ito kakapicture.

"Gusto ko magkasama-sama tayo sa isang bahay," sabi ni Ally. "Rentahan na kaya natin 'to tapos dito na tayo mag-stay," dagdag niya pa.

"Zup mga Ineng." Napabangon kami at nakita namin na papalabas na sila ng sasakyan.

"Wow! Ang ganda naman dito," sabi ni Sharise na nagpaikot-ikot pa. "Parang gusto ko na tuloy mag-stay dito. May kubo pa, iba pumapasok sa isip ko. Erase. Erase. Erase."

I know that! It's a JSL thing.

Nahiga ulit kami at tinanaw ang buwan. Tumabi sa akin si Ally habang nag-iscroll sa phone niya.

"Oy! Ang g'wapo ng crush ko," kinikilig na sabi niya. "Kaso hindi ako crush. Nagsisimula na ang karera niya sa pagsusulat, noong hindi pa nga siya kilala hindi na ako napapansin paano na lang kapag sumikat na siya lalo... mas lalong walang choice. Ano sa tingin mo, Aishe?" inosente niyang tanong habang nakanguso.

"Tantanan mo na. Prioritize yourself first before trying to impress others."

Parang nalungkot pa siya sa sinabi ko. "Pero tama ka. Exis na ito sa akin simula ngayon. Darating ang araw na hahabulin niya rin ang taong mahal niya kasi hindi siya mahal." Nagulat ako sa sinabi niya. "Block na siya sa akin now."

Taena! Ang bilis magpalit ng babaeng ito.

"Iba ka talaga," ang tanging nasabi ko na lang kaya sabay kami natawa. "Legend," dagdag ko nang humiga si Worth sa tabi ni Ally.

"May boyfriend kang tao paganyan-ganyan ka," sabi niya kay Ally.

"Nakakalabuan na kami. He's too possessive. Alam niyo naman na ayoko ng ganoon, yung nililimitahan ang bagay na gusto ko gawin. This is me, nasa boyfriend and girlfriend stage pa nga lang kami grabe na kung makatali."

Tumagilid si Worth kaya nakaharap siya sa amin habang nakasuporta sa ulo niya ang kamay niya at nakatukod ang siko niya sa lapag.

"Suntukin ko na ba?" takong nito sa pinsan ko.

"Gago ka talaga kahit kailan," nakangusong sabi ng pinsan ko sa kaniya.

"Iniingat-ingatan kita tapos ganoon? Spread your own wings. Ano siya sinis'werte? You have a freedom for the things that you want to do. Ayos lang naman na magselos kasi normal yun pero yung limitahan galaw mo? I don't think it's appropriate sa stage ng relationship niyo."

So kapag kami na, alam niya kung paano ihahandle ang pagiging possessive niya.

"Sana nga ganiyan din mag-isip ang iba. Masyado ata kasi ako nasilaw sa pagiging good boy ni Kurt kaya humantong sa ganoon. Kung sino raw kasi minsan yung mga tahimik na tao sila yung mga taong hindi mo gugustohin makaaway. Kung lalaki lang ako siguro makukuha ko standard ng mga babae 'no?"

"Ewan ko sayo. Should I talk to him?" Worth asked.

"No." Napatingin silang dalawa sa akin. "Ikaw ang magdedesisyon, Ally. Kung kakalas ka at kung ayaw niya, ako ang isama mo. Huwag si Worth, gulo lang yan."

"Grabe ka sa akin, Neng. Napaka-judger mo. Sinasaktan mo ako," sabi niya na umaarteng parang bakla.

Tinawanan ko na lang pinag-gagagawa niya. Totoo naman kasi ang sinabi ko Gulo lang talaga kapag siya ang isinama ni Ally.

Sa loob kami nagsikain, gusto nila mag-inuman kaso nga pupunta kami sa simbahan kaya soft drinks na lang ininom namin.

10 pm ng gabi ng magkani-kaniya kami. Sina Sharise ay nandoon sa kubo kasama sina Chessca, ate Jelayza at Ecka. Andito naman kami nakahiga lang nina Joanna, Ally, at Worth. Katabi ko sa kabila si Ally at sa kabila si Worth samantalang nasa tabi naman ni Ally si Joanna.

"Nilalamig ako," Worth whispered.

"Magjacket ka or kumuha ka ng kumot sa loob. Huwag kang malandi, Worth."

"Grabe ka talaga sa akin," nakanguso at tila nagpapa-awa effect pa. "Ang sama."

"Gisingin niyo na lang ako kapag 2 am na. Gusto ko na matulog."

"Sa loob ka na matulog kung ganoon," sabi ni Worth kay Ally.

"Ay! Punta na lang pala ako doon sa kubo mukhang nagrerealtalk sila roon. Joanna, sama ka?"

"Sure. Inaantok na rin naman ako rito eh. Baka mawala antok ko doon."

Iniwan na kami ng dalawa kaya kami na lang ang naiwan ni Worth.

"Naiimagine mo na ba na sa future ay hindi mo na sila makakasama?" I asked. Nanatili sa nakatingin sa langit ang mata niya.

"Actually... hindi talaga. Hindi ko maimagine na magkakahiwa-hiwalay kami. Pero alam ko na, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mabuo ulit kami."

"Ang s'werte niyo ni Ally. Nakakuha kayo ng pamilya at masaya ako na napabilang ako sa inyong pito."

Tuwing pagmamasdan mo sila parang laging ayos lang ang lahat. Kapag magkakasama sila pati ikaw madadala na lang at makakalimutan mo na rin ang lahat ng lungkot na nararamdaman mo.

"Napagkakamalan ka na ngang bakla eh," natatawang sabi ko.

"Ayos lang. At least alam mo, at nila na hindi naman talaga."

Wala na, bumigay na talaga ang puso ko. Marupok na kung marupok pero hulog na hulog na talaga eh. Kaso baka sa una lang talaga masaya tapos sa bandang huli... iyak-iyak naman ang kahinatnan ko. Pero hindi rin naman masama ang sumugal basta sa legal.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon