KABANATA 25

25 3 1
                                    

Hindi na nga nagparamdam pa si Ally. Hindi ko alam kung may itinatago ba sila sa akin o wala talaga silang alam. Anong magagawa ko? Malayo ako sa kanila, hindi ko rin hawak ang oras nila. Katulad na lang ng oras ni Worth.

Nakapasok ako sa isang university. BS of Art in Jounalism nga ang kinuha ko. Habang hindi pa nagsisimula ang klase ay nanatili akong walang ginagawa. Nang magsimula ang pasukan ay kinaya ko naman. Madalang din naman kami magkita ni Perdix dahil sa nasa Legal  Management siya nasa magkaibang university kami, nasa 3rd year na rin siya kaya ano aasahan ko? Malamang sa busy pa siya sa busy.

Nang makaalis na si papa ay sinabi niyang next year siya uuwi kasi may kailangan daw siya gawin. Si mama panay pa rin ang tawag. May hinanakit man ako sa kaniya binalewala ko na lang para hindi na rin siya masyadong mag-isip pa.

Malapit na ilabas ang libro ni Worth. Dahil sa sikat ang publishing na kumuha sa kaniya ay marami rin ang gusto bumili kaya nagpareserve na ako. Hindi maikakaila na bebenta ang librong gawa niya kasi maganda naman talaga.

Kuya Aidan;

I'll pick you up later. We'll going to eat dinner. Sa condo mo ba or sa school mo?

Maria Aishe Salcedo:
Sa school na lang. Isang subject na lang naman pasok ko. Mamaya-maya, I'll text you.

Ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone ko. Dali-dali na ako pumunta sa next class ko. Nakasalubong ko si Perdix, sa labas ng school namin. May mga kasama siya dahil kasama niya iilang mga blockmates niya. Kamuntikan pa ako malate buti na lang at umabot.

"Oy! Nakita kita kanina. Kumaway sayo si Perdix. Close kayo?" tanong ng blockmates ko habang inaayos namin ang group activity namin. "Nakita ko kasi kayo, alam mo na marami nagkakandarapa sa lalaking yun pero wala ata siyang pakialam."

"Close kami. Sapat lang naman. Nagkakilala kami through internet."

"Hala! 'Di nga." Ngumiti lang ako. "Hindi kasi siya pala-social media. Sure ka?" Tumango ako.

Hindi ko naman masasabi na ibang account naman kasi yun. Perdix talaga real name niya. Kahit nasa university kami kilala siya. Tiningnan ko ang Twitter account ni Perdix maging ang Instagram niya. Kaunti lang ang post sa IG niya pero hindi ito nakaprivate. Sa Twitter talaga siya maingay, pareho rin marami ang followers.

Matapos ang klase ay lumabas na kaagad ako ng room at kaagad na itenext ko ang kuya ko. Nadatnan ko si Perdix na naghihintay sa labas ng school namin. Lumapit siya sa akin ng makita ako na papalabas na.

"What are you doing here?" I asked.

"Duh! Invited kaya ako ng kuya mo." Nakilala na kasi niya ang mga kuya ko. Nalaman ko rin na magkakilala pala sila ni kuya Aidan. "Tara na. Si Aidan daw susundo sa atin." Tumango lang ako saka sabay na kami naglakad.

Sa nangyari ngayon tiyak na tatanungin na naman ako ng mga blockmates ko tomorrow. Bakit ba kasi kilala itong si Perdix sa university na ito?

"Bebs, may tanong ako," sabi ko habang nasa hallway na kami. "Bakit kilala ka nila? I mean sa lawak ng university kilala ka."

He chuckled.

"Alam mo naman. Iniisip ata nilang ideal man ako." Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso ako. Aware ka naman sa mga fictional character, feeling nila ako yung living character na iyon."

"Ang kapal mo," sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya.

"Hindi ah. Totoo sinasabi ko. Kaya nga hindi ko inilalabas ang identity ko. Baka hindi na ako makapasok ng walang bodyguards." This time natawa na talaga ako. "Ang sama mo sa akin, Bebs. Hindi lang yung boyfriend mo ang ideal ng mga readers noh. Nag-eexist din ako." Umiling-iling na lang ako sa pinagsasasabi niya.

"Ano ginagawa mo rito? Wala kang klase?" Pag-iiba ko ng usapan. "Kanina akala ko pauwi na kayo. Saan ka pa nagsususuot?"

"Naggroup study kami. May binisita lang kami sa may malapit. Tapos nagtext kapatid mo kaya hinintay na kita total tapos na klase ko."

Hinintay namin si kuya habang kumakain ng street food. Buti na lang daw at hindi dala ni Perdix sasakyan niya. Medyo natagalan pa si kuya kasi traffic daw. Mauuna na si kuya Ace sa place kaya kami na lang ang sinundo ni kuya.

Pumunta kami ng Katipunan para magsamgyup. They also ordered some beers kaya naman syempre inom-inom din pag may time. Pwede raw ako uminom pero bawal malasing.

Nang makita ko na tumatawag si Worth ay matamlay ko itong sinagot. After 5 days naalala niya ulit tumawag. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

[Hi, Neng. Sorry nga lang ako nagkatime. Busy sa plates. First week pa lang pagod na ako. May sasabihin pala ako. Kailangan ko sabihin kahit through call kapag hindi na tayo busy both.]

Wala na akong ibang naririnig sa kaniya kundi ang salitang busy. Bago naman ako umalis ayos naman kami. Ayos na ayos pa kami noong last date namin pero habang tumatagal palabo na ng palabo ang relasyon namin.

"Busy din naman ako."

[Ba't ang ingay? Where are you?]

"Lumabas kami nina kuya."

[Kaka-story pa lang ng kuya mo ngayon. Who's that guy beside you?] Sumenyas ako kina kuya na lalabas lang ako saglit.

"A friend," sabi ko habang palabas ako.

[Wala ka bang babaeng kaibigan? Mas mabuti kasi kung babae ang kasama mo.]

Bigla akong nainis sa tono ng pananalita niya. Nang makalabas ako ay pinilit kong maging mahinahon. Ba't siya ganyan eh siya nga one of the girls.

"Wala pa. Bakit masama ba na lalaki ang kasama ko? Nandito naman ang mga kapatid ko."

[Hindi yun, Aishe. May boyfriend kang tao. Palibhasa malayo ka sa akin gusto mo na gawin lahat ng gusto mo.]

"I don't care. Walang meron sa amin. Kasama ko ang mga kuya ko at kaibigan ko ang tinutukoy mo. Matagal na so huwag mo ako pagsalitaan ng ganiyan kasi wala akong ginagawang masama." Kaagad ko siyang pinatayan ng telepono.

Nang makabalik ako sa loob ay nagkakasiyahan na sila. Buti na lang at hindi na sila nag-usisa pa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Worth. Nagawa niyang mapansin ang IG story ng kuya ko pero hindi niya ako mabigyan ng oras kahit na itext man lang sa isang araw.

Fine. Ako na itong overreacting. Hindi ko alam ang nangyayari kay Ally. Sa last chat niya hindi na naulit yun. Hindi ko alam kung related ba iyon kay Worth. Gusto ko umuwi pero hindi ko magawa kasi mas uunahin ko ang pag-aaral ko. Sa pag-uwi ko aalamin ko ang mga nangyayari at nangyari bago pa man ako umalis ulit kahit na sa December ko pa talaga iyon magagawa.

Bakit ba ang big deal kapag mga lalaki ang kasama naming mga babae? They are my brothers and I am with my friends so what? Ano naman. Bakit ba ang iissue, napakatoxic ng mga tao ngayon?

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now