KABANATA 9

28 5 1
                                    

Umalis sina Ally sa kanila dahil nga sa semestrial break na. Sina Worth ay wala rin kasi umuwi sila sa probinsya ng lola nila. Ang iba naman ay team bahay lang daw at wala naman ibang gagawin. Ako rumaraket dito sa isang tindahan ng phone. Bantay lang naman ako kapag may bumibili at kanang kamay ni kuya Jeff na isa sa kamag-anak ko sa mother side.



"Bibili lang ako ng pagkain, ikaw na muna bahala rito."


"Opo, babalik lang na kayo kaagad?" I asked.


"Oo kapag may nag-paayos sabihin ko babalik din ako kaagad."


I nodded.


"Okay."



Nakaupo lang ako sa isang high chair. Nakatingin sa bawat dumadaan habang nakapangalumbaba. Pang-libro ko lang naman ang s'weldo ko rito para madagdagan na ulit yun.


"Pagpaayos ng phone."


"Ay!" Napaayos ako ng upo. "Upo muna kayo, pabalik na rin naman yun si kuya "


"Hindi ba magtatagal?" he asked. Kaagad naman akong umiling. "Upo muna tayo rito," sabi niya sa dalawang babaeng kasama niya.


"Bumili lang naman yun ng pagkain. Mabilis lang yun."


Pasimple ko silang pinagmamasdan, ang cute nila. Pinagkakaisahan siya ng dalawang babae na kasama niya.


"Yaks! Kakaumay naman banat mo diyan," rinig kong sabi ng isa.


"Kadiri ka amp," sabi naman ng isa.


"Supportahan niyo na lang ako. Kayo nga nagjowa pinakelaman ko ba kayo? Isa lang naman pakiusap ko sa inyo eh, yung magsasabi kayo pag may problema kayo diyan sa mga jowa niyo at ako talaga reresbak."


Napalingon ako sa kabilang banda saka napangiti. Minsan talaga hindi na rin masama magkaboy bestfriend.


Ang sweet naman, chick boy with the heart.



Buti na lang ay kaagad din naman na bumalik si kuya. Bumili nga talaga siya ng lunch. Binilhan niya rin ako kaya sana all naalala.



"Kumain ka na muna."


"Maya na, kuya. Sabay na lang tayo."


Nakatanganga ako sa kanila habang nag-uusap sila. Minsan nakikipagbiruan na rin ang dalawang babae kay kuya at maging yung lalaki kaya natatawa na lang ako.

Ito lang naman ang ginagawa ko rito, bantay, kain, nganga. Hindi naman madalas ang costumer.


Inabot na ako ng antok hindi pa rin tapos si kuya Jeff sa pag-aayos ng phone ni kuyang pogi dahil sa dami ng damage.


/*Phone vibrate

Ally;

Can I call? Are you busy?


Me;

Go, tawag ka na.

Tumawag din naman kaagad siya. Hindi naman ako mapapagalitan kasi si Ally naman kausap ko.


[Bored na bored na ako rito. Wala namam ako kaclose at wala akong makaclose.]


"Nandiyan naman kuya mo at si Cally ah," sabi ko. Halata kasi sa boses niya na uwing-uwi na talaga siya.


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now