CHAPTER THREE:

64 5 0
                                    

Hindi nga talaga siya umuwi kagabi, siguro nga dahil sa nasabi ko. Nakonsensya naman ako pero yun naman kasi talaga ang totoo.

Naghanda na nga muna ako ng almusal, tinabihan ko na rin siya ng almusal sakaling umuwi siya. Ang kotse ko na rin ang ginamit ko papunta sa hospital, wala talaga sana akong balak pumasok ngayon, dahil nga marami akong kailangang tapusin pero dahil wala rin naman si Eldon dito ay napag-isipan ko nalang na pumasok.

"Good morning po Dra." saad ni manong guard.
"Good morning din po." sagot ko.
"Wala po atang naghatid sainyo?" tanong niya. Grabe naman kalat na agad kahapon lang naman ako nagpahatid.
"Wala po." sagot ko at ngumiti ng alanganin. Nag log in nako sa log book. Pagkatapos ay nagtungo nako sa locker at kinuha ko na nga ang roba ko.

"Magandang umaga Dra. mukhanag hindi maganda ang timpla mo ngayon ah. Hindi kaba nadiligan?" pabirong saad ni Emelly.
"Nako tigilan mo nga ako umagang-umaga sayo."saad ko.
"Mukhang hindi kayo okay ng bebe mo ah. Ang init ng ulo mo, hindi ka talaga na diligan kagabi eh."binato ko siya ng hawak kung bimpo ko. "Baliw to."saad ko.

Hanggang nga sapagdating nila Dave, Ate Mergie at Kuya Marco. Inasar nila ako dahil nga iba ang timpla ko ngayon. Hinayaan ko nalang sila at tinutok ko nalang sa trabaho ang atensyon ko. Ganon din naman sila naging busy na rin, kaya lang pag nagkakasalubong kami sa ward ay inaasar talaga nila ako. Napapailing nalang ako at napapangiti. Mga loko-loko talaga.

Pag wala akong pasyente ay tinitignan ko ang cellphone ko kung merong text ba si Eldon. Isa rin tong lalaking to, kagabi pako pinag-aalala. Umuwi na kaya yun? Sayang ng niluto ko baka mapanis yun.

"Doc. sa Room 3." saad ng isang nurse saakin. Tumango lang ako at nginitian siya.

Sa trabaho nalang ako magfo-focus, isantabi ko muna pag-iisip ko kay Eldon. Lagot yun saakin. Pero kasalanan ko naman. Dapat sa susunod ingatan ko na mga sasabihin ko, dapat ay hindi ako padalos-dalos.

(ELDON POV)

Nandito ako ngayon sa baraks dahil tinawagan ako ng superior namin. Mukhang balik nako sa trabaho. Hindi nako dumaan sa apartment namin ni Khie dahil nga nagmamadali nako. May hangover pako kaya uminom nalang ako ng gamot. Pag alis ko kagabi, dumeretso ako sa bar ng pinsan ko. Dun na rin ako nakatulog sa private room namin magpipinsan. Patingin-tingi ako sa cellphone ko kung may message ba si Khie. Pero hanggang sa makarating ako sa baraks ay wala akong natanggap.

"SALUTE."
"Salute."pakgkatapos ay binaba na nila ang pagkakasaludo.
"Hinihintay po kayo ni Commander sa  head quarter, Captain."tumango lang ako at tinapik ang braso niya. Pumunta na nga ako sa HQ, kumatok muna ako bago pumasok.

"Salute."saad ko, sinenyasan naman akong ibaba na ang kamay ko. Nanatili akong nakatayo.
"Alam mo naman siguro kaya kita pinatawag dito, hindi ba?"saad ng comando. Tumango ako. "Nais kitang idestino sa Marawi, kasama ang Delta Team. Mananatili kayo ng matagal doon, kakatapos lang sa guerra doon kaya maraming mga armas pang digma ang mga naiwan at delikado yun sa mga tao roon lalo na sa mga bata. Magpaalam na, bibigyan ko kayo ng isang oras para maghanda at gawin ang dapat niyong gawin." saad ng comando . Nagsaludo nako bago lumabas sa HQ.

Nagtungo nako sa Team ko, naabutan ko nga silang naglalaro ng uno cards. Nagulat pa ang dalawa at dali-dalng binato sa gilid ang cards, habang ang dalawa naman ay may sariling mundo pero agad din naman napatayo ng makita ako.

"Salute!"tarantang saad nila. Napailing nalang ako.
"At east."

"Gago kala namin ang superior na. Kinabahan pako."saad naman ni Colt. Binatukan nga siya ni Sebastian.
"Tigilan mo na nga kasi ang pagkape, magugulatin kana."saad ni Sebastian. Ang dalawang to ang pinaka makulit sa team namin.
"Pareho lang naman kayo nagulat." sabi naman ni Levi, siya naman ang pinaka seryoso saaming lima. Nagpalit na nga ako ng damit ko tumabi naman saakin si Lucio.  Tinignan ko siya.
"Bakit?" tanong ko. Umiling ito saka bahagyang ngumiti. Parang tanga naman nito.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon