CHAPTER SIXTEEN

160 12 3
                                    

(ELDON POV)

Hindi ako makatulog kagabi kakaisip kung paano ko nga ba sakanya sisimulan ang paliwanag ko. Alam ko naman na kasalanan ko, pero hindi niya ba nabasa ang email ni mama sakanya?

Nasa office ako ngayon, may pinuntahan kasi sila mom kaya naman ako na muna ang inutusan nilang pumunta rito sa office. Mamayang dinner ang napag-usapan namin ni Khie, dahil yun din ang oras ng labas niya sa hospital.

"Ang tagal ng oras."saad ko, bumukas naman ang pinto at pumasok dito ang secretary, agad namang napaangat ang ang kilay ko dahil sa suot niya. Ang alam ko may rules dito dahil ayaw na ayaw ni mama na masyadong showy ang mga suot ng empleyado niya lalo na sa babae.

"Sir, this is the paper that you need to sign in."saad niya, mahahalata mo sa boses niya na iba ang pahiwatig nito. Please god, ayokong magkasala sa asawa ko, dahil paniguradong matutuluyan na akong mamamatay.

"Thank you."saad ko, hindi na siya tinapunan ng tingin at nagtipa nalang ako sa laptop ko. Pero agad din namang uminit ang ulo ko ng hawakan nito ang braso ko.

"Ayaw mo bang magpahinga?"tanong nito habang hinahaplos ang braso ko.

"Don't fvking touch me. Kung ayaw mong baliin ko yang kamay mo. Now leave."malamig na saad ko habang tinitignan siya ng masama. Para naman itong napaso na agad namang inalis ang kamay niya, makikita mo ang takot sa mga mata niya, but I don't care. I don't like her acts, it's fvcking annoying. Dali-dali namang itong naglakad papalabas, pero bago pa man siya makalabas ay nagsalita ulit ako. "And by the way, pack your things. I don't want to see your face. You're fired."magsasalita pa sana siya pero walang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya kaya naman napayuko siya at lumabas na. Tsk, kaya ayaw ko mag business eh.

Tinawagan ko naman si Lucio saka ko pinapunta rito, wala na kasi akong sekretarya kaya naman siya nalang ang iistorbohin ko, tutal may alam naman siya sa business eh. Pagkarating ka niya, hindi pa nga siya nakakaupo ay agad ko siyang inutusan.

"Here, help me to finish it. I have an appointment later with my mom's business partner."saad ko, habang binigay sa kanya ang mga papeles.

"Grabe, paupuin mo naman muna ako pare. Inalok mo sana muna ako ng maiinom."saad nito kaya naman tinawanan ko nalang siya at bumalik na sa table. "Asan ba sekretarya mo't saakin mo pinagawa to?"tanong niya.

"Sinesante ko."saad ko habang nakatutok sa laptop ko. "Ang landi kasi, magkakasala pako sa asawa ko."saad ko pa.

"Tsnga, matagal ka ng may kasalanan."saad naman nito, kaya naman binato ko siya ng ballpen na katabi ng laptop ko. Tinawanan niya lang ako.

"Kamusta, nag-kausap naba kayo?"tanong niya, umiling lang ako. "Kung ako asawa mo, hindi na kita kakausapin."pabirong saad niya, kaya naman ang ang tasang wala ng laman ang binato ko sa kanya, mabuti nalang ay nasalo niya.

"Hindi ikaw ang asawa ko, tapusin muna yan."saad ko, pero ang loko pinagtawanan lang ako.

Tinapos na nga namin ang mga kailangang gawin, tambak din ang mga papeles. Gabi na ng matapos kami ni Lucio, siguro kung ako lang ang gumawa ay paniguradong bukas pako matatapos, may mga papeles pa kasing hindi natitignan nila mama, kaya naman natambakan kami.

Hindi ko na nga napansin ang oras, kanina pa ang out ni Khie. Kaya naman dali-dali kung kinuha ang coat ko pati ang susi ng kotse ko, papalabas na sana ako ng maalala kung may kasama pala ako. Pagtingin ko nga kay Lucio halatang nagulat siya sa pagmamadali ko.

"Kailangan ko ng umalis, late nako sa usapan namin ng asawa ko."nakuha naman agad ni Lucio ang ibig kung sabihin kaya naman tumango nalang siya. "Salamat, dre."saad ko.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon