CHAPTER FOURTEEN

176 11 2
                                    

(KHIERINE POV)

Pagkatapos nga namin magbreakfast kila kuya, hinatid na kami nito sa apartment. Nagpaalam naman kaagad si kuya, dahil papasok na rin siya sa trabaho niya.

Naglalaro nga si Elyse sa sala, habang naglilinis naman ako. Pagkatapos ko nga maglinis ay nagpasya nakong magluto na ng makakain para sa lunch namin ng anak ko.

"What do you want for lunch, baby?"tanong ko sa anak ko, paubos na rin pala ang mga stock namin, kailangan na mag-groceries.

"I want sinigang na fish, mommy."sagot naman ng anak ko, napangiti naman ako. Sinigang ang paborito niya, kaya naman agad nako naghanda para sa pagluto.

"Mag-groceries tayo baby after we eat lunch."saad ko habang nagluluto, lumapit naman siya saakin, yakap niya parin ang stuff toy niya,  tumango naman siya at ngumiti.

"Can you teach me how to cook sinigang, mommy?"tanong ng anak ko. Napangiti naman ako at hinila ang isang upuan na malapit sa mesa.

"Sure, baby."saad ko at binuhat siya at pinatayo sa upuan para makita niya ang ginagawa ko.

Tinuruan ko nga siya kung paano magluto ng sinigang, tuwang-tuwa naman siya dahil napakasaya raw pala magluto.

"Mommy, hindi po ba madudurog ang fish? Kasi the water is boiling."tanong niya, natawa naman ako.

"No, baby. Mas madali maluto ang fish pagmaskumukulo ang tubig ok?"saad ko, tumango-tango naman siya. "Now put the veges, careful."saad ko pa, inalalayan ko lang ang paglagay niya.

"Ang bango ng smell, mommy."saad ng anak ko.

Pagkatapos nga naming magluto ay kumain na kami. Tuwang-tuwa naman siya dahil ang sarap daw, gusto niya raw ulit magluto sa susunod.

"Baby, I have to work tomorrow. Dada and Moma will be your babysitter, don't be pasaway ok?"saad ko sa anak ko habang nag-aayos ako ng pinagkainan namin at siya naman ay nakaupo. Napabusangot naman siya kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan ang pisngi niya. "I have to work, for you baby. Don't be sad na, let's buy chocolate nalang pag-groceries natin."saad ko, agad naman siyang ngumiti at niyakap ako. "I love you, baby."

"I love you too, mommy."

Nasa grocery store na kami, nakasakay naman sa cart si Elyse para hindi siya mapagod at para na rin alam kung hindi siya mawawala sa paningin ko. Inuna ko na nga muna ng meat section, sunod ang mga canned goods. Sinunod ko naman ang mga section kung saan nakalagay ang ibang kakailanganin namin ng anak ko, nang makalapit nga kami sa may mga chocolates ay binaba ko na si Elyse.

"Go pick any chocolates you want and after that comeback here to our cart, may nakalimutan lang si mommy dun sa may kabilang section, don't leave after you get your chocolate, ok?"saad ko sa anak ko.

"Okay, mommy."agad naman siyang tumakbo papunta sa may mga chocolate, kaya naman dali-dali kung binalikan ang nakalimutan kong bilihin sa isang section.

Pagkatapos ko nga kunin ang nakalimutan ko ay agad nakong bumalik baka napano na ang anak ko. Pagkabalik ko nga roon nakita kung may kausap ang anak kung lalaki, nakatalikod ito saakin kaya hindi ko makita ang mukha kaya naman agad akong lumapit.

"Where's your mom, kiddo."saad ng lalaki, diko alam pero iba ang kaba nanararamdaman ko. Nang makita nga ako ng anak ko ay agad naman ako nitong tinawag.

"Mommy!"tawag ng anak ko saakin habang tumakbo papalapit saakin, may hawak itong isang chocolate sa isang kamay habang sa isa naman ay ang stuff toy niya. Agad ko namang binuhat ang anak ko.

"Are you okay?"tanong ko sa anak ko, at tinignan siya ng maigi, nang makita kung maayos lang siya, at nang hinarap ko ang lalaki at magpapasalamat sana.

"Thank y---"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat na pati rin siya ay nagulat. No! Nananaginip ba ako? Totoo ba itong nakaharapan ko? Siya ba talaga ito? O nahihibang lang ako?

"E... Eldon?"
"Khierine."

Sabay na saad naming saad. Naguguluhan ako, hindi ba't patay na siya? Limang taon nga akong nangungulila sa pagkamatay niya. Sa sobrang pagkagulat ay agad akong lumabas, hindi ko na nabili ang mga pinang-groceries ko, dali-dali akong nagpunta sa may kahera at pinapunch nalang ang chocolate na hawak-hawak ng anak ko, pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng grocery store at pumunta na sa parking lot. Agad kung sinakay ang anak ko sa backseat, at hindi ko inaasahan na sinundan niya pala kami. No! Matagal na siyang patay, matagal ng patay ang asawa ko.

Papasok na sana ako sa kotse ko, nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko. Naramdaman ko ang paghawak niya, kaya hindi ako nananaginip lang. No! It's freaking me out.

"Khie, wait."pigil niya saakin, hindi ko siya hinarap nakahawak parin siya sa braso ko, kaya naman napabuntong hininga ako saka ko inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Please, let me breathe and think about what's going on."saad ko at pumasok na sa kotse ko agad kung pinaandar ang kotse ko papalayo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Mommy. Are you okay?"tanong ng anak ko, kaya naman agad kung pinunasan ang luha ko. "Why are you crying?"tanong pa ng anak ko.

"I'm sorry, mommy's fine. Don't mind me, go eat your chocolate na."saad ko sa kanya.

Hindi ko alam kung uuwi bako sa apartment namin o hindi. Dumeretso ako papunta kila kuya. Pagkarating ko roon ay nagulat si kuya, mas lalo pa siyang nag-alala ng makita akong balihasa at may mga ilang butil pa ng luha.

"What's wrong?"tanong agad saakin ni kuya, inakay naman niya kami papasok ng bahay nila.

Dinala niya muna sa play room si Elyse, habang nasa sala naman ako nakaupo, gusto pang tumulo ng luha ko. Binigyan ako ng tubig ni kuya, bago tinawa siya ate. Nang makita nga ako ni ate ay agad na binalot ng pag-alala ang mukha niya at dali-daling lumapit saakin saka ako tinabihan sa sofa, habang si kuya naman na  harapan namin.

"What's wrong? What happened to you?"nag-aalalang tanong saakin ni ate. WAlang lumabas na salita sa bibig ko at agad ko siyang inayakap at napahagulhol.

"I'm going to watch na kids, maiwan ko muna kayong dalawa."narinig kung saad ni kuya.

"Hey, it's okay. You can tell me what's happening."saad naman ni ate habang inaakay ang likuran ko.

"H.. He's a... alive."nahihirapang saad ko. "Eldon is alive."

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now