CHAPTER TWELVE

129 6 1
                                    

(THIRD PERSON POV)

Sa digmaang nagaganap ay halos pagsabog at salitan ng putukan ng baril ang naririnig sa paligid, mga seryosong mukha ng mga magigiting na sundalo, ngunit sa likod nito ang nakatagong pangamba, dahil kapalit ng mga buhay nila ay ang kalayaan ng bayan. Dama nila ang takot para sa sarili, dahil sa oras na nakasabak sila sa isang madugong misyon ay alam nilang hindi nila hawak ang kanilang sariling buhay. Maraming naiiwang pamilya at kailangang iwan na pamilya para lang sa kalayaang ng isang katauhan o kalayaan ng isang lipunan. Kahit na kapalit nito ang sarili nilang buhay ay handa nila itong gawin sa kabila ng takot at tapang upang harapin ang mga bagay na mahirap gawin.

Maraming sundalo ang nalagas ganon din sa mga kalaban ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga kalaban, patuloy pa rin sila sa digmaan para masakop ang bayan ng Tarlac. Maraming nabuwis at nagbuwis buhay para hindi tuluyang masakop ang bayan ng Tarlac.

Mag-uumaga na ngunit patuloy parin ang pasabog at putukan ng baril, walang maayos na tulog, maraming sugatang sundalo, ngunit marami rin ang namatay. Nakakausad na ang mga sundalo, napapaatras naman ang mga kalaban, ngunit hindi pa rin sumusuko. Hindi pa rin nagpapakita ang leader ng mga sendikato kaya hindi parin matapos tapos ang labanan,

Sa unti-unti nilang pag-usad ay nakakapagpahinga sila. Hinati ang mga sundalo sa dalawang grupo, ang unang grupo ang unang uusad habang ang pangalawang grupo naman ang titigil para makapagpahinga. Ang unang grupo ay ang mga kaya pang lumaban, habang ang pangalawang grupo naman ay ang mga sugatan na kailangan magamot at makapagpahinga. Kaunti nalang din ang kanilang mga bala at bomba, kailangan din nila magcomtact sa HQ para madalhan sila ng mga gamit at medical kit.

"Captain, magpaiwan na kayo rito. Kailangan niyong magpahinga muna." saad ng binatang si Sebastian sa kapitan nila.

"Kaya ko pa, hindi ko kayo maaaring hayaan umusad. Kaunti lang din ang unang grupo, kaya sasama pa rin ako."saad ng kapitan na si Eldon.

"Marami na ang mga sugat mo. May tama ka rin kanina ng bala, magpahinga ka muna." saad naman ni Levi.

"Kaya ko pa, wag kayong mag-alala. Malayo ito sa bituka."saad ng binata. Pagkatapos ay naghanda na ito para umusad na, walang nagawa ang kasamahan niya dahil siya rin ang kapitan ng grupo. Alam nilang may katigasan ang ulo ng kapitan nila.

Nakausad na nga sila at sumasabak na sila sa gyera. Kahit na pagod ang katawan ay lumaban pa rin sila.

Lilipat sana ng posisyon si Eldon ngunit may isang putok na nang galing sa malayo, mabuti na lamang ay agad siyang nakatago sa isang malaking bato.
"Wag kayong padalos-dalos! May sniper na nakaabang!"sigaw ng binata sapat na para marinig ng lahat ng kasamahan niya. "This is Alpha speaking, nasa posisyon kana ba, Snoopy? Over."tanong ng kapitan mula sa radyo.

["Snoopy speaking, nasa posisyon na."]

"Wolf, Tiger cover me. Magpapaunahan ako. Snoopy, abangan mo kung saang derekyon nang gagaling ang sniper, ikaw na ang bahala."saad ng binata.

["Copy that, captain."]sagot ng tatlo.

Agad namang tumakbo ang binata, ang dalawa naman ang nagsasalitan ng pagpaputok hanggang sa makapaunahan na nga ang kanilang kapitan. Nagpaputok naman ang sniper ng kalaban patungo sa tinataguan ng kanilang kapitan, kaya naman nakita ito ni Snoopy at pinaputukan din ito. Hindi alam ng kalaban na mayroon din silang sniper.

["Bagsak na ang sniper nila. Over."]saad ng binata.

Nagpatuloy lang sila sa pakikipagpalitan ng putok ng baril at pagpapasabog, yun lang ang ginawa nila at paunti-unting umuusad.


3 WEEKS LATER

"Malapit na tayo sa pinakadulo, kaunti nalang din ang mga kalaban."saad ng binatang si Eldon. "Lumabas na rin ang leader nila. Humihina na ang bilang ng mga sendikato, mananalo na tayo!"saad niya sa mga kasamahang sundalo. "Kaunting tiis nalang."

Patuloy silang umuusad at hindi alam ang mga susunod na mga mangyayare, ang nasa isip lang nila ay matapos na ang digmaan.

Malapit na sila sa pinakalugar ng mga sendikato, kaya naman humihina na ang bilang ng mga kalaban dahil kaunti nalang sila at malapit na sila sa lungga nila.
Puro pa rin palitan ng putok ng baril ang mga ginagawa nila, dahil ayaw pang sumuko ng mga kalaban. Hanggang sa tuluyan na nga silang makalapit sa lungga ng mga kalaban, bago nila ito tuluyang pasukin ay maraming ang bantay sa labas ng hideout nila, sabay-sabay nilang pinaputukan ito at pinasok ang hideout ng sendikato. Isa itong abandunadong pagawaan ng mga makina, napaka lawak kaya naman pinasok nila ito at hinaloghog.

Dahil nga hindi nila kabisado ang loob ng hideout ay hiwalay-hiwalay sila. Magkasama ang dalawa si Eldon at Lucio at may kasama silang apat pa na sundalo ay sila ang pumunta sa may taas, habang ang tatlo naman ay sa may likuran, ang ibang sundalo naman ay nilibot ang loob.

Nilibot nila ang itaas at tinignan paisa-isa ang mga silid, ng makita nga nila na wala ng mga tao roon ay naisip nilang bago tumakas na ang mga sendikato kasama ang leader nito.

"Clear, Capta---"
"Lucio!" gulat na sigaw ni Eldon at dali-daling hinatak at niyakap ang binata para protektahan ito, sabay ang sunod-sunod ng putok ng baril ay doon din ang dahan-dahang pagbagsak ng katawan ni Eldon, agad na niyakap ni Lucio si Eldon at lumapit na rin ang ibang sundalo. Nabaril na rin ang isang binatang bumaril kay Lucio ngunit si Eldon ang sumalo.

Rinig ang putok na nang galing sa itaas mula sa baba, kaya naman dali-daling umakyat ang tatlo paitaas.

(ELDON POV)

Nang makita ko ang isang lalaki mula sa likod ni Lucio ay agad akong tumakbo ng itutok nito ang baril kay Lucio. Kusang gumalaw ang katawan ko at niyakap ko si Lucio. Sabay ng pagputok ng baril, ganon ko rin naramdaman ang hapdi na tumama sa likuran ko at dahan-dahan akong nawawalan ng balanse.

Habol hininga ang nagawa ko napara bang mawawalan ako ng hininga, nakahiga ako habang nakaunan sa mga hita ni Lucio, nakikita ko siyang nagsasalita ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napakahina at napakalabong maintindihan. Napaubo ako at doon ko lang narinig ang sinasabi niya, nakita ko rin ang tatlo na nakapalibot na saakin.

"Captain! Naririnig mo ba ako?"tanong ni Lucio. Gusto kung sumagot ngunit walang salita na lumalabas sa labi ko.

"Captain, wag kang matutulog pakiusap! Wag mong isasara ang iyong mata!"saad naman ni Sebastian, napatingin ako sa kanila, nakikita kung unti-unti ng tumutulo ang mga luha nila. Gusto ko silang matukan dahil umiiyak na sila, ngunit hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Ngumiti ako at tinignan sila

Lumalabo na rin ang paningin ko, nakakaramdam na rin ako ng antok parang gusto ko ng isara ang mga mata ko.

"Pre, wag ka munang matutulog, idadala ka namin sa medic!"saad naman ni Colt, kahit na hindi ko tignan ay kilala ko ang boses nila.

"Naghihintay ang asawa mo sayo, pakiusap wag ka munang matutulog."saad naman ni Levi.

Naramdaman ko nalang na parang binuhat ako, at mabilis ang mga pag galaw nila. Habang nakapikit ang mga ko ay lumitaw naman ang pigura ng mukha ng asawa ko, ang napakaganda niyang ngiti ang nakikita ko. Naramdaman ko nalang nadumidilim na ang paligid ko.

"A...ang a..asawa ko."huling saad ko.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now