CHAPTER SEVEN

76 5 1
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas ng mapadala ako sa isang medical mission, marami na ring kaming natulungan halos lahat ng bayan sa Tarlac ay nakapatupad kami ng libreng pagkukunsolta. Lahat ng pagod ay worth it din dahil marami naman kaming natulungan, ngunit sa tatlong buwan na yun ay hindi nagkakausap ni Eldon. Palagi akong nag iiwan ng mensahe sa kanya ngunit wala akong natatanggap na mensahe galing sa kanya. Ayokong mag-isip ng kahit na ano, alam ko naman na nasa misyon siya kaya naman kahit na nag-aalala na ako ay palaging positibo parin ang iniisip ko. Sana naman ay nasa maayos siyang kalagayan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"tanong ni ate Mergie. Napatingin naman ako sa kanya, ngumiti lang ako.
"Tapos na ba kayo?"tanong ko sa kanya para maiwasan ang tanong niya. Tumango lang ito at tumabi saakin.
"Hindi kaba nilalamig? Malamig dito sa labas, gabi na rin."saad niya.
"Paano kung isang araw hindi na nagparamdam ang taong mahal mo sayo?"tanong ko kay ate Mergie.
"Iisipin ko nalang na busy sa trabaho?"patanong na sagot ni ate Mergie. "Wag ka nga mag-isip ng ganyan. Baka busy lang ang asawa mo, alam mo ang trabaho niya. Mahirap man ay kailangan mong magtiwala sa asawa mo. Wag kang mag-alala sigurado naman akong babalik yun, ang isipin mo nalang ngayon ay kung paano ka mag-papaliwanag sa magulang mo. Nalaman nilang kasal kana, nasabi saakin ni tita na hindi mo raw sinasagot ang tawag nila. Ikaw talaga mababatukan kita."napakamot nalang ako sa batok ko, kinabahan tuloy ako. Kasi naman, nahihiya ako magsabi.
"Balak ko naman talaga sabihin pag-uwi ko. Natatakot lang ako sagutin tawag nila dahil alam kung lagot ako."saad ko, kaya naman binatukan ako ni ate, napakamot nalang ako sa batok ko at napabusangot.
"Baliw, bukas tawagan mo sila. Hinihintay nila ang tawag mo, nag-aalala din sayo yun. Nagpaalam kalang daw sa kanila tapos minsan kalang daw mag iwan ng mensahe, ikaw talagang bata ka."saad ni ate, ngumiti lang ako. Gising pa kaya sila? Pag alis nga ni ate ay napag isipan kung ngayon nalang sila tawagan. Galit kaya sila saakin? Hays kabaliwan kasi, yan inom pa nagkaasawa ka tuloy ng maaga, mukhang maaga din akong mabobyuda, wag naman sana.

["Buti naman at tumawag ka saamin."]bungad ni papa, sa tawag ko kaya naman napakamot nalang ako.
"Sorry po, natakot lang naman po akong magsabi sainyo, pero balak ko rin naman po talagang sabihin pag nakauwi nako, pasensya na po."saad ko at napayoko, naiiyak nako kaya lang makikita nila kaya yumuko nalang ako.
["Ano kaba naman anak, magulang mo kami, maiintindihan ka naman namin. Nasa tamang gulang kana rin naman."]saad naman ni mama kaya hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tumango-tango nalang ako habang umiiyak.
"Pasensya na po."saad ko.
["Kamusta ka naman? Baka pinapabayaan mo riyan ang sarili mo? Kumakain kaba sa tamang oras? Ang hilig mo pa naman magpalipas, baka puro ka trabaho at napapabayaan muna ang sarili mo."]saad naman ni mama.
"Maayos lang po ako rito mama, hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko, hindi naman po ako pinapabayaan ni ate Mergie, kaya po wag kayong mag-alala."sagot ko naman.
["Kamusta naman ang buhay may asawa? Mabait naman ba ang asawa mo? Kailan mo siya ipapakilala saamin?"]tanong ni papa.
"Ahm, pareho po kaming busy sa trabaho, mabait naman po siya. Isa po siyang sundalo, nasa isang misyon po sila ngayon kaya po pag hindi na kami parehong busy sa trabaho ay ipapakilala ko po siya sainyo."saad ko at ngumiti. "Kamusta po kayo dyan? Baka po hindi niyo iniinom ang bitamina niyo?"tanong ko.
["Hindi naman namin nakakaligtaan."]sagot ni mama, tumango lang ako. ["Sige na anak, magpahinga kana rin. Kailan ba matatapos ang medical mission niyo?"]tanong ni mama.
"Isang buwan nalang po matatapos na rin."sagot ko. "Magpahinga na rin po kayo anong oras na rin po. Pasensya na po ulit."saad ko pa. Ngumiti naman sila at nagpaalam na. Nakahinga naman ako ng maluwag kala ko ay magagalit sila.

Napatingin nalang ako sa kalangitan at napabuntong hininga.
"Kamusta kana kaya? Maayos kalang ba?"tanong ko habang nakatingin sa mga bituin.
Maya-maya nga ay pumasok nako dahil nilalamig na rin ako matagal na rin akong nakatambay sa labas. Matagal bago ako makatulog, dahil nga sa mga bumabagabag saakin.

Kinaumagahan pagkagising ko ay parang ang bigat ng pakiramdam ko, dahil hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga iniisip kagabi. Uminom muna ako ng gamot bago kami umalis, ang gagawin namin ngayon ay pupunta sa paaralan. Nag request kasi ang principal ng paaralan sa elementarya para sa kalinisan ng mga kabataan, magtuturo at magchecheck kami sa mga bata. Kaya kahit na masama ang pakiramdam ko ay sumama pa rin ako dahil kaunti lang ang mga naiwan, ang ibang kasamahan ko kasi ay nasa ibang bayan.

"Magandang umaga mga bata."bati ko sa kanila, nakatipon-tipon na sila habang nakaupo sa maliliit na silya. Kami ni Emelly sa Kinder,  nakakatuwa dahil hindi sila makukulit. "Ako si Dra. Khierine."pakilala ako. "Ang kasama ko naman ay si nurse Emelly."nagkaway naman si Emelly sa kanila.
"Magandang umaga rin po, Binibini."sabay nilang sad, napangiti naman ako.

Pinaliwanag ko sa kanila ang mga dapat na gawin bago at pagkatapos kumain, tinuruan din namin sila kung paano ang tamang paghuhugas ng kamay.
"Kumakain ba kayo ng mga gulay?"tanong ko, kakatapos ko lang ituro ang tamang paghugas ng kamay. "Itaas nga ang kamay ng kumakain ng gulay."saad ko, maraming tumaas may ibang bata rin na hindi tumaas.
"Alam niyo ba na ang pagkain ng gulay ay maganda sa ating katawan."saad ko. "Kaya dapat lahat tayo kumakain ng gulay."dagdag ko pa.
"Opo."sang-ayon naman nila.

Pagkatapos nga ng kaunting pag-uusap sa mga bata ay chineck ko na ang mga ngipin nila, tinulungan naman ako ni Emelly. Sa kalagitnaan nga ng pagchicheck-up namin ay parang nahihilo nako.
"Ayos lang ba kayo, Dra?"tanong ni Emelly.
"Maayos lang ako."sagot ko at ngumiti, kaunti nalang din naman ang mga bata na hindi pa na check-up matatapos na rin naman.
"Sigurado po kayo? Parang namumutla ka."saad niya pa
"Ok lang ako, iinom nalang ako ng gamot mamaya pagkatapos."saad ko.

Pagkatapos nga namin, ay nagpaalam na kami sa lahat ng mga bata, nagpasalamat naman sila pati na rin ang principal ng paaralan. Pagkatapos nga ay nagpaalam na kami na aaalis na, dahil ang sama na talaga ng pakiramdam ko, pagkaating nga namin sa tent ay agad akong humiga, ang sakit ng ulo ko. Sumunod naman saakin si Emelly at binigyan ako ng gamot.
"Salamat."saad ko. Tumango naman siya at ngumiti.
"Magpahinga kana muna, Dra."saad niya bago lumabas ng tent. Nagpahinga na nga ako at diko na malayan na nakatulog na pala ako.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now