CHAPTER THIRTEEN

128 9 2
                                    

(KHIERINE POV)

[5 YEARS LATER]

Limang taon ang nakalipas simula ng mangyare ang gyera sa Tarlac, isang malagim na nangyare iyon sa buhay ko, hindi ko rin inaasahan na sa trahedyang yun ay dun din pala ako babawian ng isang mahal sa buhay.

Ngunit hindi ko rin alam na sa loob ng tatlong buwang nakasabak sa medical mission ay nagdadalang tao na pala ako, hindi ko alam ang naramdaman ko dahil kung kailan binigyan nga ako ng isang supling ay babawiin din sa akin ang taong mahal ko.

Sa ilang linggong paghihintay ng pagbalik nun ni Eldon mula sa laban ay inaasahan kung makakabalik siya, ngunit hindi na pala.

[FLASHBACK]

Ilang linggo na simula nang magkita kami ni Eldon, nabalitaan ko rin na malapit na nila matalo ang mga sindikato dahil ayon sa ilang pasyente namin na naging kasamahan na nila Eldon sa huling labanan ay malapit na nila mapasok ang hideout nito.

Andito kami sa baraks, kami ang mga nanggagamot sa ,ga sugatang sundalo. Maraming mga sugatan, marami rin ang mga namatay. Nung una ay hindi pa kami sanany sa mga sunod-sunod na sinusugod saaming mga sugatang sundalo, pero di kalaunan ay nasanay na rin kami.

Wala na kaming masyadong naririnig na mga pagsabog, kaya napapaisip ako na baka nagtagumpay na nga sila, at malaya na ulit ang Tarlac sa mga sindikato. Kanina ay may dumaang eroplano patungo iyon sa lugar kung saan ang gyera pero ngayon lang ay dumaan na ito, kala ko nga ay baba rito dahil hindi naman ganon kataas ang lipad nito, makikita mo ang sundalong nakasakay dito, mahahalata mo rin ang punong pag-aalala ng mukha ng sundalong nakasakay doon.

Maya-maya pa ay nakita ko ang mga kasamahan ni Eldon na bagong dating palang, hinanap agad ng mga mata ko si Eldon, nang hindi ko nga ito makita ay lumapit na agad ako sa kanila, baka natatabunan lang siya. Tumakbo akong may malapad na ngiti sa labi dahil bumalik na sila, ngunit agad din nawala ang ngiti ko ng makita ko ang mga mukha nila.

"Asan si Eldon?"nag-aalalang tanong ko kay Lucio, ilang segundo muna akong tinitigan ni Lucio bago ito umiwas ng tingin, yumuko at napailing. "Anong ibig mong sabihin? Anong ibig niyong sabihin?"tanong ko habang tinignan sila isa-isa. Lahat naman sila umiwas ng tingin saakin. Nang makita ko nga ang unti-unti nilang pagluha ay doon ko na nakuha ang ibig nilang sabihin.

Parang nanghina ang mga kalamnan ko at tuhod ko dahil sa balita, napaupo nalang ako at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako

"H.. hindi. H... hindi totoo yan, b... buhay ang a... asawa ko."saad ko habang umiiling at lumuluha, hindi ko namalayan na nakayakap na pala saakin si Emelly. Napahagulhol nalang ako sa sobrang sikip ng dibdib ko, hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nagising akong nasa tent nako at nasa tabi ng higaan ko si Kuya Marco habang nakaupo ito, halatang hinihintay ang pag gising ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong niya saakin, hindi ako kumibo at hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. "Alam kong mahirap tanggapin ang nangyare, ngunit hindi maganda saiyo ang pag-iyak mo."saad niya. "Kailangan mong maging matatag hindi lamang para sa sarili mo, kundi pati na rin sa magiging anak mo."dagdag niya pa, kaya naman gulat na napatingin ako sa kanya. "Apat na buwang buntis kana, kala ko nung chineck-up kita nung una ay false pregnancy lang dahil sumabay ang ulcer mo, pero ngayon ay sigurado nako."patuloy niya sa sinasabi niya. "Andito lang kami, kaya magpakatatag ka. Hindi ka namin papabayaan, kaibigan mo kami. Maaasahan mo kami."

Ngumiti naman ako habang hinawakan ang tyan ko, hindi ko inaasahan na buntis na pala ako. Ilang buwan nakong delay kala ko ay parehas lang nung dalaga pako, dahil hindi normal ang buwanang daloy ko, laging lumalagpas sa buwan. Natutuwa ako ngunit nalulungkot din dahil sa nangyare.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now