CHAPTER FIVE

59 3 0
                                    

Ito na ang araw na aalis kami para sa isang medical mission. Mabuti nalang ay kasama sila kuya Marco at Ate Mergie. Si Dave lang ang naiwan saamin, ngayon ko lang din nalaman na ako pala ang head ng medical mission. Sinabi lang saakin kanina pag karating ko. Tinignan ko ang listahan ng mga kasama sa medical mission, at saaming lima si Dave lang talaga ang hindi nakasama. Hinihintay lang namin ang Bus na sasakyan namin, sariling Bus ng hospital ang sasakyan namin, nauna na kasing ihatid ang iba kanina, bale dalawang bus ang gagamitin namin kaya lang ang sasakyan namin ay na stranded pa. Naghihhintay kami sa labas ng hospital, nagulat naman ako ng kalabitin ako ni ate Mergie, kaya naman nilingon ko siya, nakatingin siya sa likuran ko kaya naman napalingon ako. Pagtingin ko si Prof. papalapit saamin, nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, sumenyas siyang lumapit ako. Alam kung ako ang tinutukoy niya, ayoko sanang lumapit pero dahil nalilito na ang ibang kasama ko kung sino ang tinatawag ni Prof. ay lumapit nako. Pakalapit ko nga, nakatingin saamin ang ibang co-workers ko pati na rin sila Kuya.

"Pwede mo pang matanggap ang alok ko sayo kagabi."saad niya.
"Ganon pa rin po ang sagot ko. Sasama ako sa medical mission."sagot ko at nakita ko naman ang inis niya. Sakto naman na dumating na ang bus, kaya nagpaaalam nako. "Aalis na po ako. Pagbalik ko po  rito pagkatapos ng medical mission, isasampal ko po sainyo ang invitation ng pangalawang kasal namin. Kahit na masisante ako."saad ko.

Pakalapit ko nga sa mga co-workers ko ay inunahan ko na sila magsalita dahil alam ko naman na narinig nila ang usapan namin.
"Bibigyan ko rin kayo ng invitation, pero hindi ko isasampal sainyo."saad ko kaya naman tumawa sila, napangiti nalang din ako. Sumakay na nga kami sa bus, si Emelly ang katabi ko, habang si kuya Marco at ate Margie naman ang magkatabi, nasa unahan namin sila. Kaya naman kinuhaan ko sila ng litrato. Sa Tarlac ang medical mission namin kaya naman mahaba-habang byahe ang tatahakin namin. Matagal kami roon pero walang eksaktong araw ang balik namin, i-update nalang daw nila kami kung kailan.

Nagkikwentohan naman kami ni Emelly dahil matagal pa ang  byahe at iwas antok din. Makalipas nga ng dalawang oras na byahe ay nakatulog na rin si Emelly kaya naman wala nakong kakwentohan. Ang dalawa naman ay may sariling mundo sa unahan kaya hindi ko na inistorbo, moment nila yun.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinignan kung may mensahe ba si Eldon. Wala man lang siya reply sa sinabi ko nung nakaraan.

To: Eldon ugok
    I miss you.
Hindi ko pa napipindot ang send botton ay dinelete ko na ang tinype ko. Pinalitan ko nalang ito, masyadong malandi eh.

To: Eldon ugok
     Nasa byahe nako ngayon para sa medical mission. Hindi kaba talaga magpaparamdam?

Pakatapos nga ay nag earphone nalang ako at nagpatugtog. Mahaba-haba pa naman ang byahe kaya magtutulog muna ako.

(ELDON POV)

"Kamusta ang pagtingin niyo sa mga area?"tanong ko sa mga kasama kung umikot para isearch ang mga area. Marami kasing mga landmine na mga nagkalat dahil lumindol dito at ang mga nakatanim na landmine ay nalipat na sa mga kinalalagyan nito.
"Sa may bandang silangan kung saan dinadaanan ng mga tao ay mayroon nakitang pumaibabaw na, delikado na yun para sa mga dumadaan kaya kaailangan ng aksyonan."saad ni Lucio.
"Bakit hindi na agad ginawa ng mga nakabantay doon? Diba nandon ang ibang grupo?"tanong ko.
"Hindi raw pwedeng galawin, hanggat hindi pa na sasabi sa head quarters, Capt."sagot naman ni Seb.
"Ang problema malayo ang head quarters dito, hindi pa rin konektado ang radyo natin sa HQ. Kaya hindi tayo makatawag sa kanila, kailangan pa natin maghintay ng dalawang araw, Capt."saad naman ni Colt.
"Hihintayin pa bang may ma disgrasya bago gawin yun. Samahan niyo kung bisitahin yun."saad ko, nagsaludo na muna sila bago kami sabay na sumakay sa sasakyan.

Pagkarating ko nga roon ay makikita mo palang sa malayo na may nakabantay na ilang sundalo. Nakita siguro nila ang paparating naming sasakyan at ng makita nila na nasa loob ako nun ay dali-dali silang luminya.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now