CHAPTER SEVENTEEN

244 17 2
                                    

(KHIERINE POV)

Nagising ako na parang may nakadagan na mabigat na bagay sa bewang ko, nang maimulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang kamay ni Eldon na nakayakap pala saakin. Tabi-tabi kaming natulog dahil isa lang ang kwarto dito at ayaw din maghiwalay ni sa tatay niya. Nasa gitna namin si Elyse habang nakayakap naman ito sa tatay niya, habang si Eldon naman ay yakap kaming dalawa. Napangiti nalang ako dahil ang himbing ng tulog ng dalawa.

Dahan-dahan kung inalis ang kamay ni Eldon sa bewang ko at pagkatapos ko nga maialis ay pumunta nako ng kusina para ipaghanda sila ng agahan. Inihanda ko na rin ang gatas ng anak ko dahil gatas muna ang pinapainom ko bago mag almusal. Pagkatapos ko nga, ay inayos ko na ang hapag para maihanda na ang pagkain, saka nako umakyat para gisingin ang mag ama.

Pagkaakyat ko nga ay ang himbing parin ng tulog ng dalawa, ang cute nilang tignan kaya naman napangiti nalang ako. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan nga sila ng litrato, masasabi mo nga talagang mag ama sila, dahil halos magkamukha lang sila, pati sa pagtulog. Grabe ako ang nagdala sa loob ng siyam na buwan sa tyan at limang taon sa pagpapalaki, pero hindi ko kamukha ang anak ko.

Una ko ngang ginising si Eldon, tinapik ko ng dahan-dahan ang pisnge niya.
"Hey, gising na."saad ko, agad naman siyang nagising ngunit papikit-pikit na ito, kaya naman napailing nalang ako at natawa. Sunod ko naman ginising ang anak ko. "Hey, baby."saad ko at hinaplos ang buhok niya, tulad ng ama niya ay kinusot-kusot muna nito ang kanyang mata at pumipikit-pikit pa.

Pareho na silang dalawa gising, nakaupo parin sila sa may higaan habang ako naman ay nakatayo sa dulo ng kama at tinitignan silang dalawa. Magulo pareho ang mga buhok at halatang gusto pang matulog.

"Come baby, your milk is ready na."saad ko, lumapit naman ang anak ko.

"Good morning, mommy."saad nito at hinalikan ang pisngi ko.

"Good morning, baby."saad ko at hinalikan din ang pisngi niya.

"How about me? Wala akong kiss at goodmorning?"tanong naman ni Eldon, kaya napatingin kaming dalawa ng anak ko sa kanya, agad namang lumapit sa kanya si Elyse.

"Good morning, daddy."bati ng anak ko sa kanya at hinalikan din siya ng anak ko sa pisngi niya.

"Goodmorning, baby."saad naman ng ama niya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo nito at siya na nga ang nagbuhat sa anak namin. Tumingin naman siya saakin at ngumiti. "Good morning, wifey.''saad niya.

"Goodmorning."saad ko at ngintian din siya.

"Where's my kiss?"tanong niya at ngumuso pa. Tinapik ko naman ang braso niya, ang loko pinagtawanan lang ako pati ang anak namin ay tumawa rin. Nauna na nga silang lumabas, inayos ko muna ang higaan bago ako sumunod sa kanila. Naabutan ko nga ang mag ama, umiinom ng gatas ang anak ko habang nakakandong sa tatay niya at nagkakatuwaan ang dalawa.

"Hey baby, sa kabilang chair kana para makakain na rin si daddy."saad ko.

"Okay, mommy!"nakangiting saad ng anak ko, iniupo naman siya ni Eldon sa kabilang upuan.

"Gusto mo kape?"tanong ko sa asawa ko. Tumango naman siya at nginitian ako, pinagtimpla ko nga siya.

"Thank you."saad niya.

Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nag-almusal, masaya kaming kumakain. Minsan ay sinusubuan ni Eldon si Elyse ng pagkain.

Nagyaya naman si Eldon na mamasyal daw kaming tatlo, para naman daw ay makapag-bonding kaming magpamilya. Marami daw siyang na napalagpas na araw, gusto niya raw bumawi saamin. Kaya naman ito kami ngayon, pakatapos mag-almusal ay umalis muna si Eldon para maligo at kumuha na rin siya ng mga gamit niya dahil dito na muna raw siya. Ayaw ko kasing pumayag na lumipat na kami doon sa tinitirhan niya, nakakahiya rin at hindi alam ng magulang niya na nagkita na kami at may apo na sila. Nahihiya rin ako.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now