CHAPTER TWO:

69 6 1
                                    

(KHIERINE POV)

Tulad ng sinabi niya saakin kagabi, hinatid niya ako sa hospital.

"Tumawag ka saakin pag pauwi kana susunduin kita at wag mo din kakalimutan may dinner tayo mamaya kasama parents ko."sabi niya."I love you wifey, wag masyado mag pagod ha."sabi pa niya. Nginitian ko lang siya.

"Wala bang I love you too dyan? Asawa moko diba?"dagdag pa niya.

"I hate you, ingat."sabi ko at sinara na ang pinto ng kotse niya.

Nagbibihis nako ng lumapit saakin ang dalawa.

"Totoo bayung nakita namin? Hinatid ka niya dito?"tanong ni Emelly.

"Sayang hindi lumabas hindi namin nakita."sabi naman ni ate Mergie.

"Ano ba kayo para yun lang."saad ko.

"Describe mo nga saamin kung ano mukha niyang asawa mo kuno."sabi pa ni ate Mergie.

"Amm, mas matangkad siya saakin at...."diko natapos ang sasabihin ko.

"Syempre pandak ka doctora eh."saad naman ni Emelly kaya sinamaaan ko siya ng tingin, mapapatay ko to.
Hindi naman ako pandak sadyang matangkad lang talaga siya saakin.

"May makakapal na kilay at mahabang pilik mata, matangos ang ilong, kissable lips at may magandang kulay abong mga mata."sabi ko.

"Sa palagay ko gwapo siya."sabi naman ni Emelly.

"Ano naman ang trabaho non?"tanong ni ate.

"Isa siyang sundalo."sagot ko.

"DRA. LOPEZ, PROFESSOR WANT YOU TO GO TO HIS OFFICE!"saad ng nasa speaker, ano nanaman kaya yun.

"Pinapapunta ka, una na kami ingat ka dun."sabi naman ni ate kaya tumango nalang ako.

Papasok nako kaya kumatok muna ako, bago buksan ang pinto.

"Bakit niyo ho ako pinapapunta?"tanong ko.

"Pwede ba tayong mag dinner mamaya?"tanong niya saakin.. yun lang tapos pinatawag pako gagii talaga to.

"Sorry ho, may dinner ho kami mamaya ng magulang ng 'asawa ko'."diiniinan ko talaga yung huli kung sinabi para tigilan niya na ko.

"May asawa kana?"tanong niya na mukhang na bigla pa.

"Oho, ito nga ho yung wedding ring namin oh."sabi ko at pinakita ang wedding ring namin, para naman tigilan niya nako jusq.

"Ganon ba? Sige makakaalis kana."sabi niya at nukhang gulat na gulat pa. Salamat naman at tatantanan nako nito, salaat din at kinasal ako at hindj ko yun inaasahan nakakahiya yung ginawa ko.

Lumabas nako dun at pinag patuloy na ang trabaho ko at hanggang sa mag tanghalian na.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino.

1 message
From: Eldon ugok

Wifey tanghali na, kain kana wag magpapagutom, i love you muahhh.

Ganda ng pangalan HAHAHA ganda din ng bungad saakin.

Napangiti nalang ako ng mabasa ko yung message niya at lalo na yung huling words jusq baliw na ata siya HAHAHA. Ang ganda pala ng buhay na may asawa ngayon ko lang nalaman. 'Syempre ngayon lang ako nag asawa diba?'

Pag katapos naming kumain pinagpatuloy na namin ang trabaho, pumunta ako ngayon sa room 409 para icheck ang lagay ni lola.

"Hello lola."sabi ko na may ngiti sa mga labi.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteWhere stories live. Discover now