CHAPTER ELEVEN

99 7 1
                                    

(THIRD PERSON POV)

Kakarating lang ng Delta Team sa baraks kung saan nagsisimula ang gira. Pagkababa nila sa eroplano ay agad na nagtipon ang mga sundalo. Sabay-sabay itong nag saludo sa kanya, ngunit iba ang hinahanap ng mga mata niya, napatingin siya sa medical team at hinanap ng mga mata niya ang kanyang asawa.

"SALUTE!"saka lang bumaling ang binata sa ibang sundalo. "Salute."muli niyang sinilayang ang medical team ngunit wala talaga dito ang kanyang asawa. Maraming sugatan at mga nakaratay na sibilyan at sundalo.

"Captain."saad ng isang sundalo. "Kailangan po kayo sa HQ."agad namang pumunta ang binata.

"Kulang ang mga sundalo sa dakong timog. Kayo ang ipapadala ko roon, dahil may ibang sibilyan pa ang naroon at may mga doctor."saad ng nakakataas.

"Ang misyon po namin ay iligtas ang mga sibilyan at ang medical team. Kaya makakaasa kayo saamin."sagot naman ng binata.

Kasalukuyang naghahanda ang Delta Team para sumabak na sa gira, napakaseryoso ng mukha ng binata halos hindi ito masyado umiimik, dala na rin siguro ng pag-aalala sa kanyang asawa.

"Maliligtas natin siya, wag kang mag-alala Eldon."saad naman ni Lucio, tipid na ngumiti ang binata at napabuntong hininga. Tapos na nga sila sa paghahanda, palabas na sila ng biglang lumapit ang isang nurse.

"Kayo po diba ang asawa ni Dra. Khierine diba? Kayo si Eldon?"tanong ng nurse. Tumango naman ang binata. "Ako nga. Nasaan siya? Kamusta ang asawa ko?"nag-aalalang tanong ng binata.

"Naiwan po siya sa baryo, nasa may isang bahay po sila. Ngunit masyadong delikado roon dahil minsan na rin pinasok yun ng mga terorista, buti na lamang ay may mga sundalo. Nagpaiwan si Dra. dahil kailangan ng isang doctor na mag-gagamot."saad ng dalaga. "Paki-usap, iligtas mo po si Dra."dagdag pa nito at umiyak na. Hinawakan ng binata ang magkabilaang balikat nito at pinakatitigan. "Wag kang mag-alala, ililgtas ko sia." saad ng binata at naglakad na papaalis.

Maingat na nagmamasid at naglalakad ang Delta Team, tanging pagsinyas lang ang ginagawa nila upang magkaintindihan. Patungo sila sa isang bahay kung saan naroon ang asawa niya, dahil sa mga nagtataasang damo at hindi sila masyado makikita nito, paglapit nila ay may ilang sundalong nakabantay, mula sa malayo at pinakadulo na ng mga nagtataasang damo. Nagulat naman ang sundalong hinawakan ng Capt. sa balikat agad na itinutok nito ang baril sa kanya, mabuti nalamang ay nahawakan niya ito at nakilala naman siya ng sundalo.

"Kamusta ang lagay? Bakit hindi kayo makalapit?"tanong ni Eldon. Nasa may pinaka-unahan pa ang mga putukan ng baril at mga pagsabog. Napatingin naman ang binata sa mga nakabantay sa may pintuan ng bahay.

"Hawak ng sendikato ang bahay, may mga sibilyan at doctor sa loob. Nahuli kami ng dating, naubos na ang terorista ang sundalong nakabantay sa bahay." saad nito. "Kaya kung susubukan natin pumasok sa bahay, ay gumalaw ng padalos-dalos ay mapapahamak ang mga sibilyan sa loob." dagdag pa nito.

"Ilan ang taong nakabanatay sa loob?"tanong ng binata. Dalawang palapag ang bahay kaya nakakasiguro ang binata na may sniper dito. Kaya nagdodoble ingat sila.

"Ang tansya ko ay may limang nakabantay sa bungad, habang may tatlong nakabantay sa kwarto kung saan ang mga sibilyan. Habang sa may ikalawang palapag ay may tatlo rin at may isang sniper." saad nito. "Bale labing isa ang nasa loob, ang sa labas naman ay lahat ng paligid ng bahay ay may nakabantay. Hindi namin mapasok dahil kaunti lamang kami, isang team lang kami, nalagas din ang isa saamin dahil sa sniper sa taas." saad pa nito. "Ako ang kapitan ng Eagle Team. Capt. Kim o Agila." pakilala nito. "Delta Team, Capt. Lee o Alpha." pakilala naman ng binata.

Nagplano na sila ng gagawin, kung paano maililigtas ang mga sibilyan. Kailangan nilang maging maingat lalo na't isang pagkakamali lang nila ay tiyak na mapapahamak ang mga sibilyan.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang