Chapter 8

5 0 0
                                    


-

"Naabutan ka ba ni Clark?" napalingon ako kay Dani at wala sa sariling napatango.

Nasa isang field kami sa labas ng school dahil uwian na namin at maya-maya pa naman ang pasok ko sa shop kaya naisipan ko munang tumambay tutal hindi ko pa nararamdaman ang gutom.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka iniharap sa kaniya.

"Anong ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya? Magsabi ka lang para maipakulong natin ang lalaking 'yon."

Pumikit ako habang iniisip ang mga nangyari kanina. "He did more than that."

Huminga ako nang malalim bago magmulat ng mata at doon ko nakita ang kakaibang reaksyon sa mukha ng kaibigan ko.

"Oh no. No. No. My god A- ang hayop na 'yon! I'll call my dad to handle this and let that pervert Clark to suffer in jail!" dali-dali niyang hinanap ang cellphone niya na siya namang nagpaalarma sa akin.

"Wait! Wait Dani! Calm down! Mali ang iniisip mo! Hindi niya ako pinagsamantalahan okay?!" kumalma siya matapos akong marinig. Iba talaga takbo ng utak ng babae na ito.

"Are you sure? Baka naman tinakot ka lang niya ha?" marahan akong umiling

"Wala siyang ginawang ganoon, okay? At wala rin siyang balak gawin ang bagay na iyon kaya huminahon ka muna Dani."

Wala talaga siyang balak gawin 'yon dahil hindi kami talo.

"Paano mo naman nasabi na wala nga siyang balak gawin ang bagay na 'yon? I mean, you are pretty and that guy is such a jerk so how can you be so sure?"

"I'm sure that he don't have that kind of idea."

"Nako sinasabi ko sa 'yo, kapag may ginawang hindi maganda ang lalaking iyon sa iyo papatayin ko talaga siya!" nanggigigil na banggit niya na para bang kaharap niya talaga si Clark at sinasakal

I guess, wala na talaga siyang balak na gumawa ng kahit na anong bagay lalo pa ngayon na may nalaman ako tungkol sa pagkatao niya.

"A, mauna na ako sa 'yo ha? May inuutos kasi sa akin si Daddy" paalam ni Dani na bahagyang nakasimangot kaya tumango ako.

"Sure. Go lang, ingat ka."

"Hindi kita masasamahan kumain, nakakainis! Babawi na lang ako sa 'yo bukas and libre ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sino ba namang hindi mapapangiti kapag sinabing ililibre ka 'di ba?

"Sigurado 'yan ha?" agad-agad siyang tumango habang may malawak na ngiti sa labi

"Sige na, Dani umalis ka na at baka mapagalitan ka pa ni Tito" marahan ko siyang tinulak sa braso para sumakay na sa kotse nila.

"Oo na, aalis na! Ingat ka ha? Bye!" paalam niya bago umandar ang sasakyan niya

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsimulang maglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Lutang na lutang ako ngayon at parang hindi maganda ang pakiramdam ko pero kailangan ko pa ring pumasok dahil sayang ang sasahurin ko.

Napahinto ako sa paglakad nang may bumusinang puting kotse. Tiningnan ko ito bago ito huminto sa gilid ko. Bumaba ang windshield nito at bahagya akong nagulat sa taong nagmamaneho.

"C-Clark?" utal kong banggit sa pangalan niya. Bigla akong pinagpawisan nang bongga.

"Althea, can we talk?" malumanay na sambit niya kaya napatango ako. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok ako sa loob. Pinaandar niya ito bago muling magsalita.

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now