Chapter 4

7 0 0
                                    


-

Katatapos lang ng huling subject namin kaya inililigpit ko na ang lahat ng gamit ko.

"Gusto ko sanang sumama sa iyo sa coffee shop kaso tinawagan ako ni Daddy eh" nakangusong banggit ni Danica habang nakatingin sa akin.

"Pag-uusapan daw namin yung tungkol sa next competition ko" dagdag pa niya bago ko matapos ang pag-aayos ng gamit.

Isinabit ko ang bag sa balikat ko "Wala ka rin namang gagawin sa shop" tinaasan ko siya ng kilay bago lumakad palabas ng pinto.

"Bibili kaya ako ng kape" umiirap na tugon niya saka kumapit sa braso ko.

"You don't drink coffee" inirapan ko rin siya "Ang sabihin mo, magpapalakas ka na naman sa boss ko porket sinabi ko sa 'yo na kapatid siya ni Klein" sinamaan niya ako ng tingin kaya bahagya akong natawa.

"Hindi kaya! Gusto ko lang talaga sa lugar na 'yon kasi nandoon ka saka masarap naman ang mga paninda nila ro'n eh" napangiwi ako sa idinahilan niya.

"Palusot! Ayaw na ayaw mo sa kape kaya never ka pang pumasok sa coffee shop namin o kahit saan unless, kailangan talaga o utos ng Daddy mo pero noong sinabi ko sa 'yo na kapatid ni Klein yung may-ari, bigla ka na lang sumulpot isang araw na nasundan pa ng maraming beses. Parati mo siyang hinahanap at kinakausap kahit sinasabi mo na ako ang ipinunta mo ro'n. Hindi mo nga ako pinapansin kasi lagi mong kausap si Ma'am Allyson" umiwas siya ng tingin at natahimik kaya napangisi ako. See? Tama ako 'di ba?

"As if I don't know you so well, Ms. Danica Elise Dela Vega" I said in 'duh' tone.

She pouted her lips "I hate it when you're always right."

Napangiti ako at napailing "But you love me and I know it" nilingon niya ako saka umirap.

"Yeah. I love you but I hate you too sometimes."

"Sometimes mo lang akong hate pero always mo naman akong love kaya ayos lang" pang-aasar ko bago kami makababa sa panghuling hagdan.

"See you tomorrow, A" banggit niya bago pumasok at isara ang pinto ng kotse.

"See you, Dani" pagkasabi ko no'n ay pinaandar na ng driver ang makina.

"Bye!" paalam niya kaya kumaway ako habang unti-unting lumalayo ang sasakyan nila.

Nag-inat ako at bahagyang minasahe ang balikat. Trabaho naman ang haharapin ko ngayon.

Tatawid na sana ako para sumakay ng tricycle nang bigla na lang may sasakyan na huminto sa harapan ko. Silver-colored 2015 Ford Mustang. Bumaba ang bintana nito at tumambad sa akin ang may-ari.

"Need a ride?" preskong tanong nito pero inirapan ko lang siya

"May kailangan din tayong pag-usapan kaya sumakay ka na" naging seryoso ang tono niya.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang ibang estudyante na pinapanood kami. Nagbubulungan sila. May ibang nagulat at may iba namang naguguluhan. Bakit nga ba naman kasi kakausapin ng isang Jameson Clavez ang hamak na katulad ko? Tapos pinapasakay pa niya ako sa sasakyan niya kaya nakakagulat talaga. But these people don't know about everything. Wala silang alam kung paano ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa tingin ko, kapag nalaman nila ang dahilan nito ay mas magugulat sila.

"Ano pang hinihintay mo?" iritadong banggit niya habang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga ako bago umikot sa kabila at sumakay. Pinaandar na niya ang makina at nagsimulang magmaneho.

"Papatayin mo na ba ako?" wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Traffic ngayon dahil sa dami ng sasakyan na nasa kalye kasi unang araw ng klase at marami ring estudyante ang pauwi na galing sa half-day classes o 'di kaya ay mga estudyante na magl-lunch pa lang.

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now