Chapter 1

17 0 0
                                    


-

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Mama, hindi na siya muling bumalik sa lugar namin marahil ay napag-isip-isip niya na hindi nga siya bagay dito.

Lunes ngayon at ito ang araw para sa enrollment ng eskwelahang pinapasukan ko. I'm taking BS Architecture and this is my last year in school dahil graduating na ako sa susunod na taon. After five years ay makaka-graduate na rin ako without any help from my mother. Scholar ako since first year college kaya pagkain at upa lang sa bahay ang inaalala ko. Namatay si Papa matapos kong grumaduate ng highschool tapos hindi na nagpakita si Mama kaya hindi ko inasahan na aabot ako sa ganito, na kaunting kembot na lang ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral. I felt so hopeless before kasi wala na akong makapitan. Nag-iisang anak lang ako tapos naiwanan pa akong mag-isa. Ang saklap. Pero kinaya ko pa rin. Pinangako ko sa sarili ko na kakayanin ko kahit ako na lang mag-isa, na magpapatuloy ako kahit wala sila and I made it. I made it this far, makakapagtapos na ako.

Limang taon na rin akong nagtatrabaho sa coffee shop na pinapasukan ko dahil masipag naman ako roon at mabait ang amo ko. Summer job ko 'to dati matapos mamatay ni Papa pero kalaunan ay naging regular na rin ako dahil sa kakulangan sa trabahador.

Pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho kaya puro half-day at weekend classes ang schedule na kinukuha ko since wala akong pasok sa shop tuwing Sabado at Linggo. Papasok ako sa school tuwing umaga at magtatrabaho naman pagdating ng tanghali then hanggang gabi na every weekdays. Naiintindihan naman iyon ni Ma'am Allyson kaya lagi siyang nasa shop kapag school days na dahil siya ang tatao sa counter at si Ate Jen naman ang waitress. Si Ma'am Ally din ang nagrecommend sa akin sa kakilala niya kaya napasok ako bilang scholar na siyang ipinagpapasalamat ko. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang hindi ako nakatuntong ng kolehiyo. Matataas naman kasi ang grades ko katunayan nga ay lagi akong Dean's lister kada semester. Pinagbubutihan ko kasi talaga ang pag-aaral ko para naman kahit papaano ay may maipagmalaki ako. Ayos lang din naman sa akin kung wala akong medalyang makuha sa graduation basta ang importante ay maka-graduate ako at masaya na ako sa ganoon.

Nagluto ako ng umagahan ko saka kumain. Pagkatapos ay inayos ko ang mga kakailanganin ko sa enrollment. Naligo ako nang mabilis bago igayak ang sarili. Nagsuot ako ng plain white t-shirt at black high waisted jeans na tinernohan ng white rubber shoes na binili ko sa Divisoria noong isang buwan. Nag-ayos ako ng sarili sa salamin at nang makontento ay isinabit ko na sa katawan ko ang isang maliit na sling bag na naglalaman ng kaunting pera at ang cellphone ko na iniregalo pa ni Ma'am Allyson sa akin noong nakaraang taon para sa kaarawan ko.

Lumabas na ako ng apartment at ikinandado ito. Bumaba ako para pumunta sa sakayan ng tricycle. Ilang minuto akong naghintay bago may dumating na sasakyan.

"Kuya, sa Café Hiro po tayo" matapos ko iyong sabihin ay pinaandar na ni manong driver ang tricycle. Dadaan muna ako sa coffee shop para magpaalam sa amo ko.

Labing-limang minuto ang inabot bago kami makarating sa lugar. Agad akong bumaba matapos magbayad. Umalis na ang sasakyan kaya pumasok na rin ako sa loob ng shop.

Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa amoy ng mga kape rito. Freshly brewed coffee really calms me. Five years na akong nagtatrabaho rito pero hindi ako masanay-sanay at parang bago pa rin sa akin ang lahat lalo na kapag papasok ako. Napakabango kasi sa loob nito lalo na tuwing umaga kung saan bagong gawa lahat ng kapeng itinitinda. Iba ang dulot na aroma ng kape sa umaga. Soothing and refreshing. Sa mga morning person na katulad ko ay maa-appreciate nila ang mga ganitong bagay.

"Magandang umaga!" masiglang bati ko sa mga katrabaho ko

"May lakad ka?" tanong ni Kuya Fred na kalalabas lang mula sa C.R. dahil siya ang nakatoka sa paglilinis nito.

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now