Chapter 5

17 0 0
                                    


-

I woke up having mild headache. Mahaba naman ang naging tulog ko pero pakiramdam ko pagod pa rin ang katawan ko.

Nag-inat ako ng katawan bago pumunta sa kusina at magluto ng almusal. Sinangag at longganisa ang umagahan ko ngayong araw.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag. It's Danica.

"Good morning, Dani" walang ganang banggit ko bago bumalik sa pagkain.

"Daanan kita d'yan sa inyo ha?" ramdam ang pagmamadali niya sa paglalakad

"Sige gusto ko 'yan" nakangising tugon ko "Ano bang ginagawa mo? Bakit parang nag-aapura ka sa paglakad?"

"Hinahanap ko kasi yung shoes ko. Kanina pa ako paikot-ikot dito pero I can't find it" halata ang pagkaaburido sa boses niya. Kabata-bata pa, ulyanin na. Tsk!

"Tingnan mo sa ilalim ng kama mo" umiirap na banggit ko bago matapos kumain. Iniligpit ko na ang pinagkainan ko saka uminom ng tubig.

"OMG! It's here A!!" nagtitiling sambit niya kaya bahagya kong inilayo sa tenga ko ang cellphone. Ang sakit talaga sa ulo ng boses niya.

"Your lost things are always under your bed, Dani" I said sarcastically.

Lahat ng bagay na madalas mawala sa kaniya, lagi niyang natatagpuan sa ilalim ng kama kaya sanay na ako kung saan niya makikita ang mga gamit niya. Very typical of Danica.

"Maliligo na muna ako. Mamaya na tayo mag-usap. Thanks" binabaan niya ako ng telepono. Nice!

Lumabas na ako ng bahay matapos kong maligo at gumayak. Naabutan ko sa labas si Aling Betchay na naniningil ng mga pautang niyang ulam. Bukod kasi sa pagpapaupa niya sa apartment ay nagpapautang din siya ng kung ano-ano katulad ng appliances, ulam at minsan pera.

"Magandang umaga, Aling Betchay!" masiglang bati ko habang nakangiti. Suot na naman niya ang paborito niyang asul na bestida.

"Magandang umaga rin, Althea"

"Heto na nga po pala yung bayad ko" inilabas ko ang apat na libo na pambayad para sa bahay, kuryente at tubig. Mababa ang upa rito kaya talagang tumagal ang lahat ng nandito tapos mabait pang landlady si Aling Betchay.

Umiling siya at hindi tinanggap ang ibinabayad ko "Bayad ka na. May nagbayad para sa iyo."

Nangunot ang noo ko. Sino namang magbabayad para sa akin? Si Mama kaya?

"Sino pong-"

"A! Tara na!" humahangos si Danica paakyat dito sa apartment ko. Partida naka-heels pa 'yan pero ang bilis pa rin tumakbo.

"Hi, Aling Betchay!" pagbati niya. Kilala na rin siya rito dahil madalas din siyang nandito.

"Nagmamadali si Mang Bernie kaya tara na!" hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad pababa ng hagdan

"Mamaya na lang po, Aling Betchay!" paalam ko habang sumasabay sa pagmamadali ni Danica

Dumating kami sa University twenty minutes bago ang class hour. Naglalakad kami sa field papunta sa building namin nang makasabay namin si Jameson. I thought he'll just ignore me but I'm wrong. Ipinagdasal ko na sana hindi na lang niya ako pansinin pero sobrang layo ng nangyari.

"Althea!" nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya na lang akong tawagin. Nagtinginan lahat ng estudyante na nasa paligid. Takte naman 'tong lalaking ito!

Nabigla rin si Danica sa nangyayari. Hindi ko pa kasi naikuwento sa kaniya yung nangyari kahapon. Kinunutan niya ako ng noo at ang mga mata ay nagtatanong.

The Night She Said; GoodmorningOù les histoires vivent. Découvrez maintenant