Chapter 7

10 0 0
                                    

-

I woke up around six in the morning just like the usual. Brewed coffee starts my day because these past few years, it became my daily routine since I started working in a coffee shop and it really influenced me.

After making a cup of my starter with creamer, I shift in preparing meal. Breakfast is the most important meal of the day so it shouldn't be disregarded.

I was about to bite my first spoonful when I heard noises outside. It's like there are some people having arguments about something.

Lumabas ako para makiusisa sa nangyayari. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Aling Betchay in her usual attire; blue dress with rollers in her hair, kausap si Ate May sa labas ng katabi kong apartment na pagmamay-ari ni Ate Issa.

"Totoo ang sinasabi ko! Mayroon talagang gwapong lalaki sa labas kagabi. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito pero nung lumabas ako para magtapon ng basura, nginitian niya ako tapos sumakay na sa kotse at umalis. Naisip ko nga na baka secret admirer ko ang binatang 'yon" bulalas niya habang bahagya pang tumatawa.

Natawa naman si Ate Issa na kalalabas lang sa bahay. Malamang na naririnig din niya ang ingay ng dalawang ito. Ang aga-aga pa pero yung boses nila pang tanghali na.

"Aling Betchay, hindi 'yon magpapakita kung secret admirer siya kaya nga secret 'di ba? At isa pa, kung admirer man ang lalaking 'yon tiyak na hindi sa 'yo. Matanda na ho kayo" pambabara niya kaya sinamaan siya ng tingin ng kausap.

Well, she has a point there matanda na kasi si Aling Betchay, she's turning sixty years old this year and senior citizen na siya ngayong taon.

"Ano naman kung matanda na ako? May asim pa kaya 'to" buwelta niya bago mamewang kaya natawa ang dalawa niyang kausap maging ako na palihim na nakikinig sa kanila.

"Paksiw ho ba ang umagahan n'yo?" si Ate May naman ang nagsalita

"Hindi bakit?" kunot noong tanong nito

"Kasi tama kayo, may asim pa kayo at literal 'yon" humagalpak sa tawa ang dalawa habang si Aling Betchay naman ay pinanliliitan sila ng mata.

"Aba 'tong dalawa na 'to!" saway ng matanda na animo'y mga anak niya ang kausap. Sanay na kasi si Aling Betchay pagdating sa mga biruan dito sa amin kaya wala na lang sa kaniya ang mga pinagsasasabi ng mga tenants niya.

"Oy Althea! Nandiyan ka pala!" pagbati ni Aling Betchay nang makita ako

"Good morning po" maiksing banggit ko.

"Ayan!" itinuro ako ni Ate Issa "Kung si Thea pa ang sadya ng lalaking sinasabi ninyo, maniniwala pa ako. Hamak naman na napakaganda ng bata na 'yan."

I smiled akwardly. Hindi ako sanay sa mga compliment lalo na when it comes to physical appearance.

"Maganda talaga ang bata na 'yan. Baka secret admirer nga niya yung lalaking nakita n'yo kagabi." pagsang-ayon ni Ate May

"Wala po akong secret admirer" pagtanggi ko dahil wala naman talaga. Sa tagal ko nang nabubuhay dito sa mundo, no one's even confessing na may gusto sila sa akin at hindi naman ako umaasa dahil wala pa 'yon sa priorities ko as of now.

"Sus! Ikaw talaga! Sa lahat ng nakatira rito, ikaw lang naman ang bata dahil lahat kami rito gurang na lalo na 'tong isang 'to" sabay palihim na turo kay Aling Betchay. Bahagya akong natawa actually, I really wanna burst out in laughing pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka sabihin ni Aling Betchay pinagtutulungan namin siya.

"Baka kilala mo ang binatang 'yon?" tanong ni Aling Betchay

"Ano po bang hitsura niya?"

"Napakagwapong bata. Hindi ko na mai-describe ang mukha niya pero gwapo talaga" tugon niya. Gwapo? Sa dami ng gwapo sa mundo paano ko naman makikilala 'yon?

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now