Chapter 11

11 0 0
                                    

-

I woke up feeling dizzy and nauseous the other day. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga.

Around 6:30 na ako nagising kaya hindi na ako nakapagluto man lang ng pagkain. 7 am ang klase ko kaya nagmadali na akong maligo at gumayak.

Patapos na ako sa pagsusuklay ng buhok nang marinig ko ang boses ni Danica mula sa labas ng apartment ko.

"Althea Marie!! Late na tayo, OMG! Lumabas ka na d'yan!" binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang paakyat na si Dani sa hagdan

"Late ka na naman nang gising hano?" banggit ni Ate Issa na nagsasampay ng mga basahan sa railings

Kabisado na nila kapag nal-late ako nang gising dahil sa loob ng limang taon ay ganito lagi si Danica kaingay sa tuwing susunduin ako at tinanghali ako.

"Oo, Ate," napakamot ako sa aking ulo "medyo hindi rin po kasi maganda ang pakiramdam ko kagabi."

"Pansin ko nga na namumutla ka, magpatingin ka kaya sa doktor?"

Mabilis naman akong umiling. "Okay lang ako, Ate Issa. Kulang lang siguro ako sa pahinga."

Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na muling nagsalita.

Nang makaayat si Dani ay namewang na agad ito sa harapan ko.

"Tara na, A! Late ka na nga nagising, ang kupad mo pa kumilos." umiirap na banggit nito

"Ang aga-aga pa pero ang ingay mo na." komento ko bago ikandado ang pinto

"Ayaw mo ba no'n? Gising diwa mo pati mga kapit-bahay mo." natatawa nitong tugon kaya maging si Ate Issa ay natawa rin

"Halika na nga, yari tayo nito." hinawakan ko siya sa braso at inakay na pababa

"By the way, you look pale today. Okay ka lang ba?" tumango agad ako sa naging tanong niya

"Kulang lang sa tulog 'to." tumango na lang din siya at binuksan na ang pinto ng kotse

-

Lumipas ang ilang oras na lutang ako at walang naiintindihan sa mga itinuturo ng mga professor namin. Pinipilit ko namang makinig pero hindi talaga ma-absorb ng utak ko lahat kaya hinayaan ko na lang. Hindi naman ganito yung nararamdaman ko kapag napapagod ako nang husto.

Danica suddenly snapped her fingers in front of me. "Looks like your mind is reaching the milky way, huh?"

"A-Ano yung sinasabi mo? Sorry, Dani medyo hindi kasi maganda yung pakiramdam ko eh." napakamot na lang ako sa ulo ko dahil lumilipad na naman ang isip ko

"Nakakailang ulit na kaya ako, hayy." umiirap pa siya kaya bahagya akong natawa "Anyway, I'm just asking kung gusto mong sumama sa amin sa Tagaytay this coming weekend." dugtong niya na halatang excited base sa ngiti niya ngayon

"What for?" kunot-noong tanong ko

"Wala lang. Unwind lang gano'n. Si Dad ang may gusto nito and of course, knowing him, means it's not just some kind of relaxation moment. May halo pa ring work with his business partners." she shrugged her shoulders as if I should know what she have said

Well, tama naman siya dahil knowing Tito Alex, hindi 'yon basta-basta magb-book ng trip for relaxing lang. Napaka-workaholic kasi ng taong 'yon kaya maging sa bakasyon niya ay nagtatrabaho pa rin siya. And no wonder kung bakit napaka-successful ng negosyo niya because he really puts so much effort when it comes to work.

"Sige, titingnan ko kung makakasama ako."

Her eyebrows creased. "Titingnan? You don't have work naman during weekends 'di ba?"

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now