Chapter 13

5 0 0
                                    

-

Nagpalipas kami ng isang oras ni Dani sa park bago napagpasyahang umuwi. Inihatid nila ako ng driver niya sa apartment ko.

"See you tomorrow, A! Sunduin kita!" banggit nito bago umandar ang sasakyan kaya tumango ako. Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa gate.

Umakyat ako sa hagdan at akmang bubuksan ang pinto ng apartment nang may mapansin ako sa sahig.

Ang tigas talaga ng ulo niya.

I guess I have no other option but to keep all these stuffs.

Pinulot ko ang mga paper bag na nasa tapat ng pintuan ko at binuksan ang pinto. Hinubad ko muna ang sapatos ko bago dumiretso sa sofa at pabagsak na umupo. Ipinatong ko ang mga bitbit ko sa katapat kong lamesa saka napahilot sa aking sintido.

Tinanggihan ko na ngang kuhanin ang mga gamit na binili niya pero dinala niya pa rin dito. Napansin ko na may maliit na papel na nakadikit sa isa sa mga paper bag. Nakatupi ito kaya kinuha ko ito at binuksan.

"You won't be seeing me again but please, keep all of these. I'd love to see you wear one of these dresses, they will surely fit you. I love you forever, my Marie. Mag-iingat ka palagi."

Napabuntong hininga ako. Sinilip ko ang laman ng mga paper bag; three beautiful dresses in different designs and style, the black one is made of silk while the white and nude colors are made of soft fabric and they are all body con dresses. Sa pangalawang paper bag ay mayroong three pairs of t-shirt in neutral colors and denim jeans na iba-iba rin ang style. Sa huling paper bag naman ay may isang cream-colored sling bag na malaki lang nang kaunti sa cellphone ko. It was simple yet classy, no wonder dahil isa itong designer bag.

Matapos makita ang lahat ng binili ni Mama para sa akin ay napagpasyahan ko nang magbihis at magpahinga sandali bago pumasok sa trabaho.

Ganoon pa rin ang set-up namin pagkarating ko sa shop. Hindi magkamayaw ang mga customer at umabot na hanggang labas ang pila. Agad kong isinuot ang apron at hairnet ko saka nagsimulang magtrabaho.

Sa sobrang dami ng customers, halos hindi na kami nagpapansinan ni Klein dahil napaka-busy ng buong shop. Gamay na rin naman niya ang mga dapat gawin kaya hindi na niya ako kailangan para gabayan siya.

May isang pagkakataon lang na sa sobrang pagmamadali niya ay natapon ang isang iced coffee na ise-serve sana niya. Nasa counter pa lang naman ito kaya walang nakapansin ngunit dinig na dinig ko ang mahina ngunit malutong nitong pagmumura. He's tired and frustrated so, I'm not surprised at all. I gently tapped his shoulder as an affirmation na okay lang ang nangyari. He simply smiled at nilinis ang kalat bago ihanda ang panibagong order.

Nang matapos ang araw ay saka lang kami nakahinga nang maayos. Lahat kami ay nakakaramdam ng sobrang pagod buhat sa maghapong pagtatrabaho. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. Napansin iyon ni Klein kaya mabilis siyang lumapit sa akin.

"Are you okay?" mahina akong tumango dahil parang wala akong lakas na magsalita

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Bibilisan ko na ang pagsasara para makauwi ka na." banggit niya bago umalis sa harapan ko

Ilang saglit pa ay may humawak sa braso ko kaya napaangat ako ng tingin. It was Oliver.

"Hatid na kita." banggit nito kaya ngumiti ako at marahang tumango

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat bago tumungo sa driver's seat. Napansin ko naman si Klein na tapos nang magsara ng shop at sumakay sa passenger seat na wala man lang imik. Mukha rin itong wala sa mood base sa nakikita kong hitsura niya sa rear view mirror.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now