Chapter 2

17 0 0
                                    


-

Isang linggo mula ngayon ay magsisimula na ang mga klase. Since nakuha ko na rin naman ang sweldo ko, bibili na ako ng mga kakailanganin ko sa eskwelahan.

Maaga akong gumising ngayon dahil papasok na ulit ako sa trabaho ko which is six-thirty ng umaga. Kumain muna ako bago mabilisang gumayak. Sinuot ko ang uniform ko sa trabaho. Cream-colored polo shirt na may itim na manggas at kuwelyo at brown fitted skirt na mataas ng ilang pulgada mula sa tuhod. Naglagay din ako ng light make-up dahil required na magmukha kaming presentable sa harap ng mga customers.

Matapos ang lahat ay lumabas na ako at ikinandado ang pinto ng apartment. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle papunta sa shop. Agad naman akong nakasakay kaya nagpahatid na ako sa trabaho ko.

"Good morning!" pagbati ko nang makapasok sa loob

"Ate Theaaa!" sigaw ng isang batang lalaki matapos akong makita. Tumakbo ito palapit sa akin bago yumakap sa hita ko.

"Hiro!" banggit ko sa pangalan niya bago umupo at pantayan ang taas niya.

Siya ang nag-iisang anak ni Ma'am Allyson at sa kaniya ipinangalan ang shop na ito; Café Hiro. Mag-aanim na taon na siya sa susunod na buwan at sa lahat ng trabahador dito sa shop, ako ang pinakamalapit sa kaniya. Siguro dahil minsan ay isip-bata na rin ako.

"Ang aga mo naman para sa trabaho workmate!" biro ko na siya namang ikinangisi nito kaya lumitaw ang bungi niyang ngipin. Sa tuwing nandito kasi siya, lagi niyang sinasabi na magtatrabaho siya kaya nakasanayan na naming tawagin siyang workmate.

"Syempre tutulong ako kay Mommy eh" tugon naman niya.

Sigurado akong lalaking matalino at masipag ang batang ito katulad ng nanay niya. Malamang din na paglaki niya ay pagkakaguluhan siya ng mga babae gaya ng tito niya na si Klein dahil nasa lahi talaga nila ang pagiging maganda at gwapo. Sana lang ay huwag niyang mamana ang ugali ng lalaking 'yon.

"Wait lang ate ha? May kukuhanin lang ako" banggit niya kaya tumango ako. Tumakbo siya papasok sa opisina ng Mommy niya.

Kinuha ko na ang apron ko at isinuot ito. Pinusod ko ang buhok ko sa isang bun bago ilagay ang hairnet. Inayos ko rin ang nameplate ko bago pumunta sa counter para kuhanin ang mga panglinis sa mesa at upuan.

"Good morning, Ate Jen" bati ko habang nakangiti.

"Good morning din, Althea Marie" tugon niya kaya sumimangot ako. Hilig na niya akong tawagin gamit ang buong pangalan ko. At nakakainis 'yon.

"Althea lang sapat na" bahagya ko siyang inirapan bago tumungo sa mga lamesa at linisin iyon. Mahina siyang natawa dahil sa ginawa ko. Paborito talaga nila akong asarin lalo na kapag umaga kung kailan good mood ako. But I don't take it seriously dahil sa tagal na naming magkakasama, hobby na namin ang asaran.

"Siya nga pala, pasukan na sa Lunes 'di ba? May mga gamit ka na ba?" tanong niya habang inaayos ang ibang bagay sa counter.

"Wala pa. Mamimili pa lang ako" tumango na lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ate Thea! Ate Thea! May ibibigay ako sa iyo!" masiglang banggit ni Hiro na kalalabas lang sa office. Tumatalon-talon pa ito papunta sa akin. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at hinintay siyang makalapit.

"Ano?" kunot-noong tanong ko

"Charaann!!" may hawak siyang isang bracelet na gawa sa iba't-ibang kulay na beads. May pendant pa ito na paru-paro.

"Wow! Ang ganda naman nito!" kinuha ko ito mula sa kamay niya at pinagmasdan

"Ikaw ang gumawa?" tanong ko kaya bumungisngis siya bago tumango

The Night She Said; Goodmorningحيث تعيش القصص. اكتشف الآن