Chapter 12

9 0 0
                                    

-

Katatapos lang ng huling subject namin at naglalakad kami ngayon ni Dani palabas ng University. Malapit na kami sa main gate nang may matanaw ako sa hindi kalayuan na isang pamilyar na pigura. Nakasandal ito sa itim na kotse na para bang may hinihintay.

"Anong ginagawa niya rito?" hindi ko sinasadyang masabi ang mga salitang dapat ay nasa isip ko lamang

"Huh?" takang tanong ni Danica bago ilipat ang tingin sa taong tinitingnan ko

"Marie," malumanay na banggit nito nang magkatapat kami.

"Kanina pa kita hinihin-"

"Bakit ho kayo nandito?" pagputol ko sa sinasabi niya

"Dumaan kasi ako sa apartment mo pero wala ka pala ro'n. Sinabi sa 'kin ng landlady n'yo na pumasok ka raw kaya dumiretso na ako rito. May gusto lang akong ibigay sa iyo." matapos niya iyong sabihin ay binuksan niya ang pinto ng kotse at may kinuha na kung ano

"Heto" nakangiting sambit niya. She handed me three paper bags which the two seems to contain clothes while the other one, I guess, has bag in it.

"Para saan po ito? Hindi ko naman birthday at wala rin namang okasyon." malamig na banggit ko habang nakatingin lamang sa mga hawak niya dahil wala akong balak na tumanggap ng kahit na ano mula sa kaniya

"Wala lang, anak. Gusto lang kitang bilhan ng mga bagong damit at bag. Hindi ko alam kung anong mga style ang gusto mo kaya mga simple lang ang kinuha ko. Kapag kulang pa, sabihan mo-"

"Ayoko po." pagputol ko na nagpawala ng ngiti sa kaniyang labi

"Pero anak binili ko ito para-"

"Pero ayaw ko nga ho. Ibigay n'yo na lang sa iba. Hindi ko kailangan ng mga ganiyang bagay. Makakaalis na ho kayo." akmang tatalikod na ako sa kaniya ngunit hinawakan niya ako sa braso

"Marie naman, hindi ko hinihiling na patawarin mo ako pero sana naman hayaan mo akong mag-effort para sa 'yo. Gusto kong bumawi kahit papaano kaya sana hayaan mo naman ako at tanggapin mo na ito." nanginginig na ang boses niya na halatang malapit nang umiyak

Huminga ako nang malalim. Ayaw ko ng mga ganitong drama lalo na at nasa public place kami. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang inalis sa pagkakahawak sa aking braso.

Hinarap ko siya. "Kaya ko pong mag-effort para sa sarili ko. Hindi ninyo kailangang bumawi dahil hindi ko naman hinihingi sa inyo. Kahit hilingin ninyo na patawarin ko kayo ay hinding-hindi ko gagawin. Umalis na ho kayo," kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Nararamdaman ko rin na ano mang oras ay maiiyak na ako kaya mabuti pang tapusin na ito.

"Huwag na kayong magpapakita sa akin kahit kailan. Iyon lang po ang gusto ko." tuluyang lumandas ang mga luha sa kaniyang mga mata

Alam kong nasaktan siya nang sobra sa mga sinabi ko pero mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako na kahit sobra yung galit ko kaniya ay hindi ko pa rin gustong nakikita na umiiyak siya. It fucking hurts as hell.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ngunit bago pa ako makalayo nang tuluyan, muli siyang nagsalita.

"Naiintindihan kita, anak. Pasensya na kung hindi ako naging mabuting ina sa iyo. Sana dumating ang araw na mapatawad mo rin ako. Mahal na mahal kita." mariin akong napapikit matapos niyang banggitin ang mga salitang iyon

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse at maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-andar nito. Umalis na siya. Sana ay hindi na siya muling bumalik dahil ayaw kong mas masaktan pa siya.

Bumigay ang mga tuhod ko pero buti na lang at agad akong nasalo ni Danica.

"Hey, A! Are you okay?" alalang tanong niya kaya mabilis akong tumango

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now