Chapter 9

5 0 0
                                    

-

For the past few days, ayos naman ang naging takbo ng lahat. Bumalik na ulit sa normal ang mga bagay-bagay. Sinabi ko kay Oliver na nakapag-usap na kami ni Clark tungkol sa nangyari at sinigurado ko sa kaniya na hindi na ako guguluhin ulit ng isang 'yon kaya hindi na nila ako kailangang tulungan. Noong una ay hindi pa siya naniniwala pero kalaunan ay pumayag na rin siya at sinabi na sasabihan niya na lang sila Klein tungkol dito.

Napag-alaman ko rin kay Clark na hindi pa pala niya nasasabi sa parents niya ang tungkol sa sexuality niya dahil kumukuha pa raw siya ng tamang tiyempo at dahil na rin nitong mga nakaraan ay masyadong busy sa trabaho ang mga magulang niya. Hinayaan ko na lang muna siya dahil siya lang ang makapagsasabi kung kailan siya magiging handa na ipagtapat ang katotohanan. Hindi rin ako nagbanggit ng kahit na ano kay Oliver tungkol sa nalaman ko kay Clark since wala naman ako sa posisyon para pangunahan siya at saka isa pa, sa kaniya dapat mismo manggaling ang mga bagay na 'yon.

I woke up around 5:30 am because of a sudden pain that I felt on my head. Para itong tinutusok ng ilang libong karayom at halos maiyak na ako sa sobrang sakit. It lasted for a couple of minutes bago ito mag-fade at maging maayos ang aking pakiramdam. Hindi na rin naman ako makakatulog dahil hindi na ako inaantok so might as well, magbasa na lang muna ako ng mga lessons para sa quiz namin sa Monday. Friday ngayon and supposedly, ngayon yung quiz pero dahil holiday, na-move ito sa Lunes. Tamang-tama 'to para mahaba-haba ang panahon ko sa pagre-review. By the way, wala na rin akong weekend classes since graduating student na ako kaya medyo nagkakaroon ako ng mahabang pahinga.

6:30 am ang opening ng coffee shop ngayon dahil nga holiday at wala namang mga estudyante sa University. Half-day lang ang pasok ko sa shop pero papasok ako ng maaga today dahil nababagot ako kapag walang ginagawa. Ayaw ko naman na mag-review lang maghapon at baka pumutok yung ugat ko sa ulo kaaaral.

Papasok na ako sa shop around 8 am. Pagkababa ko sa tricycle ay nagbayad agad ako at dumiretso na sa loob.

"Good morning, everyone!" masiglang bati ko dahil walang mga customer. Napatingin sila sa akin na gulat na gulat.

"Aba! Ang aga mo naman pumasok ngayon. Half-day ka lang ah?" bungad sa akin ni Ate Jen

"Nakaka-bored kasi sa apartment kaya naisipan ko na pumasok nang maaga." nakangiting tugon ko

"Grabe talaga ang sipag mo, Althea." puna naman ni Kuya Fred na may dala-dalang panglinis

"Nag-iipon kasi ako, Kuya. Alam mo naman graduating na ako next year kaya kailangan mag-doble kayod dahil may kalakihan ang bayarin ko."

"Scholar ka naman 'di ba?" singit ni Kuya Boni habang may dalang dalawang tray ng freshly baked cupcakes

Tumango ako. "Kaso eh yung bayarin ko sa graduation hindi naman sakop ng scholarship ko kaya kailangan talaga pag-ipunan."

Tumungo ako sa isang shelf kung saan nakalagay ang mga apron na ginagamit namin. Kumuha ako ng isa at isinuot iyon pati na rin ang hairnet. Inayos ko rin ang nameplate ko bago kuhanin ang pamunas ng mga lamesa.

Nagsimula na akong maglinis ng mga kalat nang lumabas si Ma'am Ally sa opisina niya kasama si Ate Iya at nag-uusap sila.

"One week akong mawawala rito sa shop dahil kailangan kong mag out-of-town for business matters" rinig kong banggit ni Ma'am Ally. Aalis pala siya.

"Pero 'wag kayong mag-alala dahil kahit wala ako rito for several days, si Klein naman ang mag-aasikaso sa inyo. Tutulong siya sa inyo."

Wait lang. Si Klein makakasama namin dito for one week?? Baka magmaktol lang dito yung isang 'yon at ang malala pa, baka sungitan niya lahat ng customer.

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now