Chapter 10

3 0 0
                                    

-

Katatapos lang ng quiz namin sa last subject at naghahanda na ako para lumabas ng classroom nang biglang kumapit si Danica sa braso ko.

"Problema?" takang tanong ko dahil nakasimangot ang mukha niya

"Kailangan ko nang i-uncrush si Klein." malungkot na tugon nito na ikinangisi ko

"Oh, anong klaseng hangin ang nasinghot mo at natauhan ka bigla?"

Sinamaan niya ako nang tingin. "Hindi ka man lang nagulat na iu-uncrush ko na siya, nakangiti ka pa. Grabe ka na talaga sa 'kin."

Mas natawa ako sa sinabi niya. "Nagulat ako syempre, pero mas nangibabaw sa akin yung tuwa dahil finally, hindi mo na hahabulin ang kumag na 'yon."

Bigla niya akong hinampas sa braso. "Aray ko naman! Sakit no'n ha!"

"Don't call him kumag kasi! Ang gwapo-gwapo niya tapos gano'n itatawag mo." pagdepensa niya kaya napailing na lang ako

"Akala ko ba iu-uncrush mo na? Bakit ipinagtatanggol mo pa rin?"

"Sabi ko iu-uncrush ko pa lang, pero as of now crush ko pa rin siya kaya don't say bad things about him." nag-pout pa siya na nagpairap naman sa akin

"Alam mo, bumaba na tayo at may pasok pa ako sa shop." nagpatiuna na ako sa paglakad habang si Danica naman ay nakabuntot sa akin

"Wait lang naman! Bagalan mo yung lakad mo! Ang hirap kaya maglakad nang mabilis kapag naka-heels!"

"Parang kasalanan ko pa na naisipan mong magsuot ng 7 inches na heels dito sa University? Daig mo pa rarampa sa beauty pageant eh."

"Eh bakit ba? Gusto lang kitang pantayan, ang tangkad mo kasi eh nagmumukha akong bansot kapag magkasama tayo." tuluyan akong natawa sa sinabi niya

Tama naman kasi siya na matangkad ako. Namana ko ito kay Papa na akala mo basketball player dahil sa height niya. Pero actually, nanliliit din ako kapag sila Klein ang kasama ko dahil parang mga puno ng kawayan ang mga 'yon dahil sa tangkad nila. Wait! Bakit ko ba sila biglang naisip??

"Hindi na siguro kinaya ng Cherifer 'yang height mo kaya dinadaya mo na lang gamit yung heels mo."

"Grabe ka talaga sa panlalait mo hano? Buti na lang talaga magkaibigan tayo dahil kung hindi, baka sinipa ko na 'yang mukha mo." bahagya niya akong sinabunutan nang makalapit siya sa akin, na hindi ko naman ininda dahil ganito kami palagi kapag nag-aasaran

"Pero maiba ako, anong dahilan at iu-uncrush mo na si Klein? May ginawa ba siyang hindi maganda sa 'yo?" kunot-noong tanong ko

"Wala naman pero kasi... I saw them talking ng isang babae kanina and I think, nag-confess yung girl kay Klein pero ni-reject niya."

"Bakit niya ni-reject?" tanong ko as if may pake ako sa buhay ng isang 'yon

"I heard him said that he is courting someone already. Sinabi niya sa girl na 'wag na mag-aksaya ng oras sa kaniya dahil may nagugustuhan na siyang iba and nararamdaman niya raw na any moment ay sasagutin na siya no'n."

Oh! So, may nililigawan na pala siya? Sino kaya 'yon? Teka nga, ano bang pake mo Althea??

"After ko nga marinig 'yon eh feel ko pati sa 'kin sinabi niya rin 'yon. Balak ko rin sana mag-confess sa kaniya buti na lang pala hindi ko tinuloy dahil malamang, maiyak na lang ako if ever na i-reject niya ako." natatawa niyang banggit pero halata naman na nalungkot siya

Inakbayan ko siya at bahagyang ginulo ang buhok. "You're pretty tho. Ang daming nagkakagusto sa 'yo kaya dapat hayaan mo na yung lalaking 'yon. Isa pa, hindi niya deserve ng isang katulad mo 'no, sobrang bait mo kaya tapos yung isang 'yon ang sama ng ugali. 'Di kayo bagay."

The Night She Said; GoodmorningWhere stories live. Discover now