Kabanata 3

6.4K 250 46
                                    

KABANATA 3

LEON's eyebrow kept on twitching when he realized that a lot of engineers actually lined up for the project. Alam niyang maraming magiging interesado pero tang ina, ang dami na niyang na-cross out dahil ugali pa lang, basura na. Pero boom, hindi pa rin ubos ang listahan!

Reality really slapped him hard, didn't it?

Bakit kaya hindi na lang siya ang kumuha ng proyekto nang sa ganoon, hindi na siya mahirapan nang ganito? Stressed na siya sa mga kliyente niya, dadagdag pa iyong mga katrabaho niyang biglang naging santa at santo dahil lang sa klinika ni Keith. Pero joke lang na siya ang kukuha ng proyekto.

Putang ina ni hindi nga niya maatim na madikit sa lalaking iyon kahit five seconds lang, e!

"Anong sinabi mo? Wala ka pa ring nakikita na engineer para sa klinika ni Keith?" tanong ni Leonardo noong mag-aya ulit ito ng video call. Dapat, kukumustahin lang din siya nito, pero nauwi sa nag-open siya tungkol sa problema niya nitong nakaraan.

Pilit na itinago ni Leon ang pagnguso. Ang tanda na niya, magmumukmok pa ba siya na parang bata?

"Ba't wala ka pang mahanap?" dagdag nito.

Napatikhim naman siya. "Ah, 'di ko alam. Maraming nakapila?"

"O, marami naman pala. Edi marami kang choices, ba't ka namomroblema?"

"Dahil nga maraming choices. Ang dami kong sasalain, e busy rin naman ako sa trabaho."

Kumibot ang isang kilay ni Leon noong marinig niyang humalakhak si Leonardo. Maging ang paghampas nito sa lamesa, at ang bahagyang pag-uga ng laptop, naging dahilan para mapasagitsit siya.

"Kaninong kasalanan 'yan? E, kung kinuha mo nalang din 'yong proyekto? 'Di ka mamomroblema ng ganyan."

Leon's side lip twitched and in a small voice he replied, "that's easier said than done. Tang ina, 'di ko nga maatim na makasama si Keith ng limang minuto. Iyong palagi pa 'kong bibisitahin at kauusapin?"

"Leon, busy rin si Keith sa trabaho. 'Di ka madalas na mapupuntahan niyan. Siguro isa o dalawang beses lang sa isang linggo dahil paniguradong pagod 'yon. Kaya nga nakakapagtakang ayaw mo pa rin," pangangatwiran naman ni Leonardo.

"At gaano siya katagal mananatili no'n sa site?"

Mahinang humimig si Leonardo bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Ipinagkrus din nito ang mga braso bago bahagyang ngumuso. Tanda na sinusubukan nitong estimahin kung gaano katagal na posibleng makasama ni Leon si Keith.

"Mabilis lang siguro. Ipagpalagay mo na sampu hanggang labing limang minuto. O kung bad mood ka pa, baka 'di 'yon magpakita at sa sidelines lang titingin," anito.

Muling kumibot ang isang kilay ni Leon bago niya inirapan ang nakatatandang kapatid. Mas ayaw naman niya ng ganoon. Mas nakaka-stress. Paano nito malalaman ang pag-usad ng proyekto kung hindi siya magpapakita? Kaya hindi talaga pwedeng siya ang kumuhang engineer doon.

"Tang ina, edi wala rin. Pa'no ko malalaman kung may gusto siyang ipa-adjust kung gano'n lang kabilis 'yong pagdalaw niya? Putsa, ipagsiksikan ko na sa iba 'yan."

Natigilan si Leon sa pag-iisip nang marinig ang paghalakhak ng nakatatanda niyang kapatid. Nang ibalik niya ang mga mata sa binata, natagpuan niya itong matiim na pinagmamasdan siya.

"Ba't ka ba nagagalit? Sinabi ko lang naman 'yong posibilidad nang mapanatag 'yang loob mo't ikaw na ang kumuha ng proyekto, tapos ganyan naman sasabihin mo?"

Naikuyom ni Leon ang kamao at mahina iyong hinampas sa lamesa. "E wala ring mangyayari kung ako! Ang dami kong oportunidad na palyahin 'yong building niyan. 'Di ba 'yon mag-aalala?!"

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon