Slayer 21

337 29 5
                                    


The Legendary Mafia Slayer

Slayer 21

"Fortress"

Persephone's P.o.v.

"Do you understand?" Tanong ng lecturer sa amin habang malawak na nakangiti. Hindi kasi kami maingay ngayon katulad ng lagi naming ginagawa. Lahat ay tahimik at takot gumawa ng ingay na makakapagpagising sa isang beast.

Tanging ang tunog ng aircon, yabag ng sapatos ng lecturer at ang bibig nito ang naririnig sa buong classroom dahil sa katahimikan.

Enjoy na enjoy naman ang lecturer namin ngayon dahil lahat ay tahimik at malaya siyang nakakapagdiscuss ng walang anumang istorbo.

"Do you understand class? Answer me" Sabi ng lecturer at pinukpok ang desk niya. Naramdaman ko ang pag-ingos ng katabi ko pero hindi ako lumingon. Dahil sa pag-ingos niya ay napabaling lahat sa kaniya ang atensiyon bago sumagot ang lahat.

"Yes"

"Good! Tomorrow we will have a short quiz so be ready. And Mr. Cravender, I am expecting you tomorrow on my class again. That's all, class dismissed" Sabi nito kahit tulog si Hades, baka si Zeus ang sinasabihan nito? Iniligpit na ng lecturer namin ang kaniyang gamit at tahimik na lumabas ng classroom.

Paglabas at sarado ng lecturer ng classroom ay aircon na lang ang naririnig. Walang nagtangkang humiyaw ng 'Yes!' tuwing aalis ang lecturer. Walang nagtangkang magbatuhan ng kung ano-ano.

Walang nagtangkang magmake up at mag-agawan sa iisang salamin at walang nagtangkang lumabas ng classroom.

30 minutes break lang ang meron kami. Sa ganitong normal na araw e, magkakandadapa sila palabas ng room papunta sa cafeteria para kumain at makipaglandian o humanap ng target pero naiba ang ihip ng hangin ngayon.

Parang hindi sila nagugutom.

Pasimple akong napatingin kay Hades.

Nakasubsob padin siya sa desk niya at nakaharap ang mukha niya sa akin. Malayang tinatakluban ng kaniyang makinis at mukhang malambot na buhok ang kaniyang mukha.

Napabuntong hininga ako.

Pero dahil sa buntong hininga ko ay parang manlalapa ang mga kaklase ko kung tingnan ako ng masama. Parang anytime lang at kung wala sa tabi ko si Hades ay susunggaban nila ako at pagkakaguluhan na patayin.

Grabe naman ang mga ito.

Hindi naman gumawa ng impact kay Hades ang mahinang buntong hininga ko ah? Hindi nga man lang siya umingos tulad kanina e.

Gano'n na lang talaga ang takot nila sa taong katabi ko?

Tsk!

Mga duwag, e pare-parehas naman tayong tao. Bakit ka matatakot?

"Ayus ayusin mo nga Zeus, 'wag kang malikot" Napalingon ang lahat kay Alyana ng magsalita ito. "Oh? Anong tinitingin tingin niyo? Gusto niyo dukutin ko mga mata niyo ha?" Maangas nitong saad. Napa-irap ang ibang babae kong kaklase at bumulong ng 'mayabang' habang ang iba naman ay inalis na lang ang tingin sa kaniya.

Napalingon ako sa kanila.

Ang nasa likod ko ay si Alyana at nasa tabi niya si Zeus. Diyan siya umupo dahil ayaw talaga ni Hades na ako ang paalisin. Nagtalo pa si Alyana at Zeus kanina dahil gusto ni Zeus na sa bandang likod ko siya maupo. Ito namang si Alyana ay palaban kaya hindi pumayag.

"I said, exchange seat! Do you know the word 'Exchange' Miss?" Sagot naman ni Zeus. Magsisimula na naman sila. Para lang sa upuan at pwesto ay nagkakagulo na sila? Tsk!

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Where stories live. Discover now